Chapter 2

25.3K 681 24
                                    

Lili

Halos mapatalon ako nang may biglang bumusina. Muntik ko pang mabitawan ang basket na hawak ko

"Ayos ka lang ba? Pasensya na Miss" may lumapit sa akin na isang lalake. Maganda ang pangangatawan nito ganun din ang pananamit. Mukha syang anak mayaman

"May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong nya

Umiling ako bilang sagot. Lumabas ang malalalim nyang dimples na mas lalong nagpagwapo sa kanya

"Wade! What taking you so long?!"

Sabay kaming napatingin sa galit na boses na iyon. Bumaba ito ng driver seat. Nagsalubong ang tingin namin. Magkasalubong ang makakapal nyang kilay at ang berdeng mga mata ay nakatuon sa akin. Hindi ko maiwasan purihin kung gaano sya kagwapo. Matangos ang ilong nito at may mapupulang labi. Gwapo rin naman ang nasa harap ko pero parang mas malakas ang dating ng isang ito. Kuminang ang hikaw nito sa kanang tenga ng masinagan ng araw. Hindi ko alam pero parang pamilyar sya

"Shut up asshole!" singhal ng lalakeng lumapit sa akin at muling ibinalik ang tingin sa akin

"Ayos lang ako" paniniguro ko. Ngumiti ako at medyo umurong

"Sigurado ka?"

Muli akong tumango

"Ahm saan ka ba pupunta? Gusto mong ihatid ka na namin?" napahawak sya sa batok nya

"Hindi na. Malapit lang naman ako" nakangiting sagot ko

"Oh Lili! Maghahatid ka ba ng pagkain? Sumabay ka na at doon din ang punta ko"

Napatingin ako sa huminto tricycle na medyo may kalayuan sa pwesto ko. May sakay itong pasahero sa loob, si Tita Elmira

"Sige mauna na ko"

Bahagya akong yumuko at naglakad palapit sa tricycle. Umurong si Tita Elmira para bigyan ako ng space para maupuan

"Sino yun?" panimula nya

Nagkibit ako ng balikat

"Muntik na ako mabangga---"

"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Tara at balikan natin!"

Hinawakan ko sya sa braso para pakalmahin sya

"Wag na po! Kasalanan ko naman. Di ko namalayan na nakaharang na ako sa daan" kaya hindi na rin ako nakipag argumento kanina dahil ako naman talaga ang may kasalanan

"Ganun ba? Mag ingat ka sa susunod" nag aalalang ani nya

Tumango ako

"Ano nga po pala ang gagawin nyo sa kompanya ng mga Cervantes?"

"Ihahatid ko lang yung pa-order kong bra sa isang customer" sagot nya

Nakarating kami sa kompanya

"Ikaw na lang pumasok sa loob Lili. Hihintayin ko na lang dito ang customer ko, dito ang usapan namin. Alam mo na, di naman ako pwedeng pumasok sa loob dahil dito" paliwanag ni Tita Elmira

Tumango ako at naglakad papunta sa entrance

"Hindi ka na pwede pumasok Lili" sita ni Manong guard

"Maghahatid lang po ako ng pagkain" dahilan ko

"Nagreklamo kasi ang canteen, malulugi raw sila kung patuloy kang magbebenta ng pagkain dito. Pasensya na hija, protocol lang"

"Pero paano po yung mga pa-order ko? Ako naman po ang malulugi"

"Pasensya na talaga hija" malungkot na saad ni Manong guard

Ano ng gagawin ko? Pinaghirapan namin ni Tito Lars ang pagluluto. Ngayon ay kahit puhunan ay di namin mababawi

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon