Chapter 32

17.5K 487 37
                                    

Lili

"Thank you for coming, Lili"

Seryosong tingin ang binalik ko sa kanya

"Ano pong kailangan nyo sa akin?"

Siguradong hindi nya ako pinatawag para lang sa wala

She smiled inwardly and motioned her hand

"Do you want anything hija?"

Lumapit ang waiter at sinabi nya ang order nyang kape

"Gusto ko na pong umuwi kaya kung maaari at sabihin nyo na kung ano ang kailangan nyo sa akin... Ma'am Matilda"

Tumaas ang sulok ng labi nya. Sinenyasan nyang umalis na ang waiter na ginawa naman into. Sumandal sya sa upuan nya at tinitigan ako

"I want you to stay away from my son"

Pagak akong tumawa. Hindi pa rin ba tayo tapos dyan?

"Hindi ko po lalayuan si Levi dahil lang inutos nyo" matigas na sabi ko

"If it's about money---"

"Nilinaw ko na po sa inyo na hindi pera ang kailangan ko sa anak nyo"

Tumalim ang titig nya sa akin

"Masasabi mo pa kaya yan pag tinanggalan ko ng mana si Levi?"

Bahagya akong natigilan sa sinabi nya. Talagang aabot sya sa puntong iyon para lang paghiwalayin kami ng anak nya?

"Ano sa tingin mo? Hahayaan ko na ikaw at ang mga anak mo ang makinabang sa lahat ng pinaghirapan ko at ng anak ko?"

Nagtagis ang panga ko

"Hindi ko ho kailangan ng pera o tulong ng iba para buhayin ang mga anak ko. Kung pinatawag nyo ako para insultuhin at sirain ang kung anong mayroon kami ni Levi... di bale na lang ho"

Tumayo ako at akmang aalis nang magsalita ulit sya

"How's your relationship with him?"

Napabaling ako sa kanya dahil sa tanong nya

"Nasabi nya ba sayo kung sino ang kasama nya sa Manila noong nakaraang linggo?"

Humigpit ang hawak ko sa strap ng shoulder bag ko. Hindi sinabi sa akin ni Levi ang tungkol sa bagay na iyon... at hindi rin naman ako nagtanong

"Magkasama silang bumalik ng Monteclaro. Do you want to know who is she?"

Naiinis ako sa ngisi sa mga labi nya. Parang tuwang tuwa sya sa reaksyon ko

Pumasok bigla sa isip ko ang nakita namin ni Ayden

Gusto ko man magtanong kay Levi tungkol sa bagay na iyon at pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong isipin nya na pinagdududahan ko sya at kahit hindi ko man aminin ay may parte sa puso ko na natatakot sa maaaring maging sagot nya

"Si Kendra ang kasama nya" seryosong utas nya

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Si Kendra... bakit magkasama sila?

"Kendra confessed that they have a six year old son"

Nayanig ang mundo ko dahil sa binitawan nyang mga salita. Dumoble ang kirot na nararamdaman ko

Nanghihinang napabalik ako sa pagkakaupo

"Levi went to Manila to check if she was telling the truth. He had her check. Nagsagawa ng DNA sa kanya at sa bata and... it says positive. Siya ang ama ng bata" walang pang uuyam sa tono nya. Seryoso ito at parang may halong pakikisimpatya

"You can't accuse me for making up stories because we both know I am not. You can even ask Levi about this"

Napalunok ako at unti unting namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Sobrang sakit... dahil alam kong totoo ang sinasabi nya

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon