Chapter 46

16.4K 453 10
                                    

Lili

"Sureness mag-istay tayo rito? Remind ko lang hija na pagmamay ari ni Matilda ito" utas ni Tito Lars habang nililibot ang tingin sa kwarto na tutuluyan nya

"Si Ma'am Matilda po ang nag suggest na dumito muna tayo. Para na rin po sa kaligtasan ng mga bata"

Hinawi ni Tito Lars ang kurtina ng bintana. Maraming nakakalat na tauhan sila Levi sa loob at labas ng mansyon. Mukhang nakumbinsi naman si Tito Lars sa nakita

"Mukhang ligtas naman tayo rito"

Naglakad ito paupo sa kama

"Saan ka pala matutulog? Sa kwarto ni Levi?"

Napatigil ako sa pagtutupi ng damit nya na ilalagay ko sana sa may cabinet. Nilingon ko sya at agad na kumunot ang noo nya

"Oh bakit ganyan ka makareact? Virgin yarn?"

Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mga pisngi ko

"Alam mo hija, wala naman problema kung magkabalikan kayo ni Levi. Sa nakikita ko naman ay mahal ka talaga nya at sigurado akong mahal mo pa rin sya. May mga anak na kayo at nasisiguro kong gusto ng mga bata ng buong pamilya. Wala akong nakikitang dahilan para hindi mo sya balikan"

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko

"Kung iniisip mo na tututol ako dahil kay Matilda, wag mong isipin iyon. Oo may samaan kami ng loob pero hindi ko naman kayo idadamay sa gulo namin. Kung mahal mo si Levi, go! Gawin mo ang tingin mo kung anong tama at magpapasaya sayo"

Napatitig ako sa kanya at unti unting tumango. Isa sya sa mga inaalala ko. Alam kong may galit sya kay Ma'am Matilda kaya sumagi sa isip ko ang maaaring maging reaksyon nya pag naging kami ulit ni Levi

Ayoko maging selfish. Mahalaga sa akin si Tito Lars at ayokong sumama ang loob nya

Tinapos ko ang pagtatransfer ng mga damit ni Tito Lars sa may cabinet habang sya naman ay busy sa pag aayos ng iba nyang gamit

Sabay kaming napalingon ni Tito Lars sa pintuan nang may biglang kumatok at kasunod niyon ay ang pagbukas nito. Bumugad agad ang mukhang kaliligo lang na si Levi

Dumako ang tingin nito sa akin at malapad na ngumiti

"Wow fresh. Mukhang may magaganap later" bulong ni Tito Lars. Gusto ko syang sawayin dahil alam ko na kung anong ibig sabihin nya doon

"Good evening Tito Lars. Can I come in?" magalang na saad nito

"Oo naman hijo. May kailangan ka ba? Kung cash wala ako nyan. Moral support lang ang kaya kong ibigay"

Mahinang tumawa si Levi sa biro ni Tito Lars

"Gusto ko lang po sanang kamustahin kayo. Okay lang po ba kayo rito?"

"Komportable naman ako rito. Salamat nga pala sa pagpapatuloy"

Ngumiti si Levi at muling bumaling sa akin. Nanliit ang mata ni Tito Lars kaya agad akong nag iwas ng tingin

"Ah Tito Lars, pwede ko po---"

"Oo Levi. Pwede mong masolo si Lili. Kaya go! Marami pa akong aayusin"

Tinalikuran kami nito at itinuon ang atensyon sa pag aayos ng gamit nya

Nagkatinginan kami ni Levi. Nakakunot ang noo nito

"Paano nya nalaman?" tanong nya sa mahinang boses

"May powers ako hijo. Ako ang ikaapat na member ng Power Puff girls. Ako ang nawawalang kapatid ni Buttercup, ako si Butter coconut"

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon