"Come on Liliveth! I promise you that it will be fun! Sumama ka na please!" napabuntong hininga na lang ako sa pangngulit ni Kendra
Pauwi na kami galing University at kanina nya pa ako kinukulit na sumama sa party nya na gaganapin sa isang bar
"Hindi talaga pwede" mahinahong sagot ko
Humalukipkip sya at inirapan ako. Kumibot ang mapupulang labi nya at nagsalubong ang perpektong kilay. Gaano nya kaya katagal ginawa yun para maging ganyang kaganda?
"You know what? You're such a killjoy. You will really do this to me? It's my birthday!" maarteng singhal nya. Nakaagaw na rin kami ng atensyon dahil nagpapadyak na rin sya
Sinubukan kong pakalmahin sya pero wala ring nangyari
"If you want me to calm then sumama ka mamaya!"
Ngayon naniniwala na ko na brat talaga sya. Kung anong gusto nya ay dapat nasusunod, dapat nakukuha nya
"Sige na Lili, sumama ka na" si Darcy na nasa kabilang gilid ko
"See?! Even Darcy agreed! Sasama nga rin sya! So come on Liliveth! Sumama ka na!"
She looks hopeful. Tumango na lang ako para matapos na. Nagtatalon naman sya sa tuwa
"Wala ng bawian! See you later!" kumaway sya at tumakbo palapit sa sasakyan nila. Pinagbuksan sya ng driver nya at pinagmasdan namin tuluyang makaalis ang sasakyan nila
"Bwisit na Kendra'ng yan. Di man lang nag offer na ihatid tayo!" ungot ni Darcy sa gilid ko
Napailing na lang ako pinara ang paparating na jeep. Sumakay ako at sumunod naman si Darcy
Si Darcy ang matuturing kong best friend. Parehas kaming galing sa probinsya at simula pagkabata ay magkaibigan na kami. Kasalukuyang nagtatrabaho ang Mama nya rito sa Manila at kinuha sya nito mula sa probinsya para dito na mag aral. Ako naman ay nakakuha ng scholarship kaya nakakapag aral ako rito. Unang taon pa lang namin ni Darcy sa kolehiyo, medyo nahirapan din kami mag adjust dahil wala kaming masyadong alam sa mga pasikot sikot at kalakaran sa Manila
Si Kendra ay taga Monteclaro rin. Isa ang pamilya nya sa mamayang angkan sa Monteclaro. Noong highschool tuwing may party sa kanila ay pumupunta kami sa kanila para tumulong ng sa ganoon ay magkaroon kami ni Darcy ng pera panggastos sa mga kakailanganin namin sa school at kung minsan ay pantulong na rin sa bahay
Minsan lang pumunta si Kendra sa probinsya kaya hindi kami masyadong close pero mabait naman sya sa amin ni Darcy
Nakarating kami sa maliit na apartment na tinutuluyan namin
"Oh nandito na pala kayo"
Sumalubong sa amin si Tita Elmira na naghahanda na ng pagkain para sa hapunan
Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang plato sa kanya
"Ako na po!" prisinta ko. Mabilis naman nya inagaw pabalik ang plato
"Naku Lili wag ka ng mag abala! Ako ng bahala rito. Sige na at magbihis na kayo ni Darcy nang makakain na tayo"
Napanguso ako
"Ang galing mo talagang magluto Nay!" nag thumbs up si Darcy matapos tikman ang tinola na nasa mesa
"Inuto pa ako. Oh siya! Magsikilos na kayo at magbihis!"
Napangiti na lang ako at sumunod. Libre akong pinapatira ni Tita Elmira sa inuupahan nilang apartment. Hindi nya ako pinagbabayad kaya malaking tulong iyon para makapagtipid ako. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay pero hindi naman mabigat dahil tumutulong din si Darcy
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
RomanceLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...