Chapter 26

18K 573 47
                                    

Lili

"Bakit ko ho gagawin iyon?" matapang na sagot ko. Kahit alam ko na ang magiging sagot nya ay gusto ko pa rin na sa kanya mismo magmula

Tumaas ang kilay nya at nang uuyam na tinignan ako

"Are you seriously asking me that? Isn't it obvious? Do you want me to elaborate it for you?"

Hindi ako nagsalita at tinignan lang sya

"Alright then. You asked for this" panimula nya

"Hindi kayo bagay ng anak ko. He's a successful businessman and you're just..." pinasadahan nya ako ng tingin at di tinuloy ang sasabihin

"Ano? Bakit hindi nyo ho maituloy?"

Tinaasan nya ako ng kilay at inismiran

"Alam mo sa sarili mo kung ano ka. See the difference Liliveth. Masyadong malayo ang agwat nyo. You're being too ambitious. Masyadong mataas ang pinapangarap mo"

Mapait akong ngumiti at hinayaan syang magpatuloy

"I'm not just only relying on your social status. Let's be realistic here Lili. You already have children and my son is a bachelor. Walang sabit. Once na maging kayo ni Levi, ipapaako mo ba sa kanya ang lahat ng responsibilidad?"

Gusto kong magsalita at kontrahin sya pero pinigilan ko ang sarili ko

"I admire you as a mother but I don't like you for my son. Being a single parent is not easy. You have to work extra hard for your children. And that's what you are doing. But that alone won't make me like you to be my son's other half. As a mother, I want my children to choose the right decision. I want them to take the right path"

Now, I clearly get it

"So for the betterment of everyone, please stay away from my son"

Tipid akong ngumiti

"Bakit hindi nyo sabihin kay Levi yan?"

Natigilan sya at napatitig sa akin

"Sabihin nyo sa kanya ang lahat ng hindi magandang nakita nyo sa akin at baka sakaling layuan nya ako"

"Don't think highly of yourself. I'm sure Levi will consider this. Hindi ka kawalan" nakita ko ang dumaan na inis sa mga mata nya na pilit nyang kinukubli

"Talaga? Bakit ayaw nya akong pakawalan?"

Napatitig sya sa akin. Hindi sya nagsalita kaya nagpatuloy ako

"Gusto ko lang malaman nyo Ma'am Matilda na hindi ko pinipilit ang sarili ko sa anak nyo. Siya ang nagpupumilit na pumasok sa buhay namin"

"Because you're seducing him. You're corrupting his mind!" tumaas ang boses nya pero hindi ako natinag

"Ganoon ba kahina ang tingin nyo kay Levi? Na madali lang syang maaakit at mapapaikot?"

"He's just a man! Of course he gets tempted! So don't expect him to be loyal to you!"

"Ibig sabihin kapag may babaeng nang akit sa asawa nyo ay bibigay agad ang asawa nyo dahil tulad nga ng sinabi nyo ay lalake lang sya. Natutukso. Bumibigay"

Parang naumid ang dila nya at napatitig sa akin

"Don't involve my husband here. He's a loyal man"

"Ganoon ho ba? Sabi nyo natutukso si Levi at wag kong asahan na magiging loyal sya, kanino pala siya nagmana kung loyal naman pala ang ama nya?"

Gumalaw ang panga nya sa iritasyon. Alam kong mas lalo lang syang magagalit sa akin pero wala na akong pakealam doon. Hindi ko hahayaan na patuloy nya akong insultuhin

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon