CHAPTER 38

656 27 13
                                    

I woke up feeling a little bit dizzy. As soon as I open my eyes, malabong puting kisame ang bumungad sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko. Naalala ko ang nangyare.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ng nurse. Naalala ko sya. Isa sya sa nurse ng academy. Nakabalik na ako?

"Bakit ako andito?" I asked.

"Ibinalik ka ng Hara. Hindi kinaya ng katawan mo. Masyado kang nanghina," paliwanag nito habang itinatapat ang laser sa dibdib ko.

"Asan ang iba? Sina faier?"

"Naiwan sila doon. Nagti-training kasama ang Hara. Ngayon na ang katapusan ng isang linggong ensayo kaya marahil ay magtatapos na rin ang kanilang pagsasanay," paliwanag nito.

Isang linggo? Magtatapos? Pero dalawang araw akong naroon!

"Ilang araw na akong andito?" Tanong ko, hindi makapaniwala.

"Limang araw," nagulat ako sa sinabi nya.

"Limang araw na nakahilata ako rito?" Nalulungkot na tumango sya.

"Walang kahit na sino ang makagagamit ng mahika sa lugar na iyon. Nakagugulat na nagawa mong ilabas ang iyong mahika. Ang problema, nabigla rin ang katawan mo sa biglaang paglalabas ng enerhiya nito, bukod don, nagtatalo ang mahika mo at ang lugar. Kulang ka pa sa ensayo at bago sa iyo ang gumamit ng ganoong kapangyarihan kaya sobra kang nanghihina at di mo nakayanan." Mahabang paliwanag nya.

"Pero... paanong nakagamit ako ng mahika? Anong klaseng mahika iyon?"

Napalingon sya sa paligid dahilan para gawin ko din. Lumapit pa sya lalo sa akin.

"Hindi batid ang mahika na iyong gamit. Noong nailabas iyon ng katawan mo, nabungkal ang puno, tila may kuryente ang tubig na nagmumula sa mga dahon nito at sumimoy ang malakas na hangin. Naghahalo ang lahat ng elemento na hindi mawari kung alin doon ang mahika mo," mahaba nyang paliwanag, "Hindi pa maaaring ipabatid sa iba ang tungkol rito kaya sana ay huwag mo na rin muna banggitin. Hindi na iyon kahina-hinala sapagkat ikaw na ang itinuturing na prinsesa pero nakakagulat pa ang klase ng mahika na naipamalas mo," dagdag nito. Naiintindihan ko pero hindi nasagot ang tanong ko.

Ang hara... natalo ako ng hara? Sayang ang tatlong sagot nya sakin.

Napabuntong hininga ako bago umayos muli ng pagkakahiga at bumalik sa pagkakatulog. Hapon na ng magising ako. Iba din pala talaga ang nagagawa ng hologram sa lugar na to. Naiiling akong bumangon at tatayo na sana ng biglang may pumasok roon. Nagulat pa ko pero umayos din ng makitang nurse pala iyon.

"Pinatatawag ka ng headmistress. Okay naman na ang katawan mo. Maaari ka ng lumabas," tumango ako at lumabas doon. Dali dali kong tinungo ang office. Paniguradong andon na sila!

Pero ako pa ang nagulat nang ang bumungad sa akin ay ang nakakunot na noo ni faier habang nakaharap kay amira at si amira na nagsasalita habang nakangiti ng malapad. Nanlamig ako sa pwesto ko. Ni hindi ako makalingon sa iba pa dahil nasa kanila ang atensyon ko.

Close na sila?

"Amethyst!" Tawag sakin ni thalina at glei kaya sa kanila nabaling ang atensyon ko. Napalingon pa ko sa gawi ni faier at napansin kong mukha pa syang nagulat ng makita ako. Anong problema?

Hinayaan ko na lang iyon at hindi ko na sya nilingon ulit. Saktong labas ng headmistress mula pa sa isang silid.

Sa akin na sya mismo nakatingin at tila nananantiya.

"Nais kita kausapin, amethyst," pahayag nito, "kasama sila," aniya sabay turo sa mga kasama ko roon.

Nangunot ang noo ko. Nag iba ang atmosphere sa lugar na yon.

"Ah.. nais sana namin na... mabawi ang kwintas," nag-aalangan nitong sabi. Ang panghihinayang, lungkot at pagsisisi ay bakas sa mukha nya. Suminghap ang mga kasama ko. "Sa araw ng ensayo ninyong lahat, napag-alaman namin na ang tunay na prinsesa ay si.... amira," malungkot itong ngumiti.

Narinig ko ang pagkagulat na reaksyon mula sa kanilang lahat. Napangiti ako. Alam ko. Alam ko na ito mula pa lang. Hindi masakit, hindi mabigat sa loob.

Inalis ko ang kwintas at inilapag iyon sa ibabaw ng lumulutang na mesa.

"Amethyst," pagtawag sakin ni amira. Nagawi sa kanya ang atensyon ko, sa kanila ni faier. Si faier na nakakunot ang noo at tila malalim ang iniisip at si amira na nag-aalala. Napangiti ako. Sa kaibigan ko mapupunta ang taong gusto ko. Napailing ako sa naisip. Nabaling ang atensyon ko sa headmistress.

"Bukod roon, napagpasiyahan ng mga nakatataas na... patalsikin ka sa paaralan na ito," malungkot nyang sabi. Suminghap ang mga kasama ko, rinig ko ang pangungwestiyon at pagkagulat nila. Pero mas ramdam ko ang kabog ng dibdib ko.

Hindi ko naman kasalanan na ako ang paghinalaan nila na prinsesa, hindi ba?

Hindi ako ang kusang humingin ng kwintas at libro,

Hindi ako ang nagvolunteer na sumama sa ensayo.

Pero bakit parang lumalabas na ang lahat ng maling hinala nila ay.. kasalanan ko?

Napangiti ako ng mapait. Hinarap ko ang headmistress bago marahang yumukod bilang pagbibigay-galang at pamamaalam.

Lumabas ako sa silid na iyon na walang nililingon ni isa man sa mga kasama ko. Narinig ko ang pagtawag nila pero binalewala ko iyon.

Ang tanging inaasahan ko ay ang pasunod at paghabol ni faier na hindi nangyare.

Sa hallway ako dumaan patungo sa dorm namin pero ang hindi ko inaasahan ay ang paglabas ng estudyante sa isang silid at walang ano-ano ay bigla akong tumalsik at tumama sa pader. Ang akala ko ba bawal gumamit ng mahika ang estudyante rito?

Napapikit ako sa sakit ng impact pero hindi ko inaasahan ang isa pag pagtalsik ko sa hindi kalayuang puno. Naramdaman ko ang pag agos ng pulang likido na nagmumula sa ilong ko. Ang sakit ng katawan ko.

Unti-unti akong niyakap ng mga ugat at sanga ng puno na iyon. Hindi katagalan ng maramdaman ko ang malamig na tubig na hindi ko alam kung saan nagmula. Nanginginig ako sa lamig at hilong hilo na ako. Pakiramdam ko ay lahat sa paligid ko ay umiikot. Napapapikit na ako patungo sa mahimbing na tulog nang bigla akong makaramdam ng kuryente.

"AAAHHHHHHHH!!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw sa sobrang sakit niyon. Ilang beses na pagsigaw ko at ilang beses na pagtawa ng mga estudyante roon. Natigil iyon nang marinig ko ang sigaw nya.

"ENOUGH!" Baritono at matigas nitong sabi.

Faier...

Sumunod ka, pero huli na.

Hindi kita kailangan...

Bago pa man tuluyang mandilim ang paningin ko ay nakita ko pa ang paglibot ng apoy sa akin.

"Amethyst!" Tawag ng mga kaibigan ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Ayoko na sa lugar na to...

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now