Lili
"Siguradong bagay sayo ang shade ng lipstick na 'to" tukoy ni Tito Lars sa isang shade ng lipstick
"Ay wag yan Lars! Mas maganda 'to! Bloody red lipstick!" suhestiyon naman ni Tita Elmira
"Mas bagay ito sa kanya!" giit ni Tito Lars
"Hindi kaya! Mas bagay sa kanya 'to!" giit naman ni Tita Elmira
Bumuga ako ng malalim na hininga. Kinuha ko ang lipgloss na nakapatong sa mesa at pinahid yon sa labi ko
"Ayos na po ito"
Napatingin sakin sila at sabay na pinagmasdan ang mukha ko
"Sabagay maganda naman ang mga labi mo, natural na kulay mamula-mula kaya di na kailangan ng ganito" inilapag ni Tita Elmira ang hawak na lipstick sa mesa at ganun din ang ginawa ni Tito Lars
"Tumayo ka nga tapos umikot ka ng dahan-dahan" utos ni Tito Lars. Ginawa ko ang gusto nya
Pumalakpak sya nang muli akong humarap sa kanya
"Ewan ko na lang kung hindi maglaway sayo ang mga boys don!" nakangising saad nya
I groaned. Hindi naman yun ang ipupunta ko roon
Hindi ko nga alam kung paano napapayag ni Levi si Tito Lars na sumama ako. Siguro ay tatanungin ko na lang sya mamaya
"In fairness kay Senyorito Levi marunong mamili ng damit" utas ni Tita Elmira habang nakangiting pinasadahan ng tingin ang damit ko
Isang black ruched mini dress ang suot ko. May manipis na straps at hapit sa katawan ko
"Ang ganda talaga ng kurba ng katawan nito!" pahabol ni Tita Elmira
Napangiti ako sa proud na tingin nila sakin ni Tito Lars
Bumaba ang tingin ko sa suot kong three inches black stiletto na bumagay naman sa suot ko
"Kailangan ko po ba talagang magsuot nito?"
"Syempre! Alangang mag-bota ka?!"
Napangiwi ako sa sinabi ni Tito Lars. Ang pilosopo talaga
"Wow Mama! Ang ganda nyo po! Para kayong supermodel!" namamanghang puri ni Macey. Napangiti ako
"Ngayon alam mo na kung saan ka nagmana!" sambit ni Tito Lars
"Syempre hindi po sa inyo!"
Inambahan ni Tito Lars si Macey ng kurot na mabilis naman tumakbo at nagtago sa likod ni Mason
"Halika rito bata ka! Bubunutin ko yang pilikmata mo tapos ihahagis kita sa basurahan!"
"Dalawa na nga lang po kaming maganda ni Mama dito tapos babawasan nyo pa po?"
"Aba nga naman!"
Humagikhik si Macey at tumakbo naman papunta sa likuran ni Tita Elmira para magtago
"Hayaan mo na ang baklang dinosaur na yan, Macey "
"Wow Elmira! Parang hindi mukhang paa ah?"
"Anong paa?! Tadyakan kita dyan!"
Napailing na lang ako sa kanila. May narinig kaming katok mula sa pintuan kaya nabaling ang tingin namin don
"Bubuksan ko lang" sabi ni Tita Elmira at tumakbo papunta sa may pintuan
"Oh narito na si Senyorito Levi!" anunsyo nya at kasabay non ay ang pagpasok ni Levi. Nakasuot ito ng black pants, white v-neck shirt na pinatungan ng dark blue sport coat
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
RomansaLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...