Chapter 39

19.6K 561 37
                                    

Lili

Nagpaalam ako kay Levi na uuwi muna dahil kailangan kong tulungan si Tito Lars sa mga pa-order nya. Siya ang nagbabantay ngayon kay Macey at si Mason naman ay sinama ni Kairix

Ayos lang naman sa akin na isama sya ni Kairix dahil alam ko naman na hindi sya pababayaan nito

"Ako na po magbubukas" presinta ko nang makaring kami ng katok. Baka si Tita Elrmira or si Darcy. Mabilis akong naglakad papunta sa may pintuan at binuksan iyon. Agad na nabura ang ngiti ko nang makitang hindi sila Darcy iyon

"Good afternoon hija" alangan ang ngiti na binigay nito

"Ano pong ginagawa nyo rito Ma'am Matilda?"

Wala akong natatandaan na pinapunta ko sya rito

"Lili! Sino ba yan? Bakit ang tagal mo?!" sigaw ni Tito Lars at narinig ko ang papalapit na yabag nito

"Anong ginagawa mo rito? Wala rito si Levi" mataray na tanong ni Tito Lars

"I'm not here for Levi. Si Lili ang sadya ko " utas ni Ma'am Matilda at lumipat ang tingin sa akin

Nagkatinginan kami ni Tito Lars

"Papasukin mo na. Baka sabihin nyan masama ugali natin" umirap si Tito Lars bago kami tinalikuran

Huminga ako ng malalim at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan

"Pasok ho kayo"

Gumuhit ang tipid na ngiti sa mga labi nito

"Thank you"

I just nodded in response. Kinausap nya ang bodyguard at sinabihan itong maghintay muna sa labas na sinunod naman nito

Dinala ko sya sa may salas. Nagdala si Tito Lars ng kape at nilapag sa mesa. Bumaba ang tingin d'on ni Ma'am Matilda

"Wag kang mag alala walang lason yan. Kahit nanggigil ako sayo, hindi ko naman magagawang lasunin ka" sarkastikong ngumiti si Tito Lars

"That's not what I mean" Ma'am Matilda sighed and took a sip on the coffee. Napangiwi ito at ibinalik ang tasa sa may mesa

"Mapait ba? Ganun talaga. Binuhos ko kasi diyan ang sama ng loob ko"

Gusto kong mapa-face palm sa sinabi ni Tito Lars. Mahahalata talaga ang pagka disgusto nya sa presensya ni Ma'am Matilda

"I know you are mad at me---"

"Oo naman sis! Sobrang obvious kaya!" putol ni Tito Lars dito na sinabayan pa nito ng pag irap

Nagbuga ng malalim na hininga si Ma'am Matilda

"I-im sorry. I went here because I want to personally apologize for what I did"

"Anong akala mo? Ganun kadali iyon? Remind ko lang yung pang iinsulto mo sa pamilya ko. Di ba sinabihan mo ng disgrasyada si Lili? Oh anong masasabi mo ngayon na anak mo ang nakadisgrasya?" nakapameywang na tanong ni Tito Lars

"Pinagtabuyan mo rin ang mga apo ko noong pumunta ang mga ito sa mansyon nang dahil lang sa vase. Oh ano? Akala mo hindi ko alam? Naku! Nanggigigil na naman ako sayo!" padabog na bumalik sa pagkakaupo si Tito Lars at ininom ang kape

"Shutangina ang init!" reklamo nito at agad na binalik sa mesa ang tasa

"That's why I'm here. Gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko sa mga bata... at sayo na rin Lili" tinuon nya ang tingin sa akin nang sabihin nya ang huling mga salita

Nakita ko ang sinseridad sa mga mata nya pero... hindi ganun kadali iyon. Lalo na at pinamukha nya sa akin noon kung gaano ako kababa at hindi nararapat kay Levi

"Weh? Siguro may masamang plano ka. Ngayon pa lang uunahan na kita na wag mo nang ituloy dahil sinasabi ko sayo Matilda! Papaltukan ko yang pancreas mo!" banta ni Tito Lars

"I'm sincere. I don't have any dark motives. I just want to... make peace with Lili and... my grandchildren"

"Grandchildren ka dyan! Wala kang apo rito! Di ba may anak si Kendra tapos buntis sya? Iyon ang mga apo mo"

"She's not pregnant at napatunayan din na hindi anak ni Levi si Paolo"

"Hanapin mo pake ko"

Minsan talaga ay parang bata kung umarte si Tito Lars

"Ma'am Matilda... " tawag ko rito. Agad ko naman nakuha ang atensyon nya

"Salamat po sa pag reach out sa akin... " panimula ko. Tumango ito at ngumiti

"Pero... hindi ko pa po maibibigay ang pagpapatawad na gusto nyo"

Nabura ang ngiti nya at malungkot akong tinitigan

"Kailangan ko po munang pag isipan ito. Gusto ko pong tuluyan munang maalis ang hinanakit na mayroon ako sa inyo bago ko kayo patawarin"

Handa naman akong patawarin sya pero hindi pa sa ngayon. Tumatak sa isip ko ang mga hindi magagandang bagay na sinabi nya sa akin noon. Gusto ko munang paghilumin ang mga sugat na gawa ng mga matatalim nyang salita bago ko sya patawarin

Gusto ko kapag nagpatawad ako ay wala na akong tinatagong sama ng loob para sa kanya

"I understand. Thank you hija... for considering it"

Tipid akong ngumiti at tumango

"So ano na? Ganun na lang iyon?"

"Tito Lars... "

"Kaya lang naman biglang bumait yan dahil nalaman nyang apo nya ang kambal. Paano pala kung hindi? Siguradong magpapaulan na naman yan ng mga masasakit na salita at pang iinsulto!"

"I was wrong---"

"Mali ka talaga!"

"I know! I believed in Kendra. Pinaniwala nya tayo sa mga kasinungalingan nya!"

"Anong tayo? Ikaw lang! Masyado ka kasing nagpapaniwala sa mahaderang iyon. Hindi dahil nanggaling sya sa mayamang angkan ibig sabihin mabuti at mapagkakatiwalaan na sya. Oh anong napala mo? Naloko ka ng isang malanding determinado" umismid si Tito Lars

"And speaking of that. Hindi ba si Kendra ang gusto mo para sa anak mo? Oh yan sige! Ituloy mo na ang kasal! Gusto mo manood pa kami. Pipilitin ko si Mason na maging ring bearer tapos si Macey para matuloy lang yang pinapangarap mong kasal sa anak mo"

"Walang kasal na mangyayari" mahinang utas ni Ma'am Matilda

"Si Lili ang gusto ni Levi. Noon pa lang ay nilinaw na nito na kung magpapakasal sya ay si Lili ang gusto nyang pakasalan pero... hindi ako nakinig. Naisip ko noon na si Lili ang ikasisira ni Levi kaya tumutol ako" tumingin sa akin ito at malungkot na ngumiti

"Ayoko lang maglaho bigla lahat ng pinaghirapan nya. I even threatened him that he would get nothing from me. And you know what he said? He doesn't care. He can live without it but... he couldn't without you. He's my son. Gusto ko lang ang makakabuti sa kanya"

"Alam mo Matilda, hindi lahat ng alam mong nakakabuti ay makakabuti sa kanya. Malaki na si Levi. Alam nya na kung anong tama at kung anong makakabuti sa kanya. Wag mong ipilit sa kanya ang desisyon mo dahil may sarili syang desisyon. Wag mo ring gamitin ang mana nya para ipanakot sa kanya. Payo at suporta ang kailangan nya sayo hindi kayamanan" paliwanag ni Tito Lars. May dumaang emosyon sa mga mata ni Ma'am Matilda

Maybe she realized that she went too far. Na realize nya rin siguro na baka tama nga si Tito Lars... na baka nagkamali sya

Matapos ang pag uusap na iyon ay nagpaalam na si Ma'am Matilda

"Hindi ko akalain na maririnig kong humingi ng tawad si Matilda" umiling iling si Tito Lars bago pumasok sa loob

Tinignan ko ang papalayong sasakyan ni Ma'am Matilda

Forgiveness? Maybe someday

#hh

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon