Chapter 23

18K 550 12
                                    

Lili

Naramdaman kong may umakbay sa akin at hindi ko na kailangan lingunin iyon para alamin kung sino

"Mukhang masarap ang hinanda mo Aling Flor"

Ngumiti si Aling Flor

"Oh siya magsiupo na kayo at tatawagin ko lang si Bart nang makakain na tayo"

Lumabas si Aling Flor ng kusina. Pinaghila ako ng upuan ni Levi saka sya naupo sa upuang katabi ko

Dumating sila Aling Flor at nagsimula na kaming kumain ng tahimik

Matapos kumain ay nag volunteer akong maghugas na agad naman tinutulan ni Levi. Siya na lang daw ang maghuhugas. Halos magtalo pa kami dahil sa maliit na bagay na iyon

Napailing si Aling Flor at siya na raw ang maghuhugas

"Hindi pa kasi pwedeng matulugan ang mga kwarto sa bahay at inaayos pa ang bubong. Kaya rito na lang muna kayo magpalipas ng gabi. Napalitan ko na ang bedsheet ganun din ang punda ng mga unan. Bago rin ang kumot. Pasensya na talaga"

"Ayos lang ho Aling Flor. Komportable naman dito" sagot ni Levi

Pinagmasdan ko ang kubo. May isang kwarto ito at may isang kama. Wala namang tulo ang bubong. Ayon kay Aling Flor ay dito daw natutulog sa kubo na ito natutulog ang anak nya pag nagagawi rito

"Oh siya maiwan na namin kayo"

"Salamat ulit Aling Flor"

Nakangiting tumango si Aling Flor at sabay silang umalis ni Manong Bart. Hindi naman ganun kalayo ang bahay nila mula rito sa kubo

Malakas pa rin ang ulan. Mukhang dito na nga talaga kami magpapalipas ng gabi

"Something wrong?"

Tumingin ako kay Levi

"Kailangan ko kasing tumawag at maipaalam kay Tito Lars na hindi ako makakauwi"

Humakbang siya palapit sa akin. Napatingala ako dahil sa tangkad nya

"Tinawagan ko ang Tito Lars mo. Nakausap ko na sya"

Kumunot ang noo ko. Nakausap nya ba kanina noong nasa banyo ako?

"Buti na lang nagka signal kanina"

Nakahinga ako ng maluwag. Mapapanatag na ako

"Ahm sige na. Matulog ka na" tinuro ni Levi ang kwarto

"Ikaw?"

"Mamaya na ko"

Tumango ako at nauna na sa loob. Humiga ako sa kama at hinila ang kumot. Isa lang ang kumot kaya ibig sabihin ay magshe-share kami ni Levi

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na matulog pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakapikit lang nang maramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko

"This is so hard" rinig kong bulong ni Levi

Naramdaman ko ang kamay nya sa kumot at inangat ito hanggang sa balikat ko. Hindi ko man lang namalayan na nalilis na pala ito hanggang sa bewang ko

Pinakiramdaman ko ang maingat na paggalaw nya na para bang ayaw nya akong maistorbo sa pagtulog

Ilang sandali lang ay hindi ko na naramdaman ang paggalaw nya. Tulog na kaya? Unti unti akong gumalaw at laking gulat ko nang makitang gising pa ito at ngayon ay matiim na nakatitig sa akin

Huli na para magtulog tulugan. Kahit gustuhin ko man na talikuran siya ay hindi ko magawa. Parang biglang nanigas ang katawan ko

"Did I wake you up?"

CDS 2: Irresistible DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon