Chapter 20

19.3K 566 18
                                    

Lili

"Bakit mo naman kasi sinagot ng Hakdog? Ikaw talagang bata ka!" halos masapok ni Tita Elmira si Macey. Naikwento sa kanya ang nangyari. Sinabihan ko rin si Macey dahil alam ko naman na may pagkakatali rin sya

"Ilang beses ko na po kasi sinabi sa kanya na hindi po ako ang nakabasag ng vase tapos ayaw nya naman pong maniwala... kaya po nainis ako" nakangusong sagot nito

"Pero hindi pa rin tama iyon, Macey" pangaral ko. Mas lalo itong yumuko. Naglahad ako ng kamay at iginiya ito paupo sa hita ko

"Hindi rin naman po tamang sabihan nya tayo ng mga basahan at pagtabuyan nang ganun Mama"

Napatingin ako kay Mason. Kanina pa ito tahimik at ngayon lang ulit nagsalita tungkol sa nangyari

"Talaga yang si Matilda! Pati mga bata pinapatulan! Naku siguradong warla pag nakarating ito kay Lars!"

Tinignan ko si Tita. Tama sya, siguradong magkakagulo. Baka sumugod si Tito Lars sa mansyon

"Kaya nga po sana ay hindi makarating kay Tita Lars. Siguradong tataas ang blood pressure nya at maisugod ulit sya sa hospital" nag-aalalalang pakiusap ko

"May punto ka. Hindi nga dapat ito makarating kay Lars. Kilala mo naman yon pag ang usapin ay tungkol sa mga bata. Siguradong makakakita na naman tayong nagwawalang purple na dinosaur" umiling si Tita Elmira at inayos ang sunglass na suot

Nilingon ni Tita ang anak na kalalabas lang ng kusina at nilagay ang bitbit na tray na may lamang juice at cookies sa lamesa

"Sasamahan ko pang sumugod si Tito Lars! Grabe talaga! Kung makapagsalita sya kala Lili" galit na utas ni Darcy nang makaupo sya sa kabilang upuan sa tapat ng Mama nya

Kararating lang ni Darcy galing Manila. Pupunta sya sana samin kanina kaya lang pagbukas nya ng pintuan ay naroon na kami sa tapat

Hindi kami dumiretso sa bahay. May chance na pumunta roon si Levi... kahit kaonti. Ayoko muna syang makausap... baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon

"At isa pa yang Kendra na yan! Sigurado akong sinulsulan nya yong tanders na yon kaya sobra na lang ang galit" gigil na patuloy ni Darcy

"Pinipilit po nya na ako nakabasag kahit yong batang kasama nya naman po talaga!" sumbong ni Macey

"Wag kang mag alala Macey. Kapag nakita ni Ninang iyong chararat na yon, makakatikim sakin ng sampal iyon!"

Ngumuso si Macey at tumango

"May pasalubong ka sa mga bata di ba Darcy? Ipakita mo sa kanila at siguradong magugustuhan nila iyon"

Tumitig ng ilang segundo si Darcy kay Tita

"Talaga Ninang?! May pasalubong kami?" tumalon si Macey mula sa pagkakaupo sa hita ko at hinarap ang Ninang Darcy nya

"Ah oo! Tara kayo sa kwarto. Naroon ang pasalubong ko sa inyo ni Mason"

Tumayo si Darcy at hinawakan ang kamay ni Macey. Nilahad nya ang isang kamay ni Mason at imbis na tanggapin iyon ay tumingin sakin si Mason

"Ayos lang po ba kayo Mama?"

Natigilan ako sa tanong nya. Hindi ko inaasahan iyon

Hinawakan ko ang pisngi ni Mason at ngumiti

"Ayos lang si Mama. Sige na, sumama ka na sa Ninang Darcy mo"

Ilang segundo nya akong tinitigan bago tuluyang tumayo mula sa kinauupuan

Nauna itong naglakad paalis at sumunod sila Darcy

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon