It's Saturday. 9am na ko nagising. Si Carla naman ang naghanda ng almusal. Maaga naman siya gumising ngayon. Sila ate naman meron pa ring pasok tuwing Weekends. Hindi uso ang pahinga sa kanila e. Iba ang aura ko ngayon, pagmulat ng mata ko, nakangiti agad ako. Automatic na ata to. Dumiretso ako sa banyo at nanghilamos.
**Beep**
From: Loves
Good morning loves. Kain ka na ha. I love you!
Yes, pinalitan ko na ang name niya sa contacts ko. Ang saya naman, umagang umaga napakasweet niya. Nagreply naman agad ako pagkabasa ko.
To: Kevin
Yes my loves. Ikaw din. I love you too.
"Breakfast is ready, cousy!" Sigaw ni Carla sakin. Pumunta naman agad ako sa dining table. Aba. Ready na nga. Fried rice, hot dogs, and eggs. With milk pa nga e. Okay rin tong si pinsan e. Dapat dito na to tumira e para may taga handa na ng pagkain ko pag wala akong kasama. Aba buhay prinsesa Mitch ah.
"Wow naman!" Sabay upo sa upuan.
"Maaga kasi akong nagising. Naisipan ko na ding magluto mukha kasing napuyat ka e." birong sabi nito sakin.
"Oo napuyat nga ako. A-ah ka-a-si..." Hindi ko nalang itinuloy.
"Kasi ano?" Tankng nito.
"Ewan ko. Di agad ako nakatulog e." palusot ko.
I think it's not the right time para sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Kevin. Alam kong mabibigla to. Kaya next time na lang. Haha. Para makabawi ako na lang ang naghugas ng mga plato. Siya naman busy sa kakatext. Sino kayang katext nito? Wala naman tong bf e. ayon ang pagkakaalam ko. Kaya naisipan kong itanong.
"Hoy, Carlita. Sinong katext mo?" Sigaw ko sa kanya habang natatawa.
"Maka-Carlita ka naman jan Janina. Mga friends ko lang." Sagot nito habang busy pa rin sa pagpindot sa phone niya. 12 noon na, ako naman ang nagluto ng ulam. Syempre, ako pa. Corned beef with egg ang niluto ko. Haha. Nagtimpla na rin ako ng orange juice. Aba, bakit kaya hindi nagtetext si Loves? Busy ba siya? Ano kayang ginagawa niya. Hmmm.
**Beep**
Loves
Loves ko, kain ka na ha. Sorry mejo busy kasi ako. May bisita kasi kami. I love you.
Ako
Okay lang. Ikaw din kumaen ka na. Wag ka magpapalipas ha! I love you!
Ang galing no? Parang nabasa niya ang isip ko. Hindi pa ko nagtetext pero naunahan niya na agad ako. Galing! After lunch, si Carla naman ang naghugas ng plato. Ako naman nakahiga sa sofa.
**Kriiiiinggg**
Incoming Call
Loves
Ownose! Maygams! My Loves' calling. Shall I answer it? Am I ready?
"Hello"
"Hi my loves! Kumain ka na?" Sabi niya.
"A-a-ah. O-o-o tapos na ko, i-i-kaw?" Paputol putol kong tanong.
"O loves, okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?"
"Ah hindi loves. Nahihiya lang ako. Hehe."
"Bakit ka naman nahihiya sakin?"
"Di palang siguro ako sanay."
"I love you."
"I love you too."
Boooog. Kabog! Iba pala ang feeling kapag sa kanya mismo nanggaling ang I love you. Ang saya! Napakasweet niya. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. After naman maghugas ng plato, pumunta si Carlita sa sofa. Nakakaloko ang mga ngiti nito. May dumi ba ko sa mukha? May crush ba to sakin. Nakakainis to! Ayaw naman sabihin kong bakit siya natatawa sakin.
I laid on my bed at 8pm. Samantalang si Carlita, ito panay pa rin ang tingin sakin. Nakakaloko na tong babaeng to ah. May dumi ba ako sa mukha? Wala naman. E ano kaya ang problema nito?
"Hoy Carlita! Problema mo?" Singhal ko sakanya.
"Ayieeee!!!" Namumula nitong sabi sakin.
"Crush mo ba ko? May gusto ka ba sakin? Bakit ka kinikilig? Kanina ka pa ah!" Pagtataray ko sa kanya.
"May boyfriend ka na?" Sigaw nito sakin. Natigilan naman ako sa tanong niya.
"A-ahhh-" Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil bigla itong nagsalita.
"Wag ka na tumanggi. Share mo na! Sino ba yan? Si Fafa Kevin na ba? Kayo na?"kinikilig na tanong nito.
"Teka wag ka maingay baka marinig tayo nila mama. Hunghang ka! Paano mo nalaman?"
Ayon. Edi napaamin din. Napahampas naman ako sa noo ko dahil alam ko sa tanong ko ay huli niya na ko. Tongaks ka Mitch!
"Baka nakakalimutan mo na andun ako sa kusina kanina. Isang dingding lang pagitan natin no! Sino nga ba yun?"
"A-ah. S-s-si K-evin." Sabay tili ng lokaret.
"Hoy wag ka maingay. Mahuhuli tayo nila niyan e. patay ka sakin pag nangyari yun." Sabay hampas ko sa kanya ng unan.
-
Sunday is a happy day with my family. Same routine. Nagsimba at gumala. This time kasama naman si Carla. Mas masaya kasi may kakulitan ako. Tuwing nakakakita ng pogi sa SM ay kinakalabit ako. Automatic na sakin yun.
"May boyfriend na ko!" Bulong ko dito nang kalabitin niya ko.
"Para sayo ba? Para sakin syempre." Natatawang sabi nito.
Sabi ko nga sayo. Ewan ko dito kay Carlita. Maganda naman. Masipag naman. Ayaw pa rin magboyfriend. Ewan ko pala kung ayaw, or wala pang nanliligaw. Hard ko na ba? Sorry po!