Chapter 26 - Surprise Visit

3 0 0
                                    

"Janina! Kinikilig ako! Magkatext kami ni Jed! Grabe!" nagpapapadyak si Diana habang nagsasalita.

"O relax lang ha! Baka atakehin." biro ko. "Nasan na nga pala yung dalawa?"

"Ewan ko baka papunta na rin. Tara na sa room." Tumango lang ako kay Diana.

"Hi girls!" masayang bati samin ni Karina.

"Aba, mukhang nag-iba ang ihip ng hangin ah. Anong meron?" tanong ko sa kanya.

"Ahm, girls. Kami na!" pasigaw niyang sabi samin.

"Ni Tyrone?" painosenteng tanong ni Diana.

"Ay, hindi, ay hindi. Kami na ni Jed. Malamang si Tyrone my heart." papilosopong sagot ni Karina. Tinaasan lang siya ng kilay ni Diana.

Nakakatamad talaga pumasok kapag malapit na mag-exam. Pa-chill-chill na lang kasi ang mga professors pati ang mga estudyante.

"Oi girl. Congrats ha! So happy for you na finally kayo na ni Tyrone! Pakilala mo naman samin yan! Aba!" sabi ko habang naglalakad sa hallway.

"Syempre ipapakilala ko din sya sa inyo. Gusto ko rin na makilala ninyo siya tulad ni Kevin." -Karina

"Hintayin namin yan ha!" -ako

-

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Nagbihis at chineck ang phone ko.

Hindi na kami gaanong nakapagtext ni Loves kasi medyo busy siya sa school ngayon. Nagtext pala sakin si Mysh. Dalaw naman raw kami ni Kevin sa bahay nila. Syempre pumayag ako. After ng exam pupunta kami sa kanila.

"Anak! May bisita ka!" tawag ni mama sa labas. Sino naman kayang bisita ko? Hindi man lang nagpasabi na pupunta dito sa bahay.

"Sino po ma?" sigaw ko naman. Hindi na ako sinagot ni mama. Nagbihis ako ng pambahay at lumabas ng kwarto.

"SURPRISEEEEE!" gulat sakin ni loves sa may pintuan.

"Loveeeeeeessss!" napayakap ako sa kanya.

"Namiss kita e!" hindi pa rin siya nabitaw.

"Ikaw din namiss ko! Busy ka na masyado e." pa-baby na sabi ko.

"Ehem ehem." nag-ubu-ubuhan si ate Joana.

"Ate andyan ka na pala." ngiti ko sa kanya.

Umupo kami sa may sala. Nanonood kami ng tv. Ang saya ko kasi kahit papano ay nagkita kami ni loves. Sobrang namiss namin ang isat-isa. Halata ba?

"Kevin, dito ka na magdinner. Malapit na maluto tong ulam." sabi ni mama.

"Ay thank you po tita."

Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay kumain. Sinabi ko na rin na may lovelife na si Karina. Samantalang yung dalawa naman ay deads na deads kay Jed.

"Sino ba yung Jed?" tanong niya.

"Ah, pamangkin siya ng may ari ng school namin. Matagal na silang magkakilala."

"Ah, gwapo ba yun tulad ko?" tanong ulit niya.

"Naku loves--" napatingin siya sa akin. "Mas gwapo ka pa dun." sabay pisil ko sa pisngi niya.

"Ah mabuti na yung nagkakalinawan tayo." pabiro niyang sabi at humawak sa baba niya. Yabang talaga nito. Hihi.

Maya-maya at tumawag na si mama para kumain. Tumayo si Kevin at inabot ang kamay niya sa akin. Sweeeeeeet!

Walang nagsasalita habang kami ay kumakain. Mukhang nasarapan sa luto ni mama. Hehe.

Maya-maya.

"Ahmm. Tita, tito. Nga po pala, nakakuha na po ako ng tickets para sa graduation ko sa march. 4 po ang pwedeng isama. Pwede ko po ba isama si Mitch?" tanong niya.

Napatingin lang si mama kay papa. Marahil si papa lang ang pwedeng sumagot.

"Hijo, anong oras ba ang graduation mo?" tanong ni papa.

"2 po ng hapon. Kelangan po 1pm andun na po kami. Wag po kayong mag-alala. Susunduin naman po namin si Mitch dito. Ihahatid na rin po."

"So matatapos yun ng mga around 8pm? Tama?"

"Opo tito."

"Kelan ba Kevin?" tanong ni mama.

"Sa march 28 po tita."

"Sige. Pinapayagan ko ang anak ko na sumama." sabay ngiti ni papa samin. Napangiti na rin si mama.

"Thank you po tito, tita."

"Thank you ma, pa!" -ako.

Tuwang-tuwa si loves nang pumayag sila papa na sumama ako sa graduation niya. Pati pala ako tuwang-tuwa. Hehe.

-

"Ingat ka pauwi loves ha!" bilin ko sa kanya.

"Opo asawa ko!" sabay kindat.

"Ang corny mo naman!" asar ko.

"Wag ka na macorny-han kasi dyan din tayo mapupunta." sabay kindat sakin.

"O sige na. Umalis ka na. Gagabihin ka pa. Ikamusta mo nalang ako kila tito at tita ha! Pati kay kuya."

"Sige na bye!" nakatalikod na ako after niya magbye sa akin nang bigla niya akong tawagin.

"Oh bak---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong ikiss sa labi. Ang tagal niya bago binitiwan ang labi ko. Namiss ko to!

"I love you!" sabi niya sabay yakap sa akin.

"I love you so much!" humarap siya sakin at kiniss ulit ako sa labi.

Haaaaayyy! I just died!

"O tama na! Masyado nang maraming langgam. Nangangati na ako!"  biro ko. Ngumiti lang siya at pinisil ang ilong ko.

Tinulak ko na siya para umalis na. Pinagmamasdan ko lang siyang naglalakad palayo lumingon ito at bumalik sa akin.

"Oh bakit na na---" di pa ulit ako natatapos sa sasabihin ko ay kiniss niya ako ng three times sa lips.

"Tama na. Umalis ka na gagabihin ka na niyan e." tinulak ko ulit siya. Lumakad na ulit ito palayo. Pinagmamasdan ko ulit siya habang naglalakad. Maya-maya ay lumingon ulit ito sa akin at nagrerequest pa ng isa.

Hindi pa ako napayag ay tumakbo na ito palapit sa akin at agad akong hinalikan sa labi. This time nakapikit na siya. Hawak-hawak niya ang pisngi ko. Aaayy! Heaven! Haha!

"I love you!" sabi ko sa kanya.

"I love you too so much more!" sabi niya.

Grabe talaga tong lalaking to! Over magpakilig! Haaaayy! :)

Hindi ko alam kung paano ako makakapagreview ng maayos nito. Di ako makamove on sa kiss namin ni Kevin kanina. Pag ako bumagsak siya may kasalanan. Haha!

Pagpasok ko sa bahay ay nakanta-kanta ako. Napansin naman ako ni ate Joana.

"Aba, mukhang masaya Janina ah!"

"Syempre, dapat everyday happy!"

"Iba na talaga ang inspired ano?" tanong niya sa akin.

"Alam mo yan!  Ikaw ata ang expert sa pagiging inspired diba ate?" loko ko sa kanya.

"Wag mo ko idamay no!"

"Asususus! Inarte pa si Ati. Koya oh!"  mas inasar ko pa siya. Ayon nagwalk-out. Haha!

Pumasok ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang mga notes ko at nagreview. Nasagi ng mga mata ko ang 'anak' namin. Kinuha ko ito at niyakap ng mahigpit at kiniss. "Inspiration!" sabay ngiti. Haay naku baliw na ata ako!

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon