Chapter 17

18.4K 545 19
                                    

Lili

"Ah ganun! Dahil lang sa punyetang vase na yun nagwala yung batugang anak ng hippopotamus na yon?!" galit na sigaw ni Tito Lars. Hindi pa nito naibaba ang mga pinamili nya

"Kalma lang Lars" utas ni Tita Elmira

"Anong kalma?! Walang kalma kalma rito! Nasaan ba ang mahaderang yan nang masampal ko sya at ang anak nyang saksakan ng batugan!"

Binitawan ko ang ice pack na ginagamit ko sa namumulang kamao ni Levi at tumayo. Nilapitan ko si Tito Lars at pilit na pinakalma ito

"Oyyy Lars yung presyon mong gaga ka!" paalala ni Tita Elmira

Pinaupo ko si Tito Lars. Tumakbo palapit samin si Mason na may dalang isang basong tubig

Inabot ko yun kay Tito Lars at pilit na pinakalma sya

"Ahm Tito Lars, wag nyo na pong isipin yon. Naayos na po" saad ko

"Mabuti at naroon si Levi! Paano kung wala? Magkakagulo talaga pag nasaktan ang mga apo ko!"

Tama si Tito Lars. Kung wala si Levi ay baka nasaktan na si Mason

Huminga ng malalim si Tito Lars. Mukhang kalmado na ito

"Maraming salamat hijo" sinserong aniya kay Levi

Tumango at tipid na ngumiti si Levi pero bakas pa rin ang galit sa mga mata nito. Nakakuyom ang mga kamao nito at tila handang sumugod ano mang oras

"Mabuti na lang po talaga naroon si Tito Levi! Ang galing nya pong makipaglaban! Para pong bigla kaming nagkaroon ng Papa dahil pinagtanggol nya kami!" masayang kuwento ni Macey

Bigla kaming binalot ng katahimikan dahil don. Napatingin ako kay Tito Lars at nakitang nakatingin ito kay Levi. Ibinaling sakin ni Tito Lars ang tingin

Sinabi ko na sa kanila noon ang tungkol sa Ama nila. Hindi ako nagsinungaling pero hindi ko rin sinabi ang buong detalye. Basta ang sinabi ko na lang ay nasa malayong lugar ito at di namin makakasama para di na sila umasa. Nangako ako sa sarili ko na pag dumating ang araw na tuluyan na silang nakakaintindi ay ipapaliwanag ko sa kanila ang totoong nangyari

"Payag ka bang maging Papa mo ako?" nakangiting tanong ni Levi kay Macey

Nagkatinginan sila Tito Lars at Tita Elmira. Dumako ang tingin nila sakin at nakita ko kung paano nagtaas ng kilay si Tito Lars. Bigla akong nagkaroon ng ideya sa kung anong iniisip nila

"Syempre naman po!" paulit-ulit na tumango si Macey

Nagtaas ng mukha si Levi at nagsalubong ang tingin namin. Nag-eexpect pa sya ng reaksyon mula sakin?

"Parang may hindi tayo alam, Elmira"

"Agree! Baka may gustong magkwento dyan!"

Napatingin ako kala Tito Lars at napakamot. Siguro ay dapat ko nga rin sabihin sa kanila ang tungkol dito at isa pa ay ayoko rin namang maglihim sa kanila. Tumango at mukhang nakuha naman nila iyon dahil hindi na sila humirit pa

"Ano nga pala ang mga boxes na yan?" puna ni Tita Elmira sa anim na box na nasa gilid ng upuan

Kumunot ang noo ko. Nakita ko rin ito kanina kaya lang ay hindi ko na masyadong pinansin. Ang akala ko ay galing sa kanila ni Tito Lars ang mga yon

"I brought those" napatingin kami kay Levi dahil sa sinabi nya

Tumayo sya at kinuha ang mga yon at pagtapos ay nilagay sa ibabaw ng center table

"Para po ba samin yan?" tanong ni Macey habang nagniningning ang mga mata

Tumango si Levi at ginulo ang buhok nito. Kinuha nya ang unang dalawang box at inilagay sa harap ni Macey

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon