Chapter 24

17.9K 522 15
                                    

Lili

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang paglalakad ni Macey sa may stage suot ang sports attire nya

"Go Macey!" sigaw ng katabi ko habang may hawak na tarpaulin na may nakalagay na pangalan ni Macey. Napangiti ako habang pinagmamasdang ang masayang mukha ni Levi

Mukhang proud na proud ito sa anak ko

"Kembot pa baby girl!" sigaw naman ni Darcy

Maraming nagpalakpakan nang umikot si Macey at nag pose. Pagtapos noon ay bumalik na si Macey sa backstage at napuno ulit ng palakpakan nang lumabas ang sunod na kandidata

"Grabe ang ganda talaga ng batang yan. Papasang modelo"

"Hindi sya pwedeng maging modelo" kontra ni Levi sa sinabi ni Darcy. Kumunot ang noo ni Darcy at tinignan si Levi. Pinapagitnaan nila ako. Si Tito Lars at Tita Elmira ay nasa backstage

"At bakit?"

"Kapag lumaki sya sa industriyang iyon siguradong papalibutan sya ng maraming lalake. Siguradong dadagsa ang manliligaw ni Macey. Hindi ako papayag" seryosong sabi ni Levi

"Kapag lumaki yan si Macey, kahit hindi yan mag modelo ay siguradong pagkakaguluhan pa rin yan. Sa ganda ba naman nyan! Si Lili nga kung gugustuhin maging modelo papasa rin yan!"

Nagsalubong ang kilay ni Levi sa sinabi ni Darcy

Halata sa mukha ni Levi na ayaw nya sa ideyang iyon pero mas pinili nyang itikom na lang ang bibig

"Paano kung gustuhing maging model ni Lili? Anong gagawin mo?" napatingin ako kay Darcy at umiling. May ngisi sa mga labi nito. Mukhang sinusubakan nya si Levi

"I... I will support her" sagot ni Levi at nag iwas ng tingin

"Bakit parang labas sa ilong?" tumatawang utas ni Darcy

Nagbuga ng malalim na hininga si Levi

"Alright. I am against it. But if she really wants it, I'll respect her decision"

"Okay lang sayo? Hindi mo sya pagbabawalan?"

"I am her boyfriend not her controller. Only her can control and choose her decisions in life"

Napatitig ako sa seryosong mukhang ni Levi. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko

"Okay na sana kaya lang may sinabi kang 'boyfriend'. Remind ko lang, wala pang sagutan na nagaganap" tumatawang sabi ni Darcy

"I am pretty confident" bumaling sa akin si Levi at ngumiti. Napangiti rin ako. Bumaba ang tingin nya sa mga labi ko at napatitig doon

Nag iwas sya ng tingin ang huminga ng malalim

"Tangina. Kung wala lang tayo rito kanina pa kita hinalikan" bulong nya

Biglang nag init ang pisngi ko at nag iwas ng tingin. Tinignan ko si Darcy. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakatingin ito sa cellphone nya. Mukhang hindi naman nya narinig ang sinabi ni Levi

Muli bumalik ang atensyon ko sa stage nang muling tawagin ang mga kandidata. Nang makita kami ni Macey ay kumaway ito

"Go baby girl!" sigaw ni Darcy sa tabi ko

Nagpatuloy ang event hanggang sa i-announce ang nanalo

"Ayos lang yan Macey. May next time pa naman" marahang sabi ni Levi habang hinahaplos ang buhok ng bata na buhat nya

Ngumuso si Macey at pinahiran ang pisngi na nabasa dahil sa luha

"Nalulungkot lang po ako kasi nanood kayo ni Mama tapos natalo lang ako"

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon