Chapter 6

21.6K 612 6
                                    

Lili

Lumabas ako ng restaurant at naglakad papunta sa kalsada para mag abang ng tricycle. Naalala ko bigla yung paper bag at box ng cupcakes na binigay ni Mella

Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa restaurant ay may biglang bumusina at huminto sa gilid ko ang isang pamilyar na sasakyan

Bumukas ang pinto ng front seat at niluwa non si Levi. Salubong ang makakapal nitong kilay at parang galit

"Hindi pa tayo tapos kumain" panimula nya

"Hindi ka dapat umalis" dugtong nya

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Kung inaya nya ako dahil gusto nya ng may kasabay na kumain, hindi na sya dapat umalis nang umalis ako dahil naroon naman si Kendra

"You're seriously asking me that?" kumunot ang noo nya

Hinawakan nya ang braso ko

"Bumalik na tayo sa loob"

Binawi ko ang braso ko kaya napatingin sya sa brasong hinigit ko. Tumaas ang kilay nya at dinilaan ang pang ibabang labi

"I-ikaw na lang. Uuwi na ako" tinalikuran ko sya at naglakad palayo

"You left something in my car"

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon sya

"Kung gusto mo makuha ang mga iyon, sumakay ka na at ihahatid kita" tinuro nya ang sasakyan

"Ahm p-pwede bang ibigay mo na lang? Magta-tricycle na lang ako"

Umiling sya

"Sinabi ko sayo kanina na ihahatid kita. May isang salita ako... Lili"

Napalunok ako nang banggitin nya ang pangalan ko. Bakit parang kinabahan ako? May kakaiba akong naramdaman pero pag ibang tao ang nagsasabi ng pangalan ko ay hindi naman ganito ang nararamdaman ko

Binuksan nya ang pinto ng shotgun seat

Nagbuga ako ng malalim na hininga bago sumunod sa gusto nya

Sinabi ko sa kanya ang daan patungo sa amin. Tahimik lang kami habang bumabyahe. Seryoso syang nakatingin sa kalsada at minsan ay nahuhuli ko syang sumusulyap sa akin

Mabilis akong bumaba at kinuha ang paper bag at box na hawak nya nang makarating kami sa amin

"Salamat sa paghatid" sabi ko

Nakatitig sya sa akin ng ilang segundo bago tumango

"May gusto ka ba sabihin?" tanong ko. Mukha kasing may gusto syang sabihin

"I have a lot of questions... pero hindi pa tayo close. I want to know you more... so for now I'll keep those questions to myself" ngumiti sya matapos sabihin yon

To know me more? Ibig sabihin ay may balak pa syang kausapin ako pagtapos nito?

"Can I visit here? Gusto ko makilala ang anak mo"

"Mga anak" pagtatama ko

Natigilan sya sa sinabi ko at napawi ang ngiti pero agad din syang nakabawi at tipid na ngumiti

"So can I visit here?" tanong nya

"No offense Levi pero wala akong nakikitang dahilan para bumisita ka rito. Ni hindi nga tayo magkaibigan" diretsong saad ko

"Let's be friends then" mabilis na saad nya

"Bakit gusto mo ako maging kaibigan?" seryosong tanong ko. Hindi sya agad nakapagsalita at tinitigan lang ako

Wala akong nakikitang rason para gustuhin nya ako maging kaibigan. Si Kendra... ang mga tulad ni Kendra at Wade ang mga dapat na kaibigan nya. Mayaman at kayang sumabay sa mga luho nila

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon