Lili
"For you. Lilies for my Lily"
Hinawakan ni Levi ang kamay ko at nilagay ang bulaklak nang hindi ko agad ito kunin
"Para saan 'to?"
"I am courting you again, remember?" he raised his eyebrow
"Seryoso ka talaga d'on?" paniniguro ko. Hindi ko na dapat siguro tinanong dahil mukhang seryoso naman talaga sya
"Hmm" he nodded
"Ayaw mo ba ng bulaklak? I have another gift for you" kinapa nya ang bulsa at nilabas ang isang maliit na box
Nakaramdam ako ng kaba sa kung anong laman n'on pero ang kaba na nararamdaman ay biglang naglaho nang buksan nya ito
Kumunot ang noo ko nang iangat nya ang susi
"Our daughter gave me an advice. Magugustuhan mo raw kung bibigyan kita nito"
"Please wag mong sabihin sa akin na susi yan ng isang bahay"
Baka ano na naman isipin ng Mama nya kapag binigyan nya ako ng bahay
"No. This is actually a car's key" nakangiting utas nya. Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya
"Iyong bahay na pinapagawa ko ay hindi pa tapos gawin. So for now, this is only I could give"
No way. Ano bang iniisip nya at gusto nya akong bigyan ng bahay at sasakyan?
"Macey is really practical. I think she got that from me" he proudly said
Napa-face palm na lang ako. Hindi ako makapaniwala. Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Macey
"Hindi ko matatanggap yan"
Nabura ang ngisi sa mga labi nya
"Why? Hindi mo ba nagustuhan? Do you want anything? Please tell me"
"Ahm okay na ako sa bulaklak"
"What about the car? May particular model ka bang gusto?"
Tss masyado syang galante para sa isang manliligaw
"Tatanggapin ko ang bulaklak pero hindi ang sasakyan Levi"
Siguradong mahal iyon at isa pa ay hindi ko naman kailangan ang sasakyan
"Be practical, baby. You need the car"
"Levi... "
"Please accept it. Kailangan mo iyon---"
"Hindi ko kailangan iyon dahil hindi naman ako marunong magmaneho" putol ko sa kanya
Napakurap kurap sya at mukhang natauhan sa sinabi ko
"Ahm... I can teach you"
Umiling ako
"Lili... "
"Hindi ko tatanggapin yan" mariing saad ko
He released a deep breath
"Alam mo Mama, kung si Mimi Lars ang binigyan ng sasakyan siguradong nagtatalon na yun sa tuwa"
Napabaling kami ni Levi kay Macey na nakatingin sa amin habang naglalaro ng mga manikang binili ni Levi para sa kanya
"Hindi nyo na po kailangan mag tricycle kapag may kotse na kayo" dagdag nya
"Hindi marunong mag drive si Mama" saad ni Mason
"Magaling mag drive si Papa. Pwede nyang turuan si Mama"
Nagkatinginan kami ni Levi. He wiggled his brows. Magkasundo talaga sila ni Macey
"Tito Kairix!"
Biglang tumayo si Macey at tumakbo palapit kay Kairix. Mahigpit nya itong niyakap
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
RomanceLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...