Lili
"Mukhang masaya si Boss ngayon"
"Maganda ata ang gising ni Sir Levi"
"Shit! Ang gwapo nya talaga!"
Rinig kong bulung-bulungan habang papunta ako sa cafeteria. Break na ngayon ng mga employees kaya medyo maraming tao sa cafeteria. Sikat talaga si Levi pagdating sa mga babae
"Pakilagay na lang sa loob hija"
Napatingin ako sa isang tindera na nakasalubong ko. Pumasok ako sa loob habang bitbit ang dalawang eco bags na may lamang lumpia, turon at banana cue
"Tulungan na kita Lili" biglang sumulpot si Gian at kinuha ang dalawang eco bags
"Wag na. Kaya ko naman" pilit kong kinukuha pabalik yung mga bags pero nilayo nya ito sakin. Hindi kasi bagay sa kanya magbitbit ng paninda ko. Nakasuot sya ng puting long sleeves at plantsado ang pants. Ang alam ko ay nasa financial accounting department sya at medyo mataas ang position nya sa kompanyang 'to
"Ako na. Medyo mabigat din pala 'to" tinalikuran nya ako at nilagay sa kusina ang dalawang bags
"Salamat Gian" nakangiting saad ko
"Walang anuman" medyo namula ang mga pisngi nito at nag iwas ng tingin
"Asus si Sir Gian namumula!" tukso ng isang babae na naghuhugas ng pinggan
"Syempre nandito crush nya!" saad ni Aling Minda na syang namamahala sa cafeteria
"Mas lalo tuloy namula!" kinantyawan sya ng mga tao sa loob ng kusina at ako naman ay napayuko na lang
"Siguradong ubos na naman yang mga miryendang dala mo! Mabenta yun dito!" saad ni Aling Minda
Napangiti ako. Inalok ako ni Levi noong isang linggo kung gusto ko raw ba magtrabaho sa cafeteria ng CerComp. Magandang ideya yon kaya lang hindi naman ako pwedeng buong araw dito dahil kailangan ko pang asikasuhin sila Macey. May sideline kasi si Tito Lars kasama si Tita Elmira kaya minsan ay late itong umuuwi at hindi masusundo ang mga bata sa school
Nang nalaman ni Levi ang tungkol sa bagay na yon ay nag-propose sya na kahit maghatid na lang ako ng meryenda at ang cafeteria na ang bahala sa pagtitinda. Hindi ganun kalaki ang kaltas samin kaya malaking tulong talaga
Matapos makapagpaalam kay Aling Minda ay lumabas na ako ng cafeteria. Kailangan ko pang pumuntang bayan para makabili ng mga ingredients na gagamitin ni Tito Lars bukas sa pagluluto
Hindi kasi sya makakapamili ngayon dahil may sideline sila ni Tita Elmira ngayon. May pageant kasi ngayon sa kabilang bayan at kinuha silang make up artists
"Lili! Sandali lang!"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Gian. Nasa hallway na ko papunta sa may hagdanan nang marinig kong tinawag nya ko
"May kailangan ka ba?" tanong ko
"Ahm may gagawin ka ba sa Sabado?" nag aalangang tanong nya. Medyo namumula pa rin ang pisngi nito
Sabado? Wala naman akong gagawin masyado sa Sabado
"Pasensya ka na. Hindi pwede si Lili sa Sabado" saad ng isang baritonong boses at kasabay non ay naramdaman ko ang pag akbay ng isang braso sa balikat ko
Napansin ko ang pamumutla ni Gian. Nag angat ako ng tingin at nakita si Levi. Bumaba ang tingin nito sakin at ngumisi
"S-sir! Ikaw po pala" tilang gulat na sabi ni Gian
Tumingin si Levi sa relo nya at kumunot ang noo
"First break ka di ba? Tapos na ang break mo"
Tumingin din si Gian sa sariling relo
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
RomanceLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...