Nagising ako nang maramdaman ang kamay na humahaplos sa ulo ko.
"Sorry princess," hinging paumanhin ng daddy ko. Bagamat nakangiti ng bahagya ay bakas pa rin ang pag-aalala at lungkot sa mukha nya.
Tumitig ako. Ngayon, napagtanto ko na kaiba ako sa lahat. Hindi man ako katulad ng mga nasa akademya, siguradong hindi rin ako tulad ng normal sa mundo ng mga tao.
"What am I, dad? Who am I? Anak mo ba talaga ako?" tanong ko.
Doon sya napangiti ng mas malaki lalo na ng mangunot ang noo ko.
Tumango sya. "Of course I own you. You do really look like someone...."
"Who?" curious na tanong ko.
He was about to open his mouth when the nurse came in.
"Gising ka na pala," bati nya sakin bago bumaling kay daddy, "sorry sir, kelangan ko na kasi syang icheck," magalang nyang paliwanag dito.
Bahagyang yumukod si daddy at marahang tumango bago marahang naglakad palapit sa bangko roon.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay lang po,"
Tumango sya at may itinapat lang sa buong katawan ko, mula doon ay may mga result na lumabas na animong lumulutang sa ere. Tiningnan ko ang mga yon pero wala din naman akong maintindihan kaya pumikit na lang ako.
"You need to rest for awhile bago ka maialis dito. Ang puno na yon ay hindi basta basta. Alam mo yan. Kaya naman dahil malakas ang tama mo ay nangangamba akong baka may naapektuhan sa katawan mo pero sa resulta na nakita ko, okay ka naman na. Ipahinga mo lang ng saglit pa. " paliwanag nito at tanging pagtango lang ang sagot ko. Wala rin naman akong magawa kaya naman balak ko na lang matulog ulit.
-
"---na hindi naman yata tama?"Nagising ako at nakarinig ng mahinang boses na nagmumula sa kanang bahagi ng hinihigaan ko. Sinubukan kong magmulat pero malabo ang paligid na nakita ko. Aagawin ko na sana ang atensyon nila ng mahinto ako dahil sa narinig.
"Bakit kelangang paalisin si Amethyst? Sa pagkakatanda ko ay iba ang patakaran sa akademyang ito. Sigurado ako noon na malinis at mapagkakatiwalaan ang akademyang ito pero bakit parang biglang bumaliktad ang ugali ng ilan?" boses ng ama ko.
Paaalisin?
"Huwag kang magpadalos dalos ng salita. Buong akademya ang binabatikos mo!"
"Ipinagkatiwala ko sa kamay ninyo ang anak ko da pag-aakalang matutulungan nyo sya." aniya.
"Pero magagambala ang lahat at mangangamba sa kung paanong gumagana sa kanya ang kwintas ng prinsesa, bukod roon, hindi tukoy ang kapangyarihan na meron sya." malungkot ang boses na sabi nito.
"Matalino at malinaw ang pananaw ng anak ko. Lahat ay maiintindihan nya kung ipapaliwanag ng mabuti. Ganoon ang pagpapalaki ko."
"Sino ang kanyang ina?"
Nagulat ako sa tanong na iyon. Sa gulang na hanggang sampung taon ay halos buwan-buwan kung itanong ko iyon pero isa lang ang sagot na nakukuha ko.
"Malalaman mo sa takdang panahon," ang palagi nyang sagot.
Malalaman ko na ba iyon ngayon?
Pero bigo ako.
"Paano akong magbibigay ng impormasyon gayong pinaaalis nyo ang anak ko sa akademya. Sya ang poprotekta pero sya ang itinataboy." batid kong nakangisi na ang ama ko sa paraan ng pananalita nya.
Ako ang poprotekta? Ako? Ako ba ang tinutukoy nya? Bakit ako?
"Anong... ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ng kausap nito.
"Malalim na ang gabi kaya mauuna na kami ng anak ko," paalam ng ama ko ng hindi man lang sinasagot ang tanong ng kausap.
"Ano ang gusto mong iparating sa sinabi mong iyon?" giit ng kausap nya.
"Kalimutan mo na. Hindi na iyon mahalaga dahil mula ngayon ay aalisin ko na ang anak ko sa pangangalaga nyo," pinal nyang sabi. "Amethyst let's go." aya nya sakin.
Babangon na sana ako ng maalala kong nagtutulog-tulugan nga pala ako!
Kumakausap si daddy ng tulog---
"Alam kong gising ka amethyst. Halika na," kunway sabi nito. Napabuntong hininga muna ako bago magmulat ng mata at tumayo. Hindi ko na nakita pa ang kung sino mang kausap nya. Ang bilis nya mawala!
"N-n-na... kick out ako?" naguguluhang tanong ko rito habang palapit ako sa pwesto nya malapit sa may pinto.
Bumuntong hininga si daddy na para bang pagod na pagod na sya sa lalim niyo.
"Uuwi na tayo daddy?" tanong ko ng makalapit. Tanging tango lang ang isinagot nya sakin at hinaplos ng marahan ang buhok ko bago ako hagkan sa noo at igiyang maglakad palabas.
Maliwanag sa loob na aakalain mong maaga pa pero sa labas ay madilim na. Senyales na gabi na. Mukhang matagal ang tulog ko.
"Aalis ka ng walang ibang nakakaalam amethyst," kunway sabi nya.
Tumango ako.
Naiintindihan ko iyon. Maging ako ay gusto na ganon din ang gawin para walang ibang sagabal sa pag alis ko. I might choose to stay kung makikita ko sila.
Nasa may gate na kami nang makita namin doon si amira at faier. Napabuntong hininga ako.
Anong nangyayare?
Hinila ako ni daddy sa sulok kung saan sa madilim na parte para hindi nila makita. Ngayon ko lang din narealize na wala pala kaming dala kahit isang gamit. Bakit?
Hindi naman sila nagtagal. Saglit pa silamg luminga sa paligid bago tuluyang umalis doon at mukhang patungo sa headmaster's office.
I sighed. Parang ang gulo ng nangyayare. They put me into this situation and then blame me for being here. What's wrong with them?
Sila mismo ang nagsabi na ako ang nawawalang prinsesa, isinama ako sa training, kinalaban ako ng hara, tapos pagbalik ko, bubungad sa akin na hindi daw ako ang prinsesa, well, alam ko na iyon pero yung ako mismo ang paaalisin nang dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa, isn't it too much? And now, I was having a hard time figuring out why faier has always been with amira. They aren't that close before, right? Faier used to be a stone cold person and always not on the mood to talk with them but what now?
Ipinilig ko ang ulo ko at mas binilisan pa ang lakad paalis doon.
I don't belong here.
Ni hindi ko alam ang kapangyarihang taglay ko. Ni hindi ko alam kung ano ako.
I was kicked out. And yeah, I might as well not go back to the same place who throw me out when I was weak and still clueless.
I won't hold any grudge. I will use this as a motivation to be more stronger, bolder and wiser on my own way or maybe, with the help of my dad.
Isang hakbang pa ang ginawa ko at tuluyan nang nakalabas ako sa paaralan na iyon. Naramdaman ko din ang napakalakas na enerhiya noong matapat ako sa mismong gate na iyon bago makalabas. Is that a barrier?
"Let's go!" agarang sabi ng daddy ko at hinila na ako at nagkubli sa hindi kalayuang puno. Naguguluhan akong tumingin sa kanya at sinundan ang lugar kung saan sya nakatingin, sa loob ng akademya.
Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang maraming estudyan ang naroon at maging ang mga guro. Nakita ko rin ang pagtakbo ng mga kasamahan ko sa may gate. Nasa gitna ang headmaster na nakatingin sa direksyon namin. Nakikita nya ba kami?
Nawala roon ang atensyon ko nang hilahin na ako ni daddy paalis roon. Nang makailang hakbang at nilingon kong muli ang lugar na iyon at nakita ang unti-unting pagsara ng akademya... sa amin, sa akin.
Paalam.
---
HELLO! THIS CHAPTER IS FOR YOU GUYS WHO COMMENTED ON MY STORY. NAAPPRECIATE KO NG SOBRA. NAKAKAMOTIVATE GUMAWA NG MAS MARAMI PANG CHAPTER T_T
THANK YOU! STAY SAFE ALWAYS. LOVELOTS! <3

YOU ARE READING
ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)
FantasyALISTAIR ACADEMY ------ Every beginning has an end. But the what-so-called end is just the beginning. Everything starts from the start. But their story begin from the end.