Lili
"Salamat po" pasasalamat ko sa guard nang makalabas ng building
Tumango ito at ngumiti
"Bukas ulit Lili, sinigang sa akin" saad nito
"Isang order ako ng tinola" sabi nung isang empleyadong napadaan na isa rin sa mga customers ko
Tumango ako at agad nilista sa maliit na papel na dala ko
"Sige po Manong" muling paalam ko nang mailagay ko sa basket ang papel
Naghatid ako ng pagkain sa mga empleyado ng Cervantes Construction Company. Ang alam ko ay isa lang ito sa mga branch nila. Ang main branch nila ay sa Manila at kung hindi ako nagkakamali ay may mga branches din sila sa ibang bansa
Tinignan ko ang wallet ko at pinagmasdan ang laman. Napangiti ako. May sobra pa, makakabili ako ng pasalubong
Bumili ako ng pasalubong nang makadaan ako sa palengke
Nilagay ko iyon sa basket at sumakay na ng tricycle
"Palibhasa mga hampas-lupa kayo!"
"Kung mukha mo kaya ihampas ko sa lupa'ng gaga ka!"
Mabilis akong bumaba at nagbayad sa tricycle nang marinig ang sigawan. May hinala na ako kung sino iyon at di nga ako nagkamali nang makita si Tito Lars na nakikipagbangayan kay Aling Cely
"Makapagsabi kang hampas-lupa! Eh di naman magkakaroon ng second floor yang bahay nyo kung hindi naging jubit yang anak mo ng negosyante sa Manila!" talak na naman ni Tito Lars. Namumula na sa inis si Aling Cely
"Oh ano? True di ba? Nakakuha ng ATM sa katauhan ng isang uto utong lalake?" ngumisi si Tito Lars
Sinamaan sya ng tingin ni Aling Cely
"Kaya magdahan dahan ka sa mga binibitawan mong salita! Kung makapagsabi ka ng pariwala si Liliveth, eh ano tawag sa anak mo?! Pakawala? Pa-walk? Argh! Nanggigigil naman ako sayong balyena ka!"
Nanlalaki ang mga matang napatingin si Aling Cely sa katawan nya, nakangangang napatingin sya kay Tito Lars
"Hoy Lorozano! Ikaw ang magdahan dahan sa mga pinagsasabi mo! Tinawag mo akong balyena?!" hindi makapaniwalang tanong nito
"Oh bakit? Mas bet mo yung hippopotamus?" nagtaas ng kilay si Tito Lars
"May araw ka rin sa akin!" dinuro ni Aling Cely at nagdadabog na pumasok sa loob ng bahay nila. Ilang metro lang ang layo ng bahay nila sa amin
"Ang aga aga tumataas ang presyon mo" sabay kaming napatingin sa bagong dating. Si Tita Elmira, may dala itong supot na may lamang pagkain
"Paano ang aga aga nyang Hippopotamus na yan magbunganga!"
Napangiwi ako sa naging sagot ni Tito Lars
"Mama! May pasalubong ka?" napangiti ako sa munting boses na iyon. Excited itong lumapit sa akin at yumuko ako para mahalikan nya ako sa pisngi
Kinuha ko ang isang supot sa basket at inabot sa kanya
"Yey! Curly tops!" tuwang tuwa saad nito
Hinalikan ko ang noo ni Macey. Humagikhik naman ito
"Nasaan si Mason?"
"Yakap po yung girlfriend nya"
Agad na kumunot ang noo ko sa sagot ni Macey. Girlfriend? Anim na taon pa lang sila!
Nahanap ng mga mata ko si Mason na natutulog sa kahoy na upuan habang nakapikit at yakap ang isang libro
Napangiti at napailing na lang ako. Nakuha ko na ang gustong iparating ni Macey sa girlfriend ni Mason
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
عاطفيةLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...