"San ba talaga ako lilipat daddy? Okay na ko sa school ko. I'm the top of the class. Why do you even bothered yourself na ilipat ako ng school?" I asked dad.Magkasama kami ngayon dito sa kotse. Nagdadrive sya. And yes, I am very much aware that I do sound like a spoil brat right now.
"Because this is the best for you. " he said then smiled.
My dad is so sweet and loving.
I love him to the point na lahat ng gusto nya sinusunod ko. And as a result, laging sya ang tama.
Katulad ngayon. Kanina pa ko curious kung san na talaga kami pupunta tapos di naman nya sinasabi.
"Pero dad. Ayaw kong magdorm. Gusto ko mag-isa lang. You know me, ayaw ko ng may ibang kasama!" Pagmamaktol ko sa kanya.
"Princess, you need to learn how to socialize with others. Paano ka na pag nawal ako?" Sabi nya sa makalmang tono. Ito ang pinakaayaw ko sa mga sinasabi niya. Kung makapagsalita siya para bang lagi na lang siyang mawawala bigla.
Hindi na ko nagtanong pa sa kanya kase mukha namang wala syang balak na sabihin saken kung san na talaga kami pupunta.
Kung di ko to daddy, kanina pa ko nagfreak out. Baka nga nasaktan ko na sya e. Kaso si daddy to. Perks of being a daddy's girl, I think?
"We're here. " sabi ni daddy after an hour. I instantly rolled my eyes bago ilibot ang tingin.
"WHAT?!"
Napatakip naman si daddy sa tenga nang sumigaw ako.
Pano ba namang hindi? Puro puno ang nakikita ko. Mukhang gubat.
"Behave, Ria." saway nya.
"I'm not a dog dad." Sagot ko naman na ikinailing niya, "Dad, can you tell me again the reason why we are here?" I asked. I don't know if this is a prank or something but I feel weird and it's freaking me out!
"You're transfering school?" Sagot nya na parang hindi sya sigurado.
"Hayst. Let's go dad--" Owemgee. I forgot... "Bat ba tayo andito dad? I mean. Pano naging school to e puro puno lang naman ang nandito!? Pinagtitripan mo ba ko!?"
"Mukha ba kong nagbibiro? Daddy mo ko Ria. Wag mo kong sigawan." Sabi nya naman.
Oh! May sinabi ba akong di ko sya daddy? Tss
"E kase naman, pano ba naging school to? Heller!??? Walang buildings na nakatayo oh. Walang classrooms. San ako mag-aaral? Uupo sa damuhan? Tsaka asan ang dorm? Don't tell me nakatent lang kami. Tapos wala man lang katao-tao rito. Ibig sabihin, wala akong kaklase?" Dire-diretso kong sabi.
"An dami mong reklamo. Pwede bang wag ka munang magdadaldal dyan? Manang-mana ka sa mommy mo e."
Oo nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit si daddy lang ang kasama ko, wala na si mommy e. Namatay sya.
Basta mahabang storya!
Nagsimula naman na syang maglakad papasok sa loob.
"Dad wag na lang kaya tayong tumuloy? Baka madaming hayop dyan e. Tapos ang dumi-dumi pa."
Pero di nya ko sinagot. Ang famous naman ni daddy. Snobber na. Tsk
After how many minutes.....
"Dad magpahinga naman tayo. Ang pagod maglakad pataas e." Reklamo ko saka umupo.
Totoo naman e.
Mapagod maglakad pataas. Tsk. Ako ba kaseng klaseng school yan!?
Di na nakakatuwa ah. Buset.
"Malapit na tayo. Tumayo ka na dyan."
Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi nya kaya naman tumayo na agad ako at sumunod sa kanya.
After almost 15 minutes.....
"Finally, we're already here." Sabi nya.
Napakunot naman ako ng noo ko.
"Daddy naloloka na talaga ako sayo ah. Ano bang problema mo dad? Nakadrugs ka ba??!" Bigla naman syang tumawa sa sinabi ko.
Baka nga nakadrugs ang daddy ko?
O_________O
Wala naman kaseng building dito.
Wala yung school.
Puro magkakadikit na puno lang ang nakikita ko sa harapan ko.
=____________="
Ng makamove on na si daddy sa pagtawa nya ay lumapit sya dun sa mga puno.
Tiningnan ko naman sya ng mabuti.
Hinawakan nya yung puno sa gitna na may nakaukit (?) Na crown.
Di ko napansin kanina.
Tapos may lumabas na parang hologram?
COOL! *___*
Teka. May password? SOSYAL!
Ano ba yung school nila? Ginto?!
May password pang nalalaman kala mo naman nanakawin.
Tapos andito pa sa parang bundok!
Kala mo naman napakagand------
"OWEMGEEEEEEE!!!!" ANG GANDA *_* Swear. Bigla na lang kaseng nagbukas e.
Alam nyo yun? Biglang humawi yung mga puno? Super cool!
Pagkabukas, Garden ang makikita mo tapos may daan sa gitna.
Ang laki at ang taas ng school nila. Pero teka.
Bakit di kita sa labas????
"Dad panaginip ba to?" Tanong ko bigla.
"No. This is reality Ria." Sabi nya habang sobrang lapad ng ngiti. "Magpatuloy ka na Ria. See you on vacation."
"Samahan mo na kaya muna ako sa loob dad? Mukha namang may alam ka e." Sabi ko and I smile genuinely.
"Sorry. Alam mo naman na busy ako diba? Lumakad ka na. Dont do anything wrong. I love you princess." He said then started to walk back from where we came.
Pagkalagpas nya sa may mga puno, humarap sya saken.
Then he wave while the door was closing.
"You'll do good." was the last thing that he said and then the door close.
You'll do good? Ano yun?? Whatever.

YOU ARE READING
ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)
FantasiaALISTAIR ACADEMY ------ Every beginning has an end. But the what-so-called end is just the beginning. Everything starts from the start. But their story begin from the end.