Levi
Napangiti ako habang pinagmamasdan si Macey na kumakain ng ice cream
"How old are you?" I asked
She stopped licking on her ice cream and gave me her full attention
"Six po" she answered
Tumango ako. She's tall for a six-year-old kid
Binalingan ko si Mason na tahimik lang na nakaupo sa tabi nito. Hindi nito tinanggap ang ice cream na inaalok ko kahit na anong pilit ko. He told me that it would be too much if I give him some since I already bought an ice cream for Macey. I didn't mind the cost though. Napatitig ako kay Mason at napangisi. Bata pa lang ma-pride na
"How about you Mason? How old are you?" tumingin ito sakin dahil sa tanong ko
"Kambal po kami" simpleng sagot nya at ngayon ay tinuon na ang atensyon kay Macey
Oh damn! I forgot about that! Sinabi nga pala ni Macey kanina na kambal sila!
"Umuwi na tayo Macey" aya nito sa kapatid
Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa bench at kinuha ang bag ng kapatid. Sinabit nya ito sa balikat nya at inalalayang makababa si Macey. He's a nice brother
Macey chewed the small portion of the cone and grabbed her brother's hand
"Thank you po sa ice cream Mister! Sampu lang po yun kaya may utang ka pa po sakin!"
Napangiti ako sa kakulitan nya
"Macey!" pagalit na utas ni Mason. Her lips pursed and bowed her head a little. She respect her brother and that's a good thing
"Pasensya na po Sir sa abala. Mauna na po kami" magalang na saad sakin ni Mason
"Ihahatid ko na kayo" I offered. I don't know why I'm doing this. I just want to spend more time with them. Hindi ko na nga namalayan ang oras
"Talaga po---"
"Hindi na po" putol ni Mason sa sasabihin ni Macey. Napanguso si Macey dahil sa ginawa ng kapatid nya
"Baka gabihin kayo sa daan. I have a car" tinuro ko ang sasakyan ko na nakapark sa di kalayuan
"May kotse sya Mason! Sabay na---" masiglang saad ni Macey na agad na naman pinutol ni Mason
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Mama?" seryosong saad nito
Ngumuso si Macey at malungkot akong tinignan.
"Hindi na po kami sasabay. Ang sabi ni Mama wag kaming sasama kung kani-kanino"
I understand that but... I'm just worried. Paano kung mapahamak sila sa daan? Ganito ba talaga oras ng uwian nila?
I bent my knees to equal her height. Medyo mas matangkad sa kanya si Mason
Tatanggapin sana ni Macey ang pakikipagkamay ko pero agad syang pinigilan ng kapatid
"I'm Levi Cervantes. Hindi na ako stranger" ngumiti ako at naglahad ng kamay
"Mauna na po kami Mr. Levi"
Hinila ni Mason si Macey at nilagpasan ako. Napangisi ako. Binawi ko ang kamay ko na naiwan sa ere. Siguro iniisip ni Mason na hindi sapat na sinabi ko lang ang pangalan ko para maiba ang tingin nila sakin. I'm still stranger to them. That kid is surely bright
Tumayo ako at namulsa. Naglakad ako papunta sa sasakyan ko. Pinagmasdan ko sila Mason at Macey na naglalakad
Si Mason ang may bitbit ng bag ni Macey habang si Macey naman ay hawak ang flower crown na inayos namin kanina
![](https://img.wattpad.com/cover/279345391-288-k399079.jpg)
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
RomanceLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...