CHAPTER 37

720 29 0
                                    

Apat na oras ang tulog ko nang gabing iyon. Gumising ako ng hatinggabi nang walang nakakaalam. Binigyan kami ng tig iisang kwarto sa loob ng palasyo. Sa laki ba naman ng bahay na iyon ewan ko na lang kung pagsasamahin pa kami sa iisang kwarto.

Kinuha ko ang nakita kong gray na hoodie sa loob ng closet- hindi ko alam pero sukat na sukat sa akin iyon.

Lumabas ako ng palasyo at bumalik sa training grounds. Mayroong parte doon na may mga automatic na kalaban. Sa malaking grounds na iyon, sa pinakagilid ay may isang malaking room.

Pumasok ako don at nakitang maliwanag ito. Naalala kong ipinaliwanag ni faier kanina na pipindutin mo lang ang button sa gilid ng pinto.

White para sa easy

Blue pala sa normal

Green para sa middle

Red para sa hard

Kumuha ako ng espada sa gilid ng room tapos ay inactivate ko ang easy. Unti unting lumabas ang limang statue na may hawak na espada at isa isang sumugod sakin. I can't rely on my powers dahil di ko pa alam kung ano ba iyon. Susubukan ko mamaya pagkatapos ko rito.

One statue attack me and I swayed my sword smoothly and cut it into two. As soon as I cut it, it disappeared. Masyado akong naexcite na hindi ko na napansin ang pag atake sakin ng kasunod na statue. Muntik na kong matamaan kung hindi ko iyon nasalag gamit ang espada ko. Sunod kong ginawa ay ang pag-ikot palikod bago ko isinaksak ang espada sa gawing puso nito. Three more statues and I'm done with easy level.

Cutting the statue into pieces, I now tried the normal. Statue pa rin pero ang pinagkaiba, hindi lang iyon lima kundi sampo. Dala-dalawa ang atake.

My father taught me how to fight. Wala akong ideya kung ano ba talaga ang nangyayare noon dahil sya mismo ang nagdecide na magaral ako ng judo, karate, and even using swords! Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay ang bow and arrow. Hindi sa pagyayabang pero magaling ako umasinta. Minsan pa, si daddy na mismo ang nakakalaban ko. He taught me very well.

I slashed my sword left and right, cut them into pieces, and finish my match. Sinubukan ko iyon hanggang makarating ako sa hard. Sobrang hirap kasi lahat ay sabay sabay ang atake, bukod pa don, may mga binabato pa sakin na kelangan kong ilagan dahil talagang tatamaan ako kung hindi ako iiwas.

Matapos ang training na yon ay tumigil din ako. humihingal akong nagpahinga sa gilid nang maisipan kong subukan kung ano man ang kapagyarihang meron ako.

Maybe, meditation? I closed my eyes, my legs across, indian position and started concentrating. Sa una, madilim, ikinalma ko ang sarili ko at doon ako unti-unting nakaramdam ng kakaiba. Parang may umiikot sakin. Sa takot ko ay halos mapamulat ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko to, ginusto ko to. Kelangang matapos ko. Marami akong gustong malaman. Ang laban na mangyayare ang magagamit ko para masagot ang mga tanong ko.

"Enough amethyst," hindi pa man ako nakakatapos ng may magsalita sa likod ko. Agad akong napamulat at nakita kung gaano kadiin ang tingin sakin ni faier. Damn.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"What are you doing here?" Balik tanong nya.

"I-i was..."

"Killing yourself?" Galit na tanong nya. Napamaang ako.

"What?"

"Black fairies were surrounding you. Nung nagsalita ako, nawala lahat."

Hindi ko alam ang sasabihin. Kaya ba mabigat ang pakiramdam kanina? Black? What the hell?

"Hindi ko alam..."

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now