CHAPTER 16

1.5K 48 5
                                    


Nagising ako ng maramdaman ko ang lamig sa talampakan ko. Nasan ako?

Napabalikwas ako ng bangon at nagulat ako sa nakita ko!

Dagat..

Ibang lugar.

P-panong-?

Tumungo ako at tiningnan ang katawan ko. Gusot at sira na ang suot kong damit. Ang dumi ko na. Ang lagkit ko na din. Meron pa rin pala akong bakas ng dugo nung halimaw na naencounter ko noong isang araw.

Si lola...

Patay na si lola.

Hindi ko man lang sya natulungan.

Hindi ko sya tinulungan.

Kasalanan ko kung bakit sya namatay!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na ako ng iyak.

Napasabunot ako sa sarili ko.

Kasalanan ko lahat to!

Napatigil naman ako sa ginagawa ko ng biglang may magsalita sa bandang gilid ko

"Anong ginagawa mo?" Inosenteng tanong nya.

Nanlalaki ang mata ko ng mapatingin ako sa kanya.

Kinusot ko ang mata ko at tumingin uli dito. Nakangiti naman sya sakin.

SH*T!

Napatayo naman ako bigla at tumakbo palayo sa kaniya.

Bahagya naman syang nagulat sa inasal ko.

"A-anong problema? Natakot ba kita?" Tanong nya na parang naguguluhan.

"A-ano kaaa?!" Takot kong tanong sa kanya

"H-ha?" Naguguluhan naman nyang tanong pabalik sakin.

"B-bakit ka m-may b-buntot!???" Tanong ko habang nakaturo sa buntot nya at dinuro-duro ko pa sya

"Uh? Kasi i'm a mermaid?" Parang hindi pa sya sigurado sa sagot nya.

What the heck!?

Is this even for real!?

Ano bang klase tong pinasok ko!?

Pinagmasdan ko naman sya. Maganda sya. Katulad ng napapanuod ko sa tv noon, yung damit nya ay yung parang shell ang design na ang natatabunan lang e yung ano.. yung alam nyo na.. kayamanan natin sa taas? Hehe. Mahaba ang buhok nya. Ang buntot nya ay kulay ginto. Ginto nga kaya yun? E kung bumawas kaya ako sa kaliskis ng buntot nya at ibenta ko? Yayaman kaya kami lalo ni daddy?

"Halika na. Kanina pa nila tayo hinihintay." Malambing nyang sabi sakin.

"A-anong hinihintay?! Maghunos-dili ka nga! Hindi kita kilala kaya paanong may naghihintay sakin!? Umalis ka na dito!" Sigaw ko sa kanya

"Ha? Pinapaalis mo po ako sa teritoryo ng pamilya ko?" Nagtataka nyang tanong. Bakit ba parang napakainosente nya? Tsk

"Bakit ba kasi ako nandito! K-kagabi lang w-wala naman ako dito k-kasi nasa t-taas ako ng b-buildi----" napahinto ako sa sinasabi ko ng marealize ko na hindi ko alam kung pano ko sasabihin na nasa building ako na lumulutang!

Tumingin naman sya sakin na parang hinihintay kung ano man ang kasunod kong sasabihin.

"Ahh. Wala. Nevermind. By the way, s-san mo ba ko isasama?" Tanong ko para maiba ang usapan. Sa tingin ko naman kasi, harmless sya.. Sana

"Sa kaharian namin. Pinapunta ako rito ni Ina at sabi niya na sunduin kita dito." Sabi pa nya. Naguluhan naman ako.

"Naku! Baka hindi ako yun! Nagkakamali ka. Hintayin mo lang. Darating din yun! H-hindi talaga ako yun!" Pagtanggi ko pa. Napadpad lang naman ako dito e. Baka hindi ako yung inaasahan ng ina nya diba?

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now