Lili
Hininto ni Levi ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant. Agad na kumunot ang noo ko. May kailangan ba sya rito?
"Hindi pa ako nagla-lunch" saad nya. Lunch? Hindi ba masyado ng late para doon? Tinignan ang may kalumaang relong pambisig. Lagpas alas dos na ng hapon
Pero teka nga... paanong hindi pa sya nakakapag lunch kung galing kami sa bahay nila? Sigurado ako na naghain ang mga kasambahay nila ng tanghalian
Tinignan nya ako at ngumiti bago nya binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba
Magta-tricycle na lang siguro ako. Medyo malapit na naman ang bahay namin mula rito
Kinuha ko ang paper bag at ang box ng cupcakes at bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan ay naunahan na ko ni Levi. Bumaba ang tingin nya sa mga hawak ko nang tuluyan akong makababa
"Iwan mo muna yan sa loob" kinuha nya sa akin ang paper bag at box at nilagay sa may backseat
"Samahan mo muna ako kumain bago kita ihatid sa inyo"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. I-inaaya nya b-ba akong kumain?
Hinawakan nya ang braso ko. Mabilis na bumaba ang tingin ko dun at hinigit ito pabalik. Nagtagis ang bagang nya sa ginawa ko na tila di nya nagustuhan ang naging reaksyon ko
"May problema ba?" tanong nya sa kaswal na boses pero ramdam ko pa rin na nagpipigil sya
"Ahm h-hindi kasi magandang t-tignan kung isasama mo ako sa loob" nagbaba ako ng tingin at pinasadahan ang suot ko. Lumang t-shirt at pantalon na kupas. Hindi naman sa kinakahiya ko ang sarili ko, nahihiya lang ako para sa kanya
Ano na lang sasabihin ng mga tao o mga kakilala nya kapag nakitang magkasama kami?
"A-at isa pa ay kumain na rin naman ako" halos mapaatras ako nang muling magtama ang tingin namin. Parang nag aapoy ang mata nya habang mariing nakatitig sa akin
"Nahihiya ka ba?" diretsong tanong nya. Nag iwas ako ng tingin. Gusto ko man itanggi pero di ko na ginawa, useless na rin ang pagtanggi dahil alam kong mababasa nya lang sa mga mata ko ang tunay kong rason
Halos tumalon ang puso ko nang hawakan nya ang kamay ko at iginiya ako papunta sa restaurant
"Levi..." saad ko nang makapasok kami at mapunta sa amin ang tingin ng mga tao sa restaurant partikular sa akin
"Wala ka dapat ikahiya. Masyado kang maganda at malakas para lang mahiya"
Napabaling ako kay Levi dahil sa sinabi nya. Seryoso lang ang mukha nito habang diretsong nakatingin sa unahan
"Good afternoon Mr. Cervantes" bati ng isang lalake na sa tingin ko at manager ng restaurant. Sa likod nito ay isang waitress at isang waiter
"Table for two"
Tinignan ako nito at napawi ang malapad na ngiti ng pinasadahan ako ng tingin
"What about a separate table Sir? We can prepare a special table---"
"Didn't you hear what I said?" malamig na saad ni Levi
Natigilan yung manager at halos pagpawisan na sa harap namin
"Another insult from you and I won't hesitate to call the owner of this restaurant. I will fucking make sure that he will fire you"
Parang tinakasan ng dugo ang kaharap namin ganun na rin ang dalang waiters sa likuran nya
Insult... I can also read between the lines. Alam kong iniinsulto nya ko
"I-im sorry Sir for my rudeness towards your companion. It won't happen again" natatarantang saad nya
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
Roman d'amourLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...