Lili
"Tignan mo Mason! Ang laki ng mga buildings!" namamanghang utas ni Macey habang nakatingin sa bintana ng sasakyan
Mula sa rearview mirror ay tinignan ko si Mason. Tahimik lang ito habang nakatingin sa kabilang bintana
"Mason!" tawag ni Macey sa kapatid
"Hmm?"
"Ang sabi ko ang laki ng mga buildings!" salubong ang kilay na ulit ni Macey
"Anong gagawin ko?" sagot ni Mason na hindi man lang binalingan ang kapatid
"Ang kj mo talaga!" humalukipkip si Macey at binalik na lang ang tingin sa labas ng bintana
Maybe he's in a foul mood. Napilitan lang naman sya sumama dahil aalis din sila Tito Lars at pinilit syang sumama sa amin
Alam na rin ni Tito Lars ang tungkol sa amin ni Levi. Hindi sya nagreklamo o nagalit. Ang sabi nya sa akin ay may sarili na akong desisyon sa buhay. If this will turn out good, he will be happy for me and if it's not... he promised that he'll always be there for me
I didn't receive any judgment from him. Kahit hindi naman syang mangako ay alam ko naman na lagi syang nandyan... para suportahan ako. Kahit kailan ay hindi nya pinakita o pinaramdam sa akin na nadisappoint ko sya
"Nagugutom ba kayo? Do you want us to stop in a restaurant?" tanong ni Levi
"Ako po nagugutom na!" si Macey
"Kakakain lang natin Macey" sagot ni Mason. Dumaan kami kanina sa isang drive thru para bumili ng pagkain. May mga natira pa nga dahil hindi naubos
"It's okay Mason. Punta muna tayo sa mall"
Nilingon ko si Mason at nakitang nakatingin na ito sa may bintana at hindi na nagsalita
Tulad ng sinabi ni Levi ay pumunta kami sa mall
"Laro muna tayo sa arcade!" hinila ni Macey si Mason papunta sa may arcade
"I'll just buy some tokens" hinalikan ni Levi ang gilid ng noo ko at pumunta sa may booth
Agad kong sinundan sila Macey sa loob. Makikita ang mangha sa mga mata nito habang tinitignan ang mga pwede nyang laruin
Dumating si Levi at ngayon nga ay kasalukuyang naglalaro sila ni Macey sa may claw machine
"Anong gusto mong laruin Mason?"
Tiningala ako ni Mason at umiling
"Do you want to play basketball?"
Sabay kaming napatingin kay Levi. Hawak nito sa isang kamay si Macey na may hawak na mga stuff toys. Mukhang nakuha nila iyon mula sa claw machine
"I still have lot of tokens here. Let's go"
Tumingin sa akin si Mason
"Sige na Mason! Maglalaro rin kami ni Mama!"
Hinawakan ni Macey ang kamay ko at hinila ako palayo. May binigay sa akin kanina si Levi na mga tokens na pwede namin gamitin ni Macey
"Gusto ko d'on Mama!"
Nakangiting tumango ako kay Macey. Sinulyapan ko sila Levi at Mason at kasalukuyang naglalaro ang mga ito. Lumapad ang ngiti ko sa nakita. Mukhang ginagawa ni Levi ang lahat para makuha ang loob ni Mason
"Hi!"
Biglang may sumulpot na lalake sa gilid ko
"Madalas ba kayo rito ng kapatid mo?" nakangiting tanong nya at sumulyap kay Macey na busy sa nilalaro nito
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
RomanceLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...