Chapter 13

19.3K 546 53
                                    

Lili

"Good morning" nakangiting mukha ni Levi ang bumungad sakin nang buksan ko ang pinto

"Anong ginagawa mo rito?" ang aga pa ah?

"Di ba pupunta ka samin? Hatid muna natin ang mga bata tapos sabay na tayo"

Pupunta nga pala ako sa kanila dahil pinatawag ako ni Alice. May sasabihin daw sya

"Hindi mo naman kailangan mag abala. Malapit lang ang school kaya pwedeng lakarin"

"I insist. Pagbigyan mo na ko. Hindi naman kayo abala sakin" nakangiting saad nya

"Good morning Tito Levi! Ang aga mo ah! Para sakin po ba yan?" masiglang sabi ni Macey. Napatingin ako sa box na dala ni Levi. Mukhang munchkins ang laman non

Lumapit sa Levi kay Macey at binuhat ito

"Oo para sa inyo ni Mason"

Tuwang tuwa si Macey nang tanggapin iyon. Sa loob ng mahigit isang buwan ay naging mas close sila ni Levi. Lagi kasi sya dinadalhan nito ng mga kung ano-ano

"Masarap ang baon natin Mason!"

"May baon na ko" tiningala ako ni Mason at hinawakan ang kamay ko

"Tara na po Mama. Baka ma-late po kami"

Tumango ako at sinarado ang pinto

"Hindi naman tayo male-late kasi ihahatid tayo ni Tito Levi gamit ang kotse nya" sabi ni Macey

"Malapit lang naman ang school kaya di na kailangan mag kotse" sagot naman ni Mason

"Bakit tayo maglalakad kung may kotse naman?"

"May kotse nga, satin ba yan?"

Pumagitna na ko sa kanila bago pa sila tuluyang magkaasaran

"Tara na baka ma-late pa kayo"

Tinignan ko si Levi at tumango naman ito. Bumaba ang tingin nya kay Mason bago sya bumuntong hininga

Nauna sila sa sasakyan ni Macey at ako naman ay niyuko si Mason

"May problema ba anak?"

Umiling ito

"Wag kang magsisinungaling sakin. Alam kong meron"

Tumitig sya sakin

"Ano nyo po ba si Sir Levi?"

Kumunot ang noo ko

"Di ba nilinaw ko na sa inyo ni Macey yan?"

"Halos lagi po kayong magkasama. Nagtatanong po yung mga kaklase ko kung sya po ba ang Tatay namin" nag iwas sya ng tingin

"Wala kaming relasyon ni Levi" paniniguro ko

"Paano kung gusto ka po nya?"

Natigilan ako sa tanong nya. Tinitigan nya ako tila naghihintay ng sagot

"Malabo yan. Magkaibigan lang kami" ginulo ko ang buhok nya at ngumiti

Hinawakan ang kamay ni Mason at naglakad kami papunta sa sasakyan ni Levi

Matapos maihatid sila Mason sa school ay dumiretso kami sa mansyon ng mga Cervantes

"Magandang umaga Senyorito" bati ng kasambahay kay Levi nang makapasok kami

"Sila Carter?"

"Nasa may lanai po sila ni Senyorita Alice"

Tumango si Levi. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako papunta sa lanai

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon