CHAPTER 18

1.3K 50 0
                                    


-----

Napabalikwas ako ng bangon habang habol-habol ko ang aking hininga.

Panaginip!

Isang masamang panaginip!

Tumingin ako sa paligid at ang una kong napansin ay ang kasama ko. Si Faier.

Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa monitor. Tumingin naman sya sa akin at lumapit tapos tinagtag nya ang kung ano man na nakadikit sa braso ko.

Ako naman e naghahabol pa rin ng hininga. Feeling ko isang oras akong hindi huminga kanina mygad! Kung namatay ako, ano na lang sasabihin nila kay daddy?

Na si amethyst e namatay kasi nalimutan huminga!?

Shocks!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa sarili ko. Suot ko pa rin ang uniform at wala akong galos sa katawan. Ni hindi ko rin naramdam na may masakit sa kung saang parte ng katawan ko. Ang ipinagtataka ko nga lang ay ang paghinga ko dahil hindi ito normal pati na ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Congratulations newbie." Sabi nya na ipinagtaka ko. Ang lamig pa rin ng boses nya.

"What the hell had just happened?" Naguguluhan kong tanong.

"You pass the final test."

"W-what!?" Napaisip ako. At dun ko lang narealize na ngayon pala ang final na exam ko. H-hindi k-kayaa? Owmaygad! pero bakit wala akong ibang maalala nung mga panahong yun?!

"I-ilang araw na akong n-natulog?" Tanong ko.

"Tatlong oras ka lang natulog." Sagot nya.

"A-ano!? E tatlong araw akong andun!" I freaked out! Geez. Anong nangyari!?

"Isang araw doon ay katumbas ng isang oras dito."

"A-anong nangyare?"

Sumenyas sya na tumayo ako. Grabe! Ni hindi man lamg ako tulungang tumayo! Tsk

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya

"Nakikita mo ba yan?" Tanong nya. I rolled my eyes heavenward.

"Geez. Malamang nakikita ko! Hindi ako bulag!" Reklamo ko! He's stating the obvious!

Tiningnan nya naman ako ng masama. Matapos ng pinagdaanan ko sa panaginip na yun e hindi na ko natatakot sa kanya tss

"You were inside the illusion. Tatlong buhay ang meron ka. See this heart shape?" Tinuro nya yung tatlong heart sa monitor. Yung dalawa e puno ng pula at yung isa e parang malapit na maubos. Tumango ako.

"These are your lives. See this one? *turo sa heart na malapit na maubos* it means na muntik ka ng mamatay." Dire-diretso nyang sabi na parang wala lang yun habang ako ay nanlalaki ang mga mata.

"ANO?! AKO?! MAMAMATAY?! BAKIT?! AKALA KO BA ILLUSION LANG??!!" Sigaw ko sa kanya kaya naman bahagya syang napaurong at napatakip sya sa tenga nya.

"You're too loud!" He hissed.

Nang magsasalita naman na ulit ako e pinandilatan nya ako at tiningnan nya ko ng masama kaya naman bahagyang tumiklop ang dila ko at napatahimik kaya nagpatuloy sya.

"And since napatay mo ang pinuno ng kalaban mo sa last stage bago ka pa malagutan SANA ng hininga, e hindi ka tuluyang namatay kasi napatay mo na sya bago pa tuluyang maubos ang pula sa heart na yan." Napairap naman ako sa kanya kasabay nung pag-emphasize nya sa word na 'sana' tsk.

"At kung di ko sya napatay?"

"Ikaw ang mamamatay. Mauubos ng tuluyan ang pula sa heart na yan at mako-consume ang kasunod. Magbabago ang settings ng story at magsisimula ka sa umpisa. Lahat kayo ay kelangan pumasa sa tatlong stage ng sunod-sunod at hindi namamatay. At ikaw pa lang ang nakakagawa nun sa unang try mo pa lang."

"Oh tapos?" Tanong ko. Tiningnan nya naman ako na parang di makapaniwala.

"Nakikita din sa monitor na to kung ano ang nangyayare sayo at kung ano ang mga NAIISIP mo habang nasa loob ka nung illusion." Nanlalaki naman ang mata kong tumingin sa kanya. Mygaaad! Ibig sabihin nabasa nya ang katakawan at kalandian na nasa isip ko nung mga panahong yun! Geez.

"Pano pala kung di ko natapos yun at naubos na lahat ng heart na yan?" Curious kong tanong.

"Nakikita mo ba to?" Turo nya sa parang oras na nasa baba ng monitor. I rolled my eyes again. Eto na naman. Nagtatanong pa sya e alam naman nya ang sagot.

"Eto ang oras kung gaano pa ang itatagal ng buhay nyo sa loob. At kapag hindi mo nagawa yun at yung last na heart na lang ang ginagamit mo. I will press this button *turo sa red button na nasa taas ng mga heart* kapag 2seconds na lang ang natitira---"

"ANO?! E a-anong mangyayari kapag hindi napindot yun?"

"Mamamatay ka." Parang wala lang na sagot nya habang nanlalaki na naman ang mga mata ko.

"WHAT THE HELL!? NAPAKARISKY NG 2SECONDS! HINDI NYO MAN LANG BA NAISIP YUN HA!?" Galit kong sigaw.

"Kaya nga binabantayan naming mabuti diba!? At hindi ka naman umabot sa ganun kaya anong ikinagagalit mo?!" Inis nyang tanong sakin.

O-oo nga naman. H-hindi nga naman sakin nangyare. But still!

"E pano kung sa iba nangyare yun ha?! Anong magagawa nyo?!" Hamon kong tanong sa kanya.

"Labas ka na dun. It is the council's problem, not yours. Now, follow me and we'll send your score." Naiinis pa ring sabi nya at nauna ng lumabas.

Mygad! Parang hindi ko matatagalang kasama ang lalaking to ah!

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now