Lili
"Macey... may sasabihin sana kami sayo" napalunok ako habang nakatingin sa inosenteng mukha ng anak ko
Maayos na ang kalagayan nito at hinihintay na lang namin ang go signal ng doctor para i-discharge sya
"Ano po yun?" tanong nito habang patuloy sa pagkain ng orange na binalatan ni Levi para sa kanya
"Gusto mo bang... makilala ang Papa mo?"
Unti unti itong nag angat ng tingin sa akin. Tinignan nito sa Mason na nakaupo sa tabi nya bago muling ibinalik ang tingin sa akin
"Hindi na po kailangan. Okay naman po tayo kahit wala sya"
Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon sa kanya. Kung noon ay lagi nyang binabanggit na gusto nya makita ang Papa nya, nitong mga nakaraang buwan ay hindi nya na nababanggit ito
Nag angat ako ng tingin kay Levi na nakatayo sa gilid ko. Makikita ang lungkot sa mukha nito
Naglakad ito palapit kay Macey at naupo sa kama. Hinawakan nya ang kamay nito at malungkot na ngumiti
"A-ayaw mo ba syang makilala?" kinakabahang tanong ni Levi
Kumunot ang noo ni Macey
"Nandyan naman po kayo. Okay na po ako d'on"
Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot si Levi sa naging sagot nito
"P-paano kung sabihin ko sayo na kilala ko sya?"
"Pakisuntok po" sagot ni Macey at yumuko
"K-kung hindi nya kami i-iniwan, hindi sana mahihirapan s-si Mama sa p-pag-aalaga sa amin..." nadurog ang puso ko nang magsimula itong humikbi
"K-kung kasama sana n-namin sya, hindi k-kami aasarin n-na walang Papa" pinunasan nito ang mga luha. Nagtubig ang mga mata ko nang makitang patuloy sa pag agos ang luha nya. Namumula ang pisngi at ilong nito dahil sa kakaiyak
"Pakisabi po sa kanya na sana... h-hindi lagi masarap ulam nya"
"Umayos ka nga" angil ni Mason sa kapatid
"Naiinis ako sa kanya! K-kasi iniwan nya tayo! Kasi hindi nya tayo mahal! Totoo nga siguro yung sinabi n-ni Aling Cely na m-may ibang pamilyan n-na sya!" umiiyak na utas nito
"No, it's n-not true!" tinulungan ni Levi na tuyuin ang mga luha nito. Nagtutubig na rin ang mga mata nito habang inaalo si Macey
"Wala s-syang ibang pamilya at... mahal na mahal nya kayo" he said
"Sinasabi n-nyo lang po yan para tumigil ako sa pag iyak!"
"I'm telling the truth. Mahal na mahal kayo ng Papa nyo. Mahal na mahal ko kayo" Levi dramatically said
Humihikbi pa rin si Macey nang tingalain sya
"Ako ang Papa nyo" nakangiting utas ni Levi at sinulyapan si Mason
"Weh? Ano 'to izza prank?"
"Totoo ang sinasabi nya Macey. Siya ang Papa natin" utas ni Mason
Tumingin si Macey kay Mason. Ibinaling nya ang tingin sa akin na tila humihingi ng sagot
Nakangiting tumango ako at pinunasan ang sariling luha
Her lips parted. Tumingin sya kay Levi na bakas pa rin ang gulat sa mukha nya
"I-ikaw po ang Papa namin?"
Tumango si Levi
"I-ibig sabihin... mayaman talaga kami?"
Gusto kong mapa-face palm sa sinabi nya. Mahinang tumawa si Levi at mahigpit na niyakap ang anak
Inilahad ni Levi ang kamay kay Mason. Lumapit sa Mason sa kanya at pinaulanan ni Levi ng halik ang mga ito at mahigpit na niyakap
A so damn beautiful scenery. Another memory that I will treasure
Nag angat ng tingin si Levi sa akin at naglahad ng kamay. Nakangiti ito
"Mama! Group hug!" si Macey
"Mama... " Mason called
Hinawakan ko ang kamay ni Levi at lumapit dito
"Thank you... for everything" he whispered
I smiled in return
"May come back na po ba?" tanong ni Macey
Napatingin kami sa kanya at muli kaming nagkatinginan ni Levi. Sabay kaming natawa dahil sa sinabi ni Macey
Dumalaw din sila Alice at Carter kasama ang anak nila na si Callum. Ang alam ko ay buntis si Alice pero hindi pa halata ang tiyan nya dahil mag iisang buwan pa lang
Hindi rin sila makapaniwala sa nangyari. Nagulat sila na kayang gawin iyon ni Kendra
"She really crossed the line" Alice commented. Nakaupo ito sa couch katabi ang asawa nyang si Carter. Sila Mason at Callum ay sinama ni Wade sa may cafeteria. Kasalukuyang natutulog si Macey kaya hangga't maaari ay hinihinaan lang namin ang boses namin
"When I found out the result of the DNA, I made my own investigation. There were lot of holes in her story kaya mahirap paniwalaan" si Kairix
"We can sue the person that she paid to fake the result of the first DNA" suhestiyon ni Carter
"I already did. Umamin na rin ito na binayaran nga sya ni Kendra" Levi released a deep sigh
"And let's not forget about her fake pregnancy!" singit ni Hera. Nakaupo ito sa kabilang gilid ni Alice
"Recently ko lang nalaman na pinapakalat nyang buntis sya. It was obviously a made up story" she then rolled her eyes. Nakuha nya ang atensyon ko dahil sa sinabi nya
"It was in my resort. Levi was too drunk that night. Our friends carried him to his assigned room. Ang alam ko ay d'on din natulog si Trev, sa may couch nga lang dahil halos sakupin na ni Levi ang buong kama. The following day, I saw Trev walking out of the room... and Kendra walking inside... " she paused. Her forehead creased for a moment, like she was trying to recall what happened on that day
"Siguro mga 3 minutes ang lumipas nang pumunta ako sa kwarto para i-check kung gising na si Levi para makapag almusal na kami. And I was right! He was awake... with wide eyes opened. He was looking at Kendra who was naked on the bed... and he was only wearing his boxers" she continued
"Levi has a habit of removing his clothes when he will go to sleep especially when he's drunk" Carter explained
Ngayon na unti-unti ng nagkakaroon ng linaw sa akin ang lahat... parang nakaramdam ako bigla ng pagsisisi
"That bitch is so good at pretending! She's delusional. I mean, how can you make someone cum in that short time? Plus yung time na maco-consume nya sa paghuhubad" she said trying to make a point
"She's not pregnant. She's just delusional. Walang nabubuntis sa sariling sikap"
Biglang napaubo si Kairix na nakatayo malapit sa bintana
"Absolutely. Right baby?" nakangising baling ni Carter kay Alice at bumaba ang tingin sa tiyan nito
Alice rolled her eyes and shook her head
"Now that everything is clear... come back na ba?" tanong ni Hera. Nag angat ng tingin sa akin si Levi. He looks nervous with what will I say
Tipid akong ngumiti at hindi na sumagot. Hindi sa nagpapakipot ako... pero kailangan talaga namin muna itong pag isipan. Masyado pang magulo ang sitwasyon ngayon. Hangga't hindi pa nahahanap si Kendra ay hindi ako mapapanatag
#hh
![](https://img.wattpad.com/cover/279345391-288-k399079.jpg)
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
RomantizmLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...