Lili
"I'm so in love with you Lili"
Natigilan ako sa pag amin nya. Ilang buwan pa lang kami magkakilala pero sinasabi nya ngayon na mahal nya ako. Hindi ba... masyadong mabilis?
Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko... at nakaramdam ako ng takot. Love is a strong word. At mas lalong naging malakas at mabigat ang kahulugan niyon dahil nagmula ito sa isang lalakeng mahilig makipaglaro sa babae na katulad nya
Iniwas ko ang mukha ko sa kamay ni Levi. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya dahil sa ginawa ko
"H-hindi tama ito" bulong ko
Mapait syang ngumiti at isinandal ang ulo sa inuupuan nya
"Wala akong nakikitang mali rito, Lili"
Tinignan nya ako at mababakas sa mga mata nya ang lungkot
"At wala rin akong nakikitang tama rito"
Halos malusaw ako sa titig nya. Nagtagis ang kanyang bagang. Mahahalata sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang naging sagot ko
"Mali ba na magustuhan kita? Isang kamalian ba na mahulog ako sayo?"
Pumikit ako nang maramdaman ang sakit sa tono nya. Kailangan kong linawin ang lahat. Ang mga mangyayari samin kung ipagpapatuloy namin ito. Hindi lang naman ito tungkol samin. Hindi lang ito tungkol sakin. May mga anak ko... at sa magiging desisyon ko ay madadamay sila
Nagmulat ako ng mga mata at seryoso syang tinitigan
"May mga anak ako Levi. Binata ka. Ano na lang ang magiging reaskyon ng mga kamag anak mo lalo na ang Mama mo pag nalaman na pumatol ka sakin?" alam kong unfavourable yun sa kanila... unideal. Kaya di ako magugulat kung magwala si Ma'am Matilda pag nalaman nyang nililigawan ako ng anak nya
"Who cares about them? Tanggap ko ang mga bata. I care for them. Iyon naman ang importante di ba?"
Napailing ako at mapait na ngumiti
"Be realistic Levi. Alam mong hindi tayo pwede. Hindi ito isang laro. Wala akong panahon maglaro. Yang nararamdaman mo ay infatuation lang. Kaya hangga't maaga pa ay itigil na natin ito"
Naisip ko rin na baka sa oras na hulog na hulog na ako sa kanya ay bigla nyang ma-realize na hindi nya pala ako ganun kagusto. Magiging madali lang para sa kanya ang umalis... pero paano ako? Siguradong mahihirapan ako. Kaya hangga't maaga pa ay dapat tigilan na namin ito
"Infatuation? Paano ka nakakasiguro? Wala kang alam sa nararamdaman ko Lili" mariin nya akong tinitigan
"Bakit hindi mo ko subukan? Sabay natin alamin kung infatuation nga lang ito. Kung mabilis lang mawawala ang pagmamahal ko sayo?" hamon nya
"Subukan?" pagak akong tumawa at umiling
"Walang mawawala sayo Levi... pero sakin meron. Kapag nagsawa ka, mabilis ka lang makakahanap ng iba"
Kapag umalis ka... nasisiguro kong hindi na ulit ako maghahanap o susubok ng iba
"You don't have any idea how much I like you. I'm completely drawn to you Lili. I am in love with you. Saying 'I love you' is not my thing but since it was you, it became so damn easy as ABC. I assure you that this is not infatuation. Because if it is... I would not go this far. I won't beg for your attention. Hindi ako makikiusap na wag mo ulit ako itulak palayo"
Naramdaman ko ang sincerity sa bawat salitang binitawan nya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba talaga ang dapat gawin
Ayos lang ba na pagbigyan ko ang sarili ko? Gusto ko si Levi... pero nag aalala ako sa mangyayari kapag naging kami
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
RomanceLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...