Lili
"Now that everything is finally settled, I want to formally introduce my grandchildren"
"Magkakaroon po kami ng party?!" excited na tanong ni Macey
"Yes, apo. We will hold a party for you and Mason"
Pumalakpak si Macey at nilingon si Mason
"Narinig mo iyon? Magkakaroon tayo ng party!"
Tipid na ngumiti at tumango si Mason
"Hindi ka ba masaya, hijo?"
Ibinaba ni Mason ang kutsara at sumulyap sa akin bago tumingin kay Ma'am Matilda
"Okay lang po sa akin kung walang party pero... " tumingin ito kay Macey at ngumiti
"Kung gusto po ng kapatid ko na magkaroon ng party ay ayos lang po sa akin"
Mahigpit na niyakap ni Macey ang kapatid na nakaupo sa tabi nya
"Thank you Mason! The best ka talaga!"
Halos dalawang linggo inabot ang preparation para sa party ng kambal dahil gusto ni Ma'am Matilda na maging engrande iyon. Maraming imbitado at karamihan dun ay kasama sa social circle nito. Ang iba ay mga kasamahan at kaibigan ni Levi. Tanging si Tita Elmira at Darcy lang ang inimbitahan namin at ilan sa mga kaibigan ng mga bata
"Ate Calla!"
Masiglang sinalubong ni Macey si Calla. Kasunod nito ay ang mga magulang at sila Alice
"Hi Macey! How are you?"
Nag usap ang dalawang bata. Mukhang namiss nga nila ang isa't isa
"They are really close" puna ng Mama ni Alice. Mabait ang pamilya ni Alice kaya madali kong naging close ang mga ito
"Mimi Lars gusto ko po nung cupcake"
"Shhh tumigil ka dyan. Madudumihan ang gown mo. Mamaya mo na pakainin ang dinosaur sa tiyan mo"
"Pero gusto ko ng---" pinutol sya ni Tito Lars
"Gusto mo ng kutos?"
"Okay po. Mamaya na"
Lumapit si Levi sa anak at hinaplos ang pisngi nito
"You can have all cupcakes you want later. For now, listen to your Mimi Lars, okay?"
Tumango si Macey. Nilingon ko si Mason at inayos ang necktie na suot nito
"Kinakabahan ka ba?"
Umiling ito. Ngumiti ako at hinalikan ang pisngi nya
Tinawag sila ng organizer dahil ipapakilala na sila
"I would like to thank each one of your for coming to this very special day" panimula ni Ma'am---Tita Matilda. Nakaiusap ito na Tita na ang itawag ko sa kanya pero hindi pa rin talaga ako sanay
"First of all, I would like to thank my future daughter-in-law, Liliveth, for giving birth to these lovely grandchildren of mine... " huminto ang tingin nito sa akin at ramdam ko rin ang tingin sa akin ng ibang mga bisita. Hinawakan ni Levi ang kamay ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya. He smiled at me and it was enough to calm me
Nilingon ko si Tito Lars. Ang akala ko ay may sasabihin ito para basagin si Tita Matilda pero mas pinili nitong tumahimik. Okay na naman sila pero minsan ay binabara nya pa rin nya ito. Hinahayaan lang din naman ito ni Tita Matilda at kung minsan ay sinasabayan na rin
"And now, let me introduce my precious grandchildren. Let's all welcome, Mason Cervantes and Macey Cervantes"
Nagpalakpakan ang mga tao habang bumaba sa engrandeng hagdanan ang magkapatid. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Kung noon ay pangarap lang ni Macey na magkaroon sila ni Mason ng engrandeng party, ngayon nararanasan na nila
![](https://img.wattpad.com/cover/279345391-288-k399079.jpg)
BINABASA MO ANG
CDS 2: Irresistible Desire
RomanceLiliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarship to study in the City, she immediately grabbed it. One night, she was invited in a bar by her frie...