Chapter 16

20K 643 16
                                    

Lili

Wala kaming imikan ni Levi nang makarating kami sa bahay namin. Hinatid nya ako kagabi. Napaaga nga dahil napansin nya na hindi ako komportable sa party ng kaibigan nya

Hindi ko alam kung paano sya haharapin at kakausapin matapos nang nangyari

"Good morning Mama!" bati ni Macey nang makita akong papalabas ng kwarto

Babatiin ko na rin sana sya nang may biglang sumulpot sa likuran nya

"Good morning Lili" bumungad sakin ang gwapong mukha ni Levi. Nakasuot ito ng kulay gray na t-shirt at denim pants. Mula rito ay naaamoy ko ang mabango at mamahalin nyang pabango

"G-good morning" hindi ko natagalan ang mariing paninitig nya sakin kaya nag-iwas ako ng tingin

"Ang good morning kiss ko po Mama?"

Tinignan ko si Macey at yumuko para mahalikan ito sa pisngi. Humagikhik sya at hinawakan ang kamay ko

"Nagdala po ng almusal si Tito Levi at mukhang masasarap po Mama!" sabi ni Macey habang hinihila ako papunta sa kusina

Nakita ko roon si Mason na tahimik na nakaupo. Nang mag angat ito ng tingin at makita ako ay bumaba sya para salubungin ako ng yakap

"Good morning po Mama"

Napangiti ako at hinalikan sya sa pisngi

"Good morning" bati ko pabalik

"Nasaan nga pala si Tito Lars?" tanong ko habang nililibot ang tingin

"Rarampa daw po sya" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Macey

"Umalis sya kanina pa. Sinundo sya ng Tita Elmira mo" napatingin ako kay Levi dahil sa sinabi nya. Hindi man lang ako ginising ni Tito Lars

"Maupo ka na" pinaghila nya ako ng upuan at hinintay akong makaupo bago sya naupo sa tabi ko

Nilagyan nya ng kanin, itlog at bacon ang plato ko

"Ako na" sinubukan kong agawin sa kanya ang sandok pero di nya binigay

"Let me do it" nakangiting saad nya

Nilagyan nya rin ng tulad sakin ang plato ni Mason. Ang kay Macey naman ay pancake dahil ito ang gusto nito

"The best ka talaga Tito Levi!" masayang sabi ni Macey bago nilantakan ang pagkain

Ngumiti si Levi tila natuwa sa sinabi ni Macey

Bumaba ang tingin ni Levi kay Mason

"Masarap ba?"

Inangat ni Mason ang mukha at tumango. Pagtapos non ay bumalik na ito sa pagkain

Matapos kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan. Gusto pa sana tumulong ni Levi pero agad akong tumanggi at sinabing doon na muna ito sa salas

Kahit mukhang napipilitan ay tumango ito

Pagtapos ko maghugas at magligpit ay pumunta ako sa salas. Nakita ko si Levi na nakatingin sa labas ng bintana at nang silipin ko yon ay nakita kong naglalaro sila Mason at Macey sa labas. Si Macey ay naglalaro ng lutu-lutuan gamit ang plastic na kitchen set at mga dahon. Si Mason naman ay naglalaro ng bola, sinisipa sipa nya ito na parang soccer ball

"Ang cute nilang tignan" ibinaling ni Levi ang tingin sakin matapos sabihin iyon

Tipid na ngiti ang sinagot ko at naupo sa kawayang upuan na halos katabi ng inuupuan nya

"S-salamat nga pala sa almusal na dala mo"

"Don't mention it" nakangiting utas nya

Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin o sabihin. Pakiramdam ko ay bigla na lang naging awkward ang lahat sa pagitan namin

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon