Chapter 18

18.3K 648 67
                                    

Lili

"Wow! Ang laki po ng bahay nyo Tito Levi!" manghang sabi ni Macey habang naglalakad kami papunta sa garden

"May swimming pool po kayo?" tanong nito nang tingalain si Levi

"Hmm. Meron" nakangiting sagot ni Levi. Nagniningning ang mga mata ni Macey

"Pwede po kaming mag swimming ni Mason?! Sa may planggana lang po kasi kami nagsu-swimming pag naglalaba si Mama"

Gusto ko mapa-face palm dahil sa kadaldalan nito

"Macey anak---"

"Sure. Pero next time na, okay?"

Sunod-sunod na tumango si Macey sa sinabi ni Levi

"Bakit nga pala hindi sumama ang Tito Lars at Tita Elmira mo?"

"May importanteng lakad si Tito Lars at si Tita Elmira naman ay..." di ko alam kung dapat ko bang sabihin ang totoong dahilan

"Anong mayroon kay Tita Elmira?"

"May sharingan po si Mimi Elmi" singit ni Macey

Kumunot ang noo ni Levi

"Anong sharingan?"

"Sore eyes po" tipid na sagot ni Macey. Humalakhak si Levi nang makuha iyon

"Damn, that was hilarious" utas nito habang pinipigilan ang sarili sa pagtawa

"Oh hi Lili! Mabuti at nakarating kayo" si Alice at nakipagbeso sakin na para bang matagal na kaming magkaibigan. Ganun din ang ginawa ni Emir

"Oh my gosh! Sila ba yung mga anak mo?!" excited na utas ni Emir habang pinagmamasdan sila Mason at Macey

"Ahm oo. Si Mason nga pala tapos ito naman si Macey" pakilala ko sa dalawa

"Hello po! Ako po si Macey!" masayang pakilala nito

"Grabe ang gandang bata mo naman..." lumipat ang tingin ni Emir kay Mason

"Siguradong pagkakaguluhan ang batang ito paglaki" humalakhak sya at umayos ng tayo

"Sigurado ka bang hindi mo anak ang mga ito Levi? Their eyes looks like yours" sabi ni Emir

Parang biglang may bumara sa lalamunan ko

"May similarities din to some facial features" nanliit ang mga mata ni Emir

"How I wish they are mine" saad ni Levi. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang dalawa

"Shut your mouth Emir. The kids are here. Baka anong isipin nila. Maraming tao sa mundo na may mga similarities sa facial features. Say for example yung mga look a likes ng ilang celebrities. Does it mean they're blood related?" sita ni Alice

"Point proven" umirap si Emir at napailing naman si Alice bago bumaling samin

"Let's go" nakangiting aya nito. Tumango ako at sumunod kami sa kanya. Pagdating sa garden ay sumalubong samin ang magandang venue ng birthday party. Kulay pink at  purple ang mga tela ng mga mesa at upuan. Maraming mga handa at may malaking cake ang nasa gilid na nakapatong sa isang magandang lamesa. Hindi ganun karami ang mga bata

"Calla..." tawag ni Alice sa isang batang nakasuot ng kulay purple na damit. May suot din itong crown kaya mas lalo itong nagmukhang prinsensa

"This is your Tita Lili..." pinakilala ako ni Alice. Di ko inasahan yon kaya meydo nabigla ako

Malapad na ngumiti ang bata habang nakatingin sakin

"Ahm happy birthday"

Nagulat ako nang biglang yumakap ito sa baywang ko

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon