Chapter 12 - Group Study ulit

16 0 0
                                    

Tuesday. Group study namin. Napili naman ako ni Mike na magdiscuss sa Marketing. Wow ha! Syempre sinusuportahan naman niya ako kapag nagtatanong yung mga classmates ko. Andun kaming dalawa sa unahan na parang professors. Nakafocus naman lahat ng classmates ko samin. Lalo na yung mga boys sa likod. Minsan kasi nagcucutting sila e.

After ng group study namin sa Marketing ay mukhang nasiyahan naman sila. Mukhang nakuha naman nila ang gusto nila. Tuwang tuwa naman samin si Ma'am Malate. After nun ay pumasok na si Maam Prieto.

"Ma'am can we have our group study in Statistics?" tanong ni Mike.

"Sure, but make sure na wag kayo gaanong maingay ha." Sagot naman niya.

"Thanks maam." Sabay sabay naming sabi.

Ayon nga, nagsimula na kaming magdiscuss. Nagsulat din ako ng example sa board. Diniscuss bawat isa. Nagkaroon din kami ng boardwork. Happy naman ako kasi tama lahat ng sagot nila. Mukhang mapeperfect namin ang exam bukas.

"Very good class!" Puri samin ni maam.

Ang last subject naman ay Socsci, more on essay lang naman ang type ng examna binibigay ni maam kaya medyo madali lang. Natapos naman agad kami sa group study. Maaga kami natapos at umuwi agad.

Maitext nga si Loves. Maghapon din akong busy sa school kaya hindi ko na siya tinext.

From: Loves

Loves, uwian na namin. Tapos na kami maggroup study, mukhang okay na naman mga classmates ko. Musta ka?

10 minutes bago ako nakareceive ng text sa kanya. Busy rin to mag-aral.

To: Loves

Ah buti naman loves. Kami naman naggroup study pa din. Mamaya pa to matatapos.

Nakakatuwa si Kevin kasi masipag din mag-aral. Pero sabi niya sakin dati hindi raw siya nagrereview tuwing mag-eexam. Aba, mukhang inspired ngayon ah. Yieee!

Pag uwi ko sa bahay ay nagrecall lang ako sa mga notes ko. Mukhang ready na ko para bukas. Matutulog ako ng maaga.

From: Loves

Loves, tulog tayo ng maaga ngayon ha! Para okay tayo bukas sa exam.

To: Loves

Cge loves. Good night na ha! 9pm na rin kasi e. mas maaga ako gigising bukas. I love you!

From: Loves

Okay loves. Kaya natin to. Good night. I love you too. Mwah!

At ayon nga. Nahiga na ako at nagpaantok.

-

Wednesday, our exam day!

6:30 pa lang ay nasa school na ko. Sa last minute ng first subject naman ay nireview ko muna ang mga notes ko. Mukhang okay na ko. Syempre tinext ko muna si my loves.

To: Loves

Hi loves. Lapit na magstart ang exam namin. Wish me luck. Good luck din sa exam mo. Aja! I love you!

From: Loves

Kami rin loves. Lapit na magstart. Kaya natin to. I love you too.

Maya-maya ay nagbell na. Kailangan na namin pumasok sa room. Yung mga classmates ko cool lang. Mukhang ready na rin sila. Hinanda ko na ang aking test booklet at permit. Hindi kasi pwedeng mag exam kapag walang exam permit.

"Bff, good luck satin!" Ngiting-ngiting sabi ni Mysh.

"Yah! We can do this! Tayo pa ba?" Sabay balik ng ngiti sa kanya.

Exactly, 7:05 ay pumasok na si Maam Malate. Dala na niya ang exam papers namin. Chineck niya muna ang mga permit namin bag ibigay ang exam.

"Very good class. Lahat kayo ay may permits. You can start answering now." Puri nito samin.

Identification, enumeration and discussion ang type ng exam namin. 50 items. I can say na lahat ng nasa exam ay nadiscuss namin kahapon.

After 45 minutes ay natapos ko na ang exam ko. Pinasa ko ito kay maam at bumalik sa upuan. Marami na ring nagpapasa.

"Stop answering now. Pass your papers forward!" Prof. Malate asked.

Lumabas na si Maam nung nacollect na lahat ng papers. Next na exam ay Stat. My favorite. Pumasok na si Maam Prieto. Ngiting ngiti sa amin.

"Okay class. Get your test booklet, calcu and index card. Prepare also your permit." Utos nito.

Nagsimula na siyang pumirma sa aming mga permits. At nagbigay na rin ng test papers. Sinagutan ko na ang mga tanong. Umabot din ako ng isang oras dahil dinouble check ko pa lahat. Naunang magpasa sakin si Mysh. Sumunod ako sa kanya.

Last exam namin ay Socsci. More on essay lang naman to si Maam Beginia kaya easy-easy lang samin. Mataas din to magbigay ng grade. Inuuto kasi ng mga classmates ko e.

Yehey! Natapos na ang exam. Dalawa na lang para bukas. Kaya ko na yun. Maitext nga si loves.

To: Loves

Hi loves ko. Tapos na exam namin. Kayo? Galingan mo ha!

From: Loves

Ito po, magsisimula na yung pangalawa. I love you!

Sana mataas makuha namin ni Kevin sa exam pati si Mysh.

Bago kami umuwi ay tumambay muna kami ni Mysh sa canteen. Maaga pa rin kasi. Pinag-usapan lang namin ang exams namin kanina. Nagcocompare ng mga sagot. Napag-isipan namin na pumunta sa bahay at dun kumain ng lunch.

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon