Chapter 7 - Wedding Invitation

27 0 0
                                    

Wednesday Morning. Normal na araw pa din. Nagklase, nagseatwork, naggroupings. Feel na feel na rin ng mga classmates ko ang parating na Valentines. Halos lahat ng classmates ko ay in a relationship. Kaya ayon panay ang kwentuhan nila. Kung saan magdadate, mga idea kung ano pwedeng ibigay sa girlfriend.

"Bff, san date ninyo ni Kevin sa 14?" Tanong nito habang nag aayos ako ng bag ko.

 "Ah, eh. Wala e. Hindi kami magkikita. Saka diba may pasok tayo nun. Remember, nstp natin yun." Sagot ko dito.

 "Ah, bff. Hindi ako papasok sa saturday e. Si Jonas kasi nag-invite sa bahay nila. Complete raw kasi sila sa nun kaya pinapapunta niya ako."

 "Soooo, w-aaaala pala akong kasama sa Nstp natin?" Nakasimangot kong sabi dito. Napa-oo na lang si Mysh at saka nagba-bye sakin. Legal ang relasyon nila sa pamilya ng isat-isa. Napunta si Mysh sa bahay nila kapag kompleto ang pamilya ni Jonas at ganun din naman ang boyfriend niya.

"Siguro, papasok na lang ako sa Saturday. E kasi nakailang absent na rin kasi ako sa NSTP namin e. Wala pang klase last week. So i think, papasok na lang ako. Babawi ako." Sabi ko sa utak ko. Tama yan Mitch! Wag katamaran ang pairalin.

 **Beep**

One message received

Loves

Umuwi ka na ha. Wag na gagala. Mainit. I love you, Miss Sungit!

Ako

Tse! Baliw

 Loves

 Oo baliw ako. Baliw na baliw sayo.

Ako

Wow! Banat mo ah.

Loves

I love you.

 Ako

 I love you too.

Napakasweet talaga nito. Lahat ng bad mood ko napapalitan ng good vibes. Simpleng text lang mula sa kanya, kompleto na araw ko. Pag uwi ko sa bahay, himala wala na si Carlita. Umuwi na raw sa kanila. Wala na kong katabi matulog. Wala na si Loka-loka. Mananahimik na ang buhay ko.

"Nak, kaen ka na. May ulam jan sa kaldero." Alok sakin ni Mama habang nanonood.

"Opo ma. Bihis lang po ako." Pagkatapos ko magbihis kumain agad ako. Bumalik ako sa kwarto para tingnan kung may assignment kami. Oo nga pala. May assignment kami sa Statistics. So gagawin ko na. Andito ako ngayon sa sofa. Dito kasi ako gumagawa ng mga assignments at projects. Komportable kasi dito. Si mama naman nasa kabilang upuan. Inilagay ko ang phone ko sa tabi ng bag ko.

"Pano ka makakagawa niyan e panay hawak mo jan sa cp mo." sabi ni mama habang nakatingin sakin.

"Ginagamit ko lang po yung calcu nito." Palusot ko.

 "Anong silbi ng calcu na binili sayo ng papa mo?" usngal na sagot nito sakin. Oo nga pala. Binilhan pala ako ni Papa ng calcu last week. Nasira kasi yung luma. Magkatext talaga kami ni Kevin ngayon. Syempre nagpalusot lang ako kasi alam ninyo naman. Natapos na ang assignment ko. Niligpit ko ang mga gamitko at pumunta sa kwarto at humiga.

To: Loves

Loves, gawa mo? Kauwi ka na?

Past 5 na pala. Hinaluan ko kasi ng panonood at pagtetext ang paggawa ko ng assignment kanina kaya natagalan ako.

From: Loves

 I'm in my way home, loves. Dont worry behave ako.

To: Loves

Dapat lang. Kung hindi..

From: Loves

 Opo Miss Sungit.

Halos tatlong oras din pala akong nakahiga habang katext si Kevin. Ang bilis talaga ng oras kapag magkatext kami. At yes, tumawag siya sakin kanina. 10 minutes din kaming magkausap. Syempre, mahina lang ang boses ko para hindi nila marinig sa labas. Marami kaming napag-usapan. Kung anu-ano. Panay ang tawanan namin. E kasi naman si Kevin pinagtatawanan ako. Di ko alam kung bakit.

 "Janina, kakain na. Andito na ang papa mo." Tawag ni mama habang kumakatok sa pinto.

"Opo ma. Palabas na po ako." Kinamusta naman ni Papa ang schooling ko. Sabi ko naman ay okay lang. Natanong rin nila kung bakit hindi na napunta sa bahay si Mysh.

"Janina, bakit hindi na napunta dito ang kaibigan mo?" Tanong ni papa sakin.

 "Ah, busy po kasi siya."

 "Kumusta naman sila ng boyfriend niya?"  Tanong naman ni mama. Alam nila na may bf si Mysh. Pano ba naman pag napunta yun dito, magkausap sila sa phone. Saka nagkukwento rin siya tungkol kay Jonas. Buti pa si Mysh, legal sa pamilya ko. Haha. Chaaar!

 "Okay naman po sila. Sila pa din. Telebabad pa rin sa school." Natawa naman si mama sa sinabi ko.

-

Hands-on kami ngayon sa I.T with lab. Ibig sabihin, doon kami gagawa sa Computer Lab. Umupo na kami sa tapat ng monitor. At itong si Mysh, syempre katabi ko. Ano pa ba? Haha. Habang naghihintay ng ipapagawa ni Sir ay naglaro muna ko ng Speed Typing Test. Medyo pasmado na pala ako. Eeeew! Nang makaupo na ang lahat ng classmates ko ay nagsimula nang magsalita si Sir.

"Siguro naman familiar kayong lahat sa Microsoft Publisher diba?" Napa-opo kaming lahat. Nakafocus kaming lahat sa sinasabi ni Sir.

"Good. Kasi ang ipapagawa ko sa inyo ngayon ay mga greeting cards, calling cards, invitations, etc. Mamimili lang kayo ng isa. Okay. You can start now." Mahilig ako sa mga ganitong activity. Yung nagdedesign. Anything about designing. Creative kasi ako. Nakanaks!

"Anong gagawin mo sayo?" Tanong ko kay Mysh.

 "Secret!" Sabi nito habang nakafocus na sa monitor. Aba! Pa-secret secret pa. Malalaman ko din naman. So ang ginawa ko ay wedding invitation. Haha. Yung front lang naman. Nilagay ko ay "You are cordially invited!" Tas merong name ng ikakasal. Syempre name namin ni Kevin nilagay ko. Haha! Kilig! Sumisilip naman ako sa ginagawa ni Mysh kasi napapansin kong natatawa ito. Ano kaya yun? Booooom!

"Aha! Hahaha!" Natatawa kong sabi sa kanya.

 "Pssst!" Natawang sabi nito. Invitation card for birthday? Aba matinde. Ginawan nila ng invitation ang "future" anak nila. Nakakatawa! Pero mas nakakatawa yung akin. Nakakuha naman kami ng 95 dahil sa gawa namin. Yehey!

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon