CHAPTER 30

874 32 3
                                    

6:30 am pa lang ay nasa cafeteria na ako. Hindi ako makatulog ng maayos lalo na at napanaginipan ko na naman yung isang pamilya na mukhang royalties.

I finished eating as fast as I could and have decided to go to my favorite place- garden.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at hindi ko na alam kung anong oras na. I don't know how they do this pero may araw at gabi sila, even stars! Hologram, probably.

Weeks and months passed by and I'm still having a dream ahout that royalties. Medyo tanggap na ng iba na kasama ako ng mga royalties but some were still against it. Hindi lang nila ako magalaw dahil pinoprotektahan ako ng mga ito. My training with faier seems okay, well, okay na para sa akin yung palagi kaming nagkakasagutan pero atleast natuturuan nya ako. Ang nakakairita lang talaga ay yung hindi nya mapigilan ang sariling saktan ako ng pisikal lalo na kapag naiinis na sya sakin!

"Oh, tama na! Pagod na ko, oh. Bukas naman!" reklamo ko bago umalis sa gitna ng room at para kumuha ng maiinom sa bag na dala ko. Syempre may dala ako, may mga libro nga rin ako na dala na hiram ko sa library e. I'm reading histories about this place para hindi ako tatanga tanga.

Inis nya akong binalingan ng tingin. "What?" tanong nya ng nakakunot ang noo.

"Tapos na ang practice!" deklara ko.

He laughed mockingly. Nitong nagdaang buwan, hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o matakot sa ibat ibang expression na nakikita ko aa mukha nya e. Tinanong ko ang mga kaibigan ko pero di naman daw nagbabago mukha nito. Lakas ko naman pala. Yun nga lang, parang di nakakatuwa lalo na kung ang makikita ko namang expression ay inis, irita at galit! Kung ngumingiti o tumatawa naman sya, jusko, puro sarcastic!

"Did I tell you to stop already?" he asked in a  serious voice. Ito talaga yung kinakatakutan ko sa kanya e! His voice is intimidating and makes me shiver. Grr

"Napapagod na ko, oh," lahad ko sa katawan kong pawisan, "Hindi ka ba naaawa sakin?" i pouted na mabilis din namang inalis ng makita ko ang talim ng tingin nya

"You can't leave just yet. We're not yet finished." iyon ang sinabi nya bago pumwesto na parang aatake. Unang beses nyang ginawa ito ay tinawanan ko lang dahil akala ko ay kalokohan pero nang tumakbo sya palapit sa akin noon para suntukin ako ay automatikong napalayo ako! Mula noon, palagi ko nang sineseryoso bawat sinasabi nya! Puro hand combats lang ang itinuturo nya dahil hindi ko pa alam powers ko. Unang training din na iyon nang magkapasa at namaga ang braso ko. Isa sa mga kaklase namin ang may kakayang gumamot pero dahil di pa nya gaanong alam ay ako ang napagpractice-an! Sya ang pinakamasungit sa lahat. Pero nang napagaling nya ako ay nakipagkasundo na sya sakin na maging kaibigan. Nang dahil daw kasi sa katangahan ko ay nagamit nya ng ayos ang powers nya. Wow lang.

Everything was going well in the academy. Palagi pa rin ang bangay naming dalawa ni faier dahil sa pangit nyang ugali.

"Isasama ka na namin sa missions, amethyst." bilin ng headmaster. Ipinatawag nya ang royalties at kasama ako.

"Po? Pero hindi pa po sya magaling!" bwelta ni Amira na agad kong ikinalingon.

Minamaliit ba nya ako!?

"Oo nga po. Wala po syang alam!" dagdag pa ni thalina bilang pagsang ayon sa kaibigan namin. My mouth dropped open at napahawak pa ako sa sentido ko sa gigil at inis sa dalawa. Kaibigan ko ba sila!?

"Oo nga po ma'am. Kaibigan po namin sya kaya alam po namin na mahina sya!" si glei naman.

At wow, sinabi pang kaibigan ako pero nilait din ako sa huli. Magaling.

Hindi ko na napigilan. Napatayo na talaga ako habang ang kanang kamay ay nakasapo sa noo ko at ang kaliwang kamay ay nasa bewang ko. "HAH!" paghinga ko ng malakas. Lahat sila ay nasa akin na ang atensyon maging ang headmaster at ang kanyang assistant, parehong natatawa pa. Pinagtutulungan nila ko!

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now