Chapter 3 - Second Day

26 1 0
                                    

Tuesday morning.

 Ganun pa rin. Puro booth lang ang nasa baba. Kami ni Mysh tambay pa rin dito sa corridor. Wala kasing magawa. Gusto ko na umuwi. Mama! Hahaha.

"BFF, tara tambay tayo sa canteen!"

 "Hindi pa ba tambay to?" Pabiro kong sagot dito.

"Canteen nga diba? Kelan pa naging canteen ang corridor?" Ganti naman nito sakin.

Ayan kasi Mitch. Wag ka kasi mamilosopo nang hindi ka mabara. Lessons learned. Bumili ulit kami ng food namin sa mga booth sa baba. Sandwich ang binili ko, bacon ang palaman with matching mango shake. Si Mysh naman Shawarma with orange juice. Maraming nakatambay sa canteen. Marahil ay nagpapalipas oras din tulad namin. Si Mysh naman panay ang selfie sa shawarma at juice niya. Ganyan yan. Bago kumain hindi pwedeng hindi magpipicture. Nagpaabot na kami hanggang lunch dito.

**Beep**

One message received

Kevin

Problema ng lalaking to? Magtetext ng walang laman. Nantitrip ata to ah. "Baliw!" Sabi ko sa utak ko. Wala ako magawa. Si Mysh panay ang telebabad. Ako kaya? Anong pwedeng magawa?

“Malilit na gagamba umakyat sa sanga.”

Kumanta e no! Haha. Syempre joke lang.

 "Ano raw kaganapan sa school nila Jonas ngayon?" Tanong ko kay Mysh nang ibaba niya ang phone niya.

"Wala. Normal lang. Nagkaklase. Next week ata exam na nila e." sagot niya.

 "E diba exam na rin natim next week? Bongga ha! After ng foundation exam agad? Boom panes!" nag-boom panes move ako.  Tawa nang tawa sakin si Mysh. Babaw talaga ng kaligayahan nito. San kaya to pinaglihi?

 "Takte, sakit ng pwet ko! Ilang oras din tayong nakaupo dito sa canteen!" Reklamo nito habang hawak hawak ang balakang.

 "Check ko nga. Baka nagkakalyo na yan. Tingin nga!" Pajoke kong tiningnan ang balakang niya. Tawa na naman ng tawa si bff. Hindi ata uso ang sama ng loob dito. Pagtayo namin nagkayayaan na umuwi.

Pagdating ko sa bahay, nakahanda na ang merienda! Merienda's ready! Haha. Ginataang bilo-bilo with love ni mama.

"Nak, kain ka na." Bungad sakin ni mama.

"Sige po ma, lapag ko lang po bag ko." Hindi muna ako nagbihis pagkalapag ko sa bag ko ay kumain agad ako.

 "Sarap naman nito ma!" Puri ko sa kinakain ko.

 "Aba syempre, papatalo ba ang mga luto ko?" Pagmamalaki nito sakin. That's my mama. Magaling talaga siya magluto. Masarap siya magluto. Lahat ng klaseng luto alam niyan. Hindi ko nga alam kung saan ako nagmana e. Kabaligtaran ako ni mama.

**Beep**

One message received

Kevin

Problema na naman nitong lalaking to. Makapagreply nga. Akala niya ha!

To: Kevin

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon