Saturday na! Magdedate na kami ni Loves. Dumiretso ako sa CR para maligo, at syempre nagbihis. Nagskater skirt ako at pink na sleeveless. Super pagirl. Hehe.
**Beep**
From: 0917*******
Good morning Mitch! Have a nice day!Sino naman kaya to? Di bale, hindi ko nalang rereplyan. Baka nang-gogoodtime lang e.
"Loves!" Sigaw ni Kevin sa labas ng kwarto ko.
"Palabas na po." Agad naman akong lumabas ng kwarto.
Ang pogi naman ng loves ko! Nakablue na polo shirt at maong pants! Ano ba yan loves. Bakit ang pogi mo?
"Let's go!" Nagpaalam na ako kay Mama.
-
Jeepney mode kami. Nakahawak si loves sa kamay ko. Panay naman ang tingin ng mga babaeng pasahero sa kanya. Nagpapacute ata.
After almost 1 and a half hour nakarating na kami sa mall. Ang daming tao. Super duper shopping yung iba.
"Nood tayo sine!" aya niya.
"Ano bang magandang movie ngayon?" tanong ko.
"Annabelle." Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. Nanonood ako ng sine pero never ako nanood ng horror or suspense.
"Tara na loves. Bili na ako ng ticket." Di na ako nakapalag. Sakto 3:30 ang start ng movie. Bumili kami ng food.
20 minutes before the movie starts, pumasok na kami sa loob. Nakakapit na ako sa braso niya. Natatakot talaga ako. Bahala siya kapag ako naghallucinate ako mamaya sa loob. Haha.
Sa taas kami pumwesto. Nakakahilo kasi sa baba. Marami na rin tao sa loob. Hindi naman ako mapakali sa upuan.
"Chill ka lang loves. Ako bahala sayo." sabi naman niya. Hawak hawak niya ang kamay ko. Napayuko lang ako.
"Mauubos ko na tong food natin hindi pa nagsstart. Haha." Sabi ko.
"Okay lang yan loves."
Namatay na ang ilaw. Mygawd! This is it! Napapikit ako saglit at inalog alog ang ulo. Kaya ko to! Chill chill lang sa una. Kaya wala ako gaanong reaksyon. Pero nung nakakagulat na, napapatili ako. Nagtatago ako sa likod ni Kevin.
-
Nang matapos ang movie, natawa sa akin si loves. Para raw akong nakakita ng multo.
"Ang ganda ng movie no loves?" sabi niya.
"E nagtago lang naman ako sa likod mo. Hehe."
Umikot-ikot muna kami. Tutal medyo maaga pa, pumasok kami sa mga boutique. Penshoppe, bench at forever 21. Bumili ng pabango si loves. Ako naman bumili ng damit.
7pm na. Nag-aya na siya kumain para raw makapunta na kami sa sea side.
"Loves, tara dinner na tayo." Sa greenwich namin naisipan kumain kasi favorite namin ang pizza at lasagna.
"Selfie muna tayo loves!" sabi ko sa kanya. Para may maipost naman ako sa fb.
-
Dumiretso na agad kami sa sea side. Medyo maraming tao. Nagulat ako nang hilahin niya ako papunta sa ferris wheel.
"Sakay tayo dun loves." Sabay turo niya sa taas.
"Ayoko loves. May fear of heights ako." Malungkot kong sabi.
"Ako bahala sayo." Wala na ulit akong nagawa ng hilahin niya ako sa papunta sa bilihan ng tickets.
-
Nasa loob na kami. Hindi pa naikot ay nahihilo na ako. Humawak lang ako sa braso ni Loves in case of emergency. Nang nagsimula ng umikot ay nakayuko lang ako. Nakapikit.
"Loves, tingnan mo! Ang ganda ng view! Woooooo!" Hinawakan niya yung kamay ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Pati ako nagulat sa mga nakita ko.
"Wow! Loves ang ganda! Kitang kita yung buong Manila Bay! Woooooow!" Hindi ko akalain na matapos kong makita ang view ay mawawala ang takot ko. Syempre nagselfie ulit kami.
Nang matapos ang ride namin ay tuwang-tuwa kami pareho. Na parang gusto pa namin ulitin.
"Ano matatakot ka pang sumakay jan?" Tanong niya. Napailing lang ako sa kanya.
Umupo kami sa gilid ng dagat. Ang lakas ng hangin. Super sarap sa pakiramdam. Lalo na kapag kasama mo yung taong mahal mo!
"Manong, pabili nga po ng ice cream."
"Loves oh!" Sabay abot ng ice cream sakin.
Infairness. Ang sarap ng ice cream ni manong. Yummy!
Nakaharap kami sa dagat. Kahit dito ang ganda ng view. Yung alon ng dagat. Mga barko, yung mga ilaw. Haaay! So relaxing. Humiga si loves. Pinatong niya ang ulo niya sa lap ko. Kilig naman ako. Hihi. Enebe.
"Thank you mahal! Thank you kasi sobrang napasaya mo ako!" Naka-smile siya sa akin.
"Salamat din loves. Kasi dahil sayo nawala lahat ng takot ko. Biruin mo, nakanood ako ng Annabelle. At napasakay mo ako sa ferris wheel. Lakas mo! Hehe." sagot ko sa kanya.
Umupo siya at dumikit sa akin. Niyakap niya ako. Ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko secured ako kapag yakap niya ako.
"I love you! I love you so much" Sabi ko sa kanya.
"I love you so much loves!" Sagot niya.
-
Tiningnan ko ang oras sa relo ko! Huwaaaaat! 8:30 na! Kelangan ko na umuwi.
Hinatid ako ni loves pauwi. Syempre bumili muna siya ng pasalubong kila mana. 1 dozen Krispy Kreme.
"Ingat ka pauwi loves ha!" Sabi ko sa kanya. "Thank you dito."
"Magpahinga ka na pagpasok mo ha! I love you." Sabi niya. Niyakap niya ako at kiniss. Sa lips.
Napakaswerte ko talaga sa kanya. Dumating nga yung moment na tinititigan ko lang siya tapos napangiti na ko at nasabi ko sa sarili ko na "Ang saya ko. Ang swerte ko sa kanya."