CHAPTER 32

766 26 2
                                    


Pumasok ako sa academy ng tanghali na. Late na ako. Marahil ay dahil sa sobrang pag iisip kaya naman late na din ako nakapasok.

Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko ang pagtitinginan sa akin ng mga estudyante at pagbulungan nito pagkatapos ay yuyuko. Saka lang sila tatayo kapag nakalampas na ako. Ang weird ng pakiramdam. Hindi ako sanay sa ganoon. Maging pagpasok ko sa room ay nagbow ang lahat, maging ang mga kaibigan ko at ang professor. Ang natatanging nakatayo ay si Faier na nakasmirk sa akin.

"Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa." pagbati ng professor. Alam nila? Paano? Akala ko ba ay sa amin lang?

Nag angat na din ng tingin sa akin ang mga kaklase ko na ngayon ay nakangiti na. Ang mga kaibigan ko naman ay sobrang laki din ng ngiti sa akin na animo nanunukso.

I sighed." Ahh, pwede po ba na makausap ko saglit si ab-- ah, si faier?" tanong ko sa professor at agaran naman ang pagtango nya. Nauna na akong lumabas pagkatapos ay sumunod si faier sa akin. Habang naglalakad ay ganon pa rin ang ginagawa ng mga madadaanan ko! Damn. Hindi ko na sila pinansin at nagtuloy na lang. Nakarating ako sa garden at naupo sa damuhan. Tumigil si faier sa harap ko at itinuro ko sa kanya angblapag, senyas na pinauupo ko sya. Sumunod sya sakin bago suminghap.

"Paano?" panimula ko at nag angat sya ng tingin sakin. "Paano nyo nalaman na ako ang prinsesa?" pagtutuloy ko.

Pumikit sya ng mariin. "Nang isuot mo ang kwintas na yan," turo nya sa suot ko. "naramdaman iyon ng lahat. Malayo ka pa lang, naaamoy na nila ang halimuyak ng isang prinsesa. Kaya alam namin. Nang isuot mo yan..." he trailed, bit his lips bago muling nag angat ng tingin sakin "bumilis ang tibok ng puso ko." napamaang ako sa kanya. Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko na parang sobrang sakit. Kapag pala sobrang saya at sobrang excitement ang nararamdaman mo ay masakit sa dibdib iyon. Nanatili ang titig ko sa kanya. "Ako ay... Itinakda sa prinsesa, gusto ko man o hindi." napatigil ako at napayuko. Ibig sabihin, kahit hindi nya ako gusto, ako pa rin ang makakatuluyan nya? Parang... Parang ayoko ng ganoon. Kahit sabihin pa na gusto ko sya at sakin sya, ayoko pa rin ng pilit na pagmamahal lang!

Napaangat muli ang tingin ko ng marinig ko ang mahinang tawa nya. "Buti na lang... Gusto kita." ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na animo gusto na ding kumawala. Shit!

"H-ha? K-kelan pa?" tanong ko, nalilito.

"Hmn. Mula noong napangiti mo ako." seryoso nyang sabi. Napabusangot ang mukha ko. Pinaglololoko lang yata ako nito!

"Hindi ka naman marunong ngumiti e!" maktol ko sa kanya na ikinatawa nya. Napatitig ako. Ang sarap pakinggan ng tawa nya. Ang sitwasyon namin ngayon ay malayo sa nakagawian namin palagi. Ngayon ay okay kami. Ngayon ay hindi kami nag aaway.

"Sa cafteria, noong lumabas tayo." paliwanag nya. I pursed my lips. Trying to stop my lips from smiling. "Gusto na kita noon pa." Amin nya.

"E bakit palagi kang masungit!?" tanong ko bago ipinagcross ang balikat sa ibabaw ng dibdib.

"Because I am already committed to the princess." He sighed, "I can't like or love anyone else dahil pareho kaming masasaktan pag dumating na sa takdang oras na maipakilala ang prinsesa." paliwanag nya. Napangiti ako ng malaki.

"Ako ang... Prinsesa." ngumiti ako ng malaki sa kanya. Napatitig sya sa akin bago unti unti ding ngumiti. We stared at each other for awhile before he embraced me in a hug. Damn, it felt like home. Home... I remember my dad! But, is he really my dad?! Bakit.. Bakit sya ang kasama ko kung... Kung nasa palasyo ang hari!? Inialis ko na muna ang isipan doon at itinuon ko kay faier.

"I... Like you too." amin ko at kinagat ang labi. Bakas sa kanya ang gulat sa mukha bago muling ngumiti at inilapit sa akin ang mukha bago ako halikan sa noo na ikinapikit ko. Humiga ako ay sya ang ginawang unan, sya naman ay sumandal sa puno na nasa may likod nya. Nanatili kami doon hanggang abutin ng umaga. Wala ng ibang nagtangka na humanap sa amin dahil si faier ang kasama ko.

Noong araw din na iyon ay nakatakda akong pumunta sa palasyo kasama ang holy rankers.

Grabe ang kabog ng dibdib ko nang makarating kami sa bukana ng palasyong iyon. Grabe din ang ngiti ng mga kasama ko.

"Excited na akong makita ang hari at reyna!" galak na sabi sa akin ni amira at kumawit sa braso ko. Napangiti ako doon. Nasa unahan namin sina glei at thalina. Sumunod naman kami sa kanila. Kusang bumukas ang napakalaking gate at sa loob at sobra ang mangha ko nang makita ang mga paru paru, alitaptap at iba pang uri nang mga lumilipad na hayop at kumikinang!

Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin si amira. "Anong problema?" tanong ko.

"A-ang sakit ng d-dibdib ko..." hawak nya ang kanyang dibdib sa parte kung saan naroon ang puso nya. Maya maya ay naaninaw ako ang bagay na kumikinang sa kaliwang braso nya!

Naalala ko ang sinabi ng headmistress sa akin, lalong sumakit ng ulo ko.

Tinaas ko ang manggas ng suot nyang gown at kitang kita ko ang pagkinang ng insignia-ng korona doon!

Napaartas ako bago muling napabalik ang tingin sa kanya na nakakunot ang noo.

"Bakit?" tanong nya,

"Amethyst? Amira? What happened?" pansin sa amin nina glei at thalina na nahinto sa paglalakad ng mapansin na napatigil kami.

"Natalisod lang ako!" pagdadahilan ni amira na ikinagulat ko. "Susunod na kami!" dagdag pa nya.

"Ha? Tulungan ka na namin!" pag iinsist ni glei na agad tinanggihan ni amira. Nakatalikod ako sa pwesto ng dalawa at nasa harap ko si amira kaya hindi nila makita.

"Okay lang kami. Wala to!" aniya at dumungaw pa sa mga kaibigan namin para ipakita na okay lang sya. Naniwala naman ang dalawa kaya umuna na.

"Amira..." tawag ko, kinakabahan. "A-ano... to?" turo ko sa insignia.

"I-inborn kasi to..." mahinang sabi nya habang hinahaplos iyon.

Dali dali kong inililis ang manggas ko at ipinakita ang sakin. Nanlalaki ang mga mata nyang tinitingnan iyon.

"A-ano to?" haplos nya sa insignia ko. Iling ang naging sagot ko. Maging akong ay hindi alam kung ano iyon. Hindi malinaw dahil blurred pa sya-kung posible ba iyon. At isa pa, alam kong hindi kami pareho. Ang nakapagtataka, bakit dalawa kaming meron noon?!" M-may napapanaginipan ka ba n-nitong mga nakaraang a-ara---?" naputol ang sinasabi ng tumango sya bilang sagot. "Oh my gad!" bulalas ko.

Posible bang sya ang... prinsesa? Sa aming dalawa, mas malinaw na sya iyon dahil crown ang hugis ng kanyang insignia! Hindi ako nanghihinayang pero... naguguluhan ako. Ano ang ibig sabihin nito?

Paanong pareho kaming nananaginip?

Paanong pareho kaming may birthmark?

Sino sa amin ang prinsesa?

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now