CHAPTER 36

717 26 3
                                    

"Kamusta ang ensayo?" natigil ako sa pakikipaglaban kay abo nang marinig ko ang boses na yon. Lumingon ako at nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya.

"Ayen!?" bulalas ko.

"AMETHYST!" sabay-sabay na tawag sakin ng mga kasama ko kaya napalingon ako dito. Halatang gulat na gulat ang mga iyon.

"Ha? Bakit?" tanong ko pa.

"Walang ibang pwedeng tumawag sa kanya niyan." paliwanag ni thalina sakin.

"Hara o hara anien lang ang pwedeng itawag sa kanya!" segunda ni glei.

Nangunot ang noo ko. Ano daw?

Napalingon kami sa gawi ni ayen nang marinig namin ang hagikhik nya. Nangunot lang lalo ang noo ko.

"Hayaan nyo sya," sabi nito na ako ang tinutukoy. "Binigyan ko sya ng permiso na tawagin ako sa ganoong pangalan," paliwanag nito.

"Bat ka nadit--- wait! Matanda ka na!?"

"AMETHYST!" sabay sabay na sigaw nila sakin na inirapan ko lang. Nagtatanong lang naman ako!

"Bat ka nandito-- ah... no! Bat ka nasa school namin dati?" inis na tanong ko. Pati ako naloko nito e!

Lalo lang nadagdagan ang inis ko ng tawanan lang nya ko bago magpatuloy ng lakad papasok sa loob ng palasyo. Napaismid ako.

Sinundan ko sya sa loob para ipagpilitan ang tanong ko.

"Huy! Bakit nga?" kulit ko habang ang mga kasamahan ko ay nakasunod sa likod ko at si ayen ay nasa harap at kinukulit ko pero hindi man lang ako nililingon.

Ngayon ko lang napansin ang suot nya na normal na dress katulad ng sinusuot nya sa mundo ng mga tao at ang basket sa kanan nyang kamay na may lamang mga dahon na hindi pamilyar sa akin.

"Ayen naman!" kulit ko pa sabay kalabit dito. Si faier sa likod ko ay sinubukan pa kong pigilan pero huli na. Binilisan ko ang lakad para makasabay dito. Inakbayan ko sya.

"Kwento mo na sakin!" pilit ko sa kanya bago ko sya pwershang hinila papasok sa loob ng pinakamalapit na pinto.

"Bat ka nandito, ha?"

"Dito ako nakatira?"

"San ka galing?"

"Mortal world,"

"Ano ginawa mo don?"

Itinaas nya ang hawak na basket.

"Ano yan?"

"Herbal?"

"For?"

"Gamot? Di mo alam?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Bat kita naging kaklase!?"

"Same year? Same school?"

"Ayen!"

"Amethyst!" panggagaya nya ng tawagin ko ang pangalan nya.

Matanda na ba talaga to? Bat utak bata pa rin? Tsk.

Magsasalita na sana ako ulit nang makita kong sumeryoso sya.

"Naramdaman kita noon. Bagamat mahirap pa rin na pag aralan ka dahil naka-seal ang insignia mo, alam kong ikaw iyon," paliwanag nya.

Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya, "A-a-yen.. Anong-- ibig sabihin, kaya ka pumasok doon ay dahil sakin?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi partikular na ikaw ang ipinunta ko roon. Ang totoo, nagpapalipat lipat ako ng lugar. Humahanap ako ng mga taong nabibilang sa akademya ng lugar na ito,"

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now