Chapter 33

17.6K 562 41
                                    

Lili

"Lili! Please listen to me... "

Hindi ko sya pinakinggan at nagpatuloy sa paglalakad palayo

"Give her time Levi" rinig kong giit ni Ayden

"Shut up! Why are you even here? Ano? Pinopormahan sya?!"

I shut them off at agad na pumara ng tricycle

Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim

This is just a heartbreak. Temporary lang ito... malalagpasan ko ito

Nasaktan ako pero hindi ibig sabihin ay hihinto na ang buhay ko. I have Macey... I have Mason... they're enough reasons to fight and move forward

Patuloy ako sa pag iyak habang yakap ako ni Tito Lars

"Shhh... magiging maayos din ang lahat Lili"

Hindi nya ako sinigawan at pinagalitan na mali ang naging desisyon ko kay Levi. Kahit kailan ay hindi nya pinaramdam sa akin na ang tanga tanga ko

Sa tuwing pumupunta si Levi sa amin para makausap ako ay umiiwas ako. Lagi syang pinapaalis ni Tito Lars. Nagkausap na kami at nilinaw ko na sa kanya na tapos na kami

Ayaw ko ng magkaroon ng ugnayan sa kanya o sa pamilya nya. Mas mabuti na rin ang ganito. Siguro nga tama lang yung sinasabi nila na may mga taong pinagtagpo pero hindi tinadhana

Halos isang buwan na ang lumipas simula nang mangyari iyon. Sa tuwing naaalala ko ay nasasaktan pa rin ako... but life goes on. Hindi ako magseself-pity dahil lang nabigo ako

"Uyyy Liliveth kamusta?!"

Nag angat ako ng tingin at sumalubong sa mga mata ko ang isang pamilyar na babae

Umupo ito sa upuan sa tapat ko. Nasaan na ba si Ayden? Nagpasama sya sa akin sa mall dito sa kabilang bayan dahil may bibilhin daw siya. Hindi ako makatanggi dahil marami na syang ginawang pabor sa akin at isa pa ay tinuturin ko na rin syang kaibigan

"Long time no see! Ang last na pagkikita natin ay six or seven years ago?"

Tumango ako. Ang tinutukoy nya ay yung sa bar. Siya yung madalas na kasama ni Kendra at ang alam ko ay magkaibigan sila

"Wala na akong naging balita sa inyo ni Darcy. Kamusta ka na nga pala?"

Tipid akong ngumiti

"Ayos lang. Nang malaman kong buntis ako ay umuwi ako sa Monteclaro"

"Buntis? May anak ka na?" gulat na tanong nito

Marahan akong tumango

"Oo kambal sila"

"Oh my gosh! Nagbunga pala talaga yung nangyari sa inyo"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya

"Alam mo ang tungkol sa bagay na iyon? "

Natigilan sya. Mukhang hindi nya sinasadya na masabi iyon

"Jen... "

Naging mailap ang mga mata nya

"Ahm kailangan ko nang umalis"

Agad kong hinawakan ang braso nya nang akmang aalis na sya

"Please Jen... sabihin mo sa akin ang nalalaman mo" pagmamakaawa ko. Gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyari nang gabing iyon... at baka ito na rin ang daan para malaman ko kung sino ang ama ng kambal

Matagal syang tumitig sa akin bago tumango at bumalik sa pagkakaupo

"Alright. I will tell you and... I want to say sorry in advance. Pakiramdam ko kasi may kasalanan din ako sa nangyari"

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon