Chapter 45

20K 531 25
                                    

Lili

"You were receiving threats and yet you didn't tell me?"

Parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko dahil sa galit na tono ni Levi. Nag aalab ang mga mata nito at hindi ko alam kung may paraan ba para pakalmahin sya

"H-hindi naman kasi importante iyon---"

"Anong hindi importante? We're talking about your life!"

Napapikit sya at malalim na bumuntong hininga. Mukhang frustrated talaga sya. Mas mabuti sana kung hindi ko na lang sinabi sa kanya ang tungkol sa mga unang texts na natanggap ko

"I'm sorry. I didn't mean to yell at you. It's just that... damn. Dapat sinabi mo sa akin" malumanay na utas nya

Alam ko naman na nagkamali ako. Hindi ko lang talaga kasi inakala na seryoso ang mga texts na 'yon. Mula sa iba't ibang numero ang pinagmulan ng tatlong messages. Halos iisa lang ang gustong ipakahulugan. Revenge

Sinubukan nila Kairix na i-track ito kaya lang ay mukhang na-disposed na raw ang mga sim cards na ginamit

"S-sorry hindi ko naman inakalang seryoso 'yon"

Ang akala ko rin ay wrong send lang ang mga iyon. Wala naman kasi akong kilalang maaaring magpadala ng mga messages na 'yon

Naglakad palapit sa akin si Levi at umupo sa tabi ko. Kinuha nya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at pinagsiklop ang mga daliri namin

Dinala nya ito sa labi nya at pinatakan ng halik ang likod ng palad ko

"Always remember that I'm here. You can count on me"

Marahan akong tumango

"Are you sure it was Kendra?"

Sabay kaming napatingin ni Levi kay Carter. Nakaupo ito sa kaharap na couch katabi ang asawa nyang si Alice

"If you're talking about evidences, we have enough"

Nilapag ni Kairix ang pictures kung saan makikita si Kendra na lumalabas ng sasakyan. Pareho ito ng sasakyan na muntik nang makabangga sa akin

Mabuti na lang talaga ay may kuha ang mga CCTV sa nadaanan ng sasakyan ni Kendra kaya nakumpirma namin na sya nga iyon

"We already reported this to the authorities. May ilang tauhan na rin ako na nagmamasid sa bahay nila Kendra kung sakali man magawi sya roon" paliwanag ni Levi

Sana mahuli na talaga si Kendra. Nag aalala ako sa pwede nya gawin sa mga bata. Ayokong umabot sa puntong idamay nya ang mga ito

"She's seeking for a revenge. Siguro iniisip nya na inagaw mo sa kanya ang lahat kaya ginagawa nya ang mga bagay na ito" utas ni Alice

"You should be extra careful, Lili. She's desperate and desperate people tends to be dangerous" dagdag nya

"Tumpak ka dyan, ganda! Anong malay natin sa mga plano ng bitter na babaeng yun" sang ayon ni Tito Lars. Narito kami sa mansyon ng mga Cervantes. Ipinasundo ni Levi si Tito Lars matapos ang nangyari sa Mall

Tumango ako. Tama si Alice. Kaya kung maaari sana ay mahuli na agad si Kendra

"Gladly, Daphne didn't turn out like that"

Kumunot ang noo ni Carter at nilingon ang asawa

"I won't let her hurt you" seryosong sagot ni Carter

"Do you think I will let her to physically hurt me? Ano sya sinuswerte?" Alice scoffed and rolled her eyes

Nakayakap sa baywang nya si Carter. Ipinatong nito ang baba sa balikat nya

"That's my baby" proud na sabi nito

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon