~
"DAD!" Sigaw ko ng makita syang kausap ang mommy ko. Dali dali akong naglakad palapit ngunit dahil nalalayuan ako ay nagteleport na lang ako kaya ganon na lang ang gulat nila. Hindi rin kasi ako gaano narinig ng daddy at mommy.
"Amethyst! Nanggugulat ka!" Saway sa akin ng aking ina. Hindi ko talaga magawang matakot sa kanya sa tuwing naiinis man o nagagalit sya dahil sa lambing ng boses nya. Minsan nga ay natatawa pa ako sa kanya at sya ay napapailing na lang.
"Ano po ang pinag-uusapan nyo?" Magalang na tanong ko.
"Naisipan namin na bumalik sa akademya. Kelangan ka ng akademya, alam mo iyon diba?" Tanong ng ama ko na animo humahanap ng pagsang ayon ko.
Nakangiti akong tumango sa kanila. Responsibilidad ko iyon bilang prinsesa at wala akong balak na talikuran iyon.
Maya-maya pa ay humahangos na dumating si Eya at Tria dahilan ng pag-irap ko.
"Wow! Napakasungit naman po pala ng mahal na prinsesa!" nag iinarteng aniya ni Eya.
"Nararapat lang na ipasibak sa pwesto yan!" Segunda ni Tria.
"Wow! Mga inggitera palibhasa walang ganda!" Pang aasar ko kaya napaismid sila at napatawa na lang ang mga magulang ko.
We're now free.
We're happy.
Marami pang problema ang darating pero alam naming kakayanin namin iyon. Marami akong kaibigang nakaalalay at nakasuporta sa akin. Alam kong hindi nila ako pababayaan. Alam kong andiyan sila para sa akin.
Ang digmaang iyon ay natapos na. Isang malagim na pangyayare.
"Bumalik na kayo sa inyong kaharian at huwag na kayong babalik!" Malakas na sigaw ko.
Hindi nagpatinag ang mga kalaban at laking gulat ko na lang sa biglaang paglusob nila sa kumpol ng mga estudyante.
Marami ang dugong dumaloy at marami ang sugatan.
Sa tindi ng galit ko ay isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan kasabay ng pagpapakawala ng aking kapangyarihan.
Naapektuhan doon ang lahat dahil maging ang pinuno nila ay kailangang gumawa ng sariling barrier upang huwag matamaan.
Sa galit nito ay mabilisan itong sumugod sa akin. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya ng makita ang kakayahan ko. Nagiging invisible ako sa paningin niya sa tuwing sya ay aatake dahil sa bilis ng galaw ko.
Paulit ulit siyang naghabol sa akin at maging ang mga kawal niya. Isa-isa ko iyong tinumba dahilan upang sya ang matira.
Doon ko napansin ang senyas niya sa mga tauhan na sumugod ulit kaya naman nagteleport ako agad palapit sa mga estudyante at guro na naroon upang maglagay ng barrier na hindi nila matitibag ng basta na lang.
Sa galit niya ay animo kumidlat at kumulog ng malakas dahilan sa pagpapakawala nito ng itim na kapangyarihan. Doon ko napagtanto na ang mga magulang ko ay wala sa loob ng barrier.
Ang ama ko ay pilit na isinasalba ang aking ina dahil nasa ilalim pa ito ng itim na kapangyarihan.
Doon tuluyang naputol ang pagtitimpi ko ng sumuka ng dugo ang aking ina. Hindi ko malaman ano ang dahilan dahil walang espada o kahit na sino ang nakalapit sa kanila.

YOU ARE READING
ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)
FantasyALISTAIR ACADEMY ------ Every beginning has an end. But the what-so-called end is just the beginning. Everything starts from the start. But their story begin from the end.