Chapter 3

24.5K 633 33
                                    

Lili

Naglaho bigla ang pagod at pangamba ko nang makita ang ngiti sa mga labi ng mga anak ko

"Salamat Mama! The best ka talaga!" mahigpit akong niyakap ni Macey at pinaghahalikan ang pisngi ko

"Ang ganda po!" saad nya habang nagniningning ang mga matang nakatingin sa bagong sapatos

Marahan kong hinaplos ang itim at umaalon nyang buhok

"Natutuwa ako at nagustuhan mo" nakangiting saad ko

Ngumiti sya at tumango

"Ipapakita ko lang po kay Mimi Lars!" tumakbo sya papuntang kusina kung nasaan si Tito Lars

Bumaling ang tingin ko kay Mason na kanina pa tahimik. Naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa tabi nya

"Hindi mo ba nagustuhan?" nag aalalang tanong ko. Dapat ba yung may sintas ang binili ko? Pwede ko naman sigurong ibalik

"Nagustuhan ko po... pero..."

"Pero ano?"

Nagbuga sya nang malalim na hininga at tumayo. Pumunta sya sa kwarto at nilabas ang isang plastic bottle na may lamang pera

"Hindi po ito ganun kalaki Mama" malungkot na saad nya at inabot sa akin ito. Namuo ang luha sa mga mata ko

"Halika nga rito" inabot ni Mason ang kamay ko at muli syang umupo sa tabi ko

"Hindi naman naniningil si Mama"

Nag angat sya ng tingin at nasalubong ko ang mga berde nyang mata

"Pero pinaghirapan nyo po yung perang binili nyo sa sapatos namin. Maayos pa naman yung sapatos ko, kahit si Macey na lang po sana ang binilhan nyo"

Matalino at maunawain si Mason. Naiintindihan nya ang sitwasyon ng pamilya namin

"Kaya nga nagtatrabaho si Mama di ba? Para mabigay ko ang mga pangangailangan nyo ni Macey"

"Pero Mama---"

"Itabi mo na yan. Para kung may gusto kang bilhin, mabibili mo at kung kulang man ay dadagdagan na lang ni Mama" nakangiting utas ko

Muling bumaba ang tingin ko sa plastic bottle. Ilang beses ba syang hindi kumakain tuwing recess? Sa kakarampot na baon nya, halos mapuno nya ang maliit na plastic bottle ng barya

Pinababaon ko naman sila ng pagkain at sinasamahan din ng pera pero minsan kapag di ako nakapagluto ay dinadagdagan ko na lang ang pera nila para makabili sila sa canteen

"Good evening everyone!" masiglang bati ni Tita Elmira nang pumasok sya

Tumayo si Mason at lumapit dito para magmano

"Oh nasaan si Macey?" tanong nya at nilinga linga ang paligid

"Nasa may kusina po" sagot ni Mason

Sakto namang lumabas sa kusina sila Macey at Tito Lars

"Nakahanda na ang hapunan. Kumain na muna tayo" aya ni Tito Lars

Hinawakan ko ang kamay ni Mason at Macey at giniya sila sa kusina

"Yung sapatos ko po?" tanong ni Macey at sinulyapan ang sapatos nyang nakalagay sa may upuan

"Itatabi natin sa kwarto pagtapos natin kumain"

Ngumuso sya at tumango

Agad kong nilagyan ng pagkain ang plato nila

"Gulay na naman" malungkot na saad ni Macey

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon