Chapter 42

18.3K 500 3
                                    

Lili

"Sa table number 5 Lili"

Tumango ako at kinuha ang tray. Naglakad ako patungo sa table number 5 at nilapag ang laman ng tray

"Enjoy your drinks" nakangiting utas ko

"Thanks Lili!" sagot ng isang babae na regular customer dito. Actually silang anim ay regular customers dito. Magbabarkada sila. Tatlong babae, dalawang lalake at isang gay

Muli akong ngumiti at nagpaalam na sa kanila

Nilapag ko ang tray sa counter at umupo sa high stool

"Tired?"

Nag angat ako ng tingin kay Nate na nagpupunas ng baso. Bahagyang salubong ang makakapal nitong kilay at nakatikom ang manipis na mga labi. He looks like a western heartthrob just like the Cervanteses and the LaVines. What do you expect from a Montealba?

"Medyo. Maraming customers ngayon" not that I'm complaining

"It's Friday night. Expect that it will double... " tinagilid nya ang ulo at sinilip ang na sa likuran. Napatingin din ako sa tinitignan nya

"Or triple" he continued. Kasabay n'on ay ang pagdating ng mga bagong customers

Nagbuga ako ng malalim na hininga at tipid na ngumiti

"Margarita please, Mr. Hot Bartender"

Napatingin ako sa babaeng umupo sa katabing high stool. Naka spaghetti strap dress ito. Mapupula ang mga labi at tuwid ang mahabang buhok. Mukha syang model sa isang sexy magazine

Nagtaas ng kilay si Nate at di man lang gumuhit ang ngiti sa labi nito. Seryoso lang ang mukha nito nang sinerve ang alak

Aalis na sana ako nang may mahagip ang tingin ko. Sinundan ko ng tingin ang babae na umupo sa may gilid ko. May isang stool lang sa pagitan namin

"Tequila please" she said in a soft voice

"What are you doing here?" bakas sa boses ni Nate ang galit. Kumunot ang noo ko

"Can't I go here?"

"Go home"

Hindi natinag ang babae at ngumisi lang kay Nate

"Just give me my order" she crossed her arms and raised her eyebrow

She's beautiful. Matangos ang ilong at natural na mapupula ang mga labi. She's wearing a black mini dress. Nakalugay ang mahabang buhok nito na kulot ang bandang dulo

Wait... magkakilala sila?

"Just go home, Sapphire"

The girl smirked

"Make me"

Nag igting ang panga ni Nate at walang sabing nilapitan yung babae

"What?"

"You really won't listen to me, aren't you?"

Umirap yung babae

"Just leave me alone"

Napahiyaw si Sapphire at kahit ako ay nagulat din nang bigla syang buhatin ni Nate at isinabit sa balikat nito na parang isang sako ng bigas

Pinagtitinginan na sila pero wala ni isang lumapit sa kanila

"Hey! Help me! This is clearly kidnapping!" sigaw ni Sapphire sa bouncer

Yumuko lang ang bouncer at iginiya pa sila palabas. Of course they wouldn't block Nate. He owns this place

Napailing na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo. May pumalit na bartender kay Nate

"Sa VIP room, second floor. Room 203"

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon