CHAPTER 41

739 28 29
                                    

"DAAAAAAAAD!" sigaw ko habang namimilipit sa sakit.

Hawak hawak nya ako sa kamay at doon ako kumukuha ng lakas sa puntong maging ang kamay nya ay namumula na ng sobra.

Saktong alas dose ng madaling araw ng magising ako sa kirot na nagmumula sa insignia ko at habang tumatagal iyon ay lalong sumasakit.

"Calm down, Amethyst."

Pagpapakalma nya pero maging ang boses nya ay natataranta at parang nahihirapan din.

Lalo pa akong namilipit ng lalong kumirot at sumakit ang gawing nasa insignia ko. Humawak ako lalo kay daddy. Ang kanan ay sa kamay nya at ang kaliwa ay sa bedsheet.

Ramdam ko ang lalo pang pag-iinit ng buong katawan ko at kasabay niyon ay parang may humahalong lamig. Hindi ko mawari ang pakiramdam ko.

Nagpabaling-baling ako kaliwa't kanan, animong hindi alam kung saan pupwesto ng kumportable.

Bumitaw ako sa bedsheet upang punitin ang tela ng damit na nakatabon sa aking insignia.

Hindi ko alam kung dahil ba sa lakas ko o dahil nakamamanhid ang sakit kaya di ko na naramdaman ng punitin ko yon gamit lang ang isang kamay na parang papel lang ang pinupunit.

Nanlalaki ang mga mata ko ng malingunan ko sa salamin ang repleksyon ng aking insignia.

Katulad ng dati ay magulo ito at hindi na matukoy kung ano. Pero isa lang ang sigurado ako. Mula sa insignia ko ay animong sumasayaw ang apoy, tubig, hangin at maging ang lupa! What the hell!?

Kakaonting piraso iyon na parang pinagkasya lamang kung gaano kalaki ang aking braso.

Masyado akong nahalina sa nakita kong ganda niyon kaya isang napakalakas pang sigaw ang nasambit ko ng biglang naging intense ang mga kulay at sa gilid ng bawat isa ay ang kulay violet na animo nagliliyab din.

Magandang pagmasdan pero grabe ang sakit.

Umupo ako sa gilid ni daddy na ngayon ko lamang nalaman na nagca-cast ng spell. Kaya pala medyo nabawasan ang sakit kanina pero hindi sapat. Sobrang sakit pa rin na para akong napapaso.

Lumapit ako sa salamin. Animong parang nakangiti sa akin ang mga kulay na iyon.

Isang matinding kirot sa buong katawan ko ang nagpasigaw at nagpapikit sa akin.

Makalipas ang sandali ay nabawasan ulit iyon. Nilingon ko ang ama ko at laking gulat ko na hanggang ngayon ay nagca-cast pa rin sya ng spell ngunit ang mata nya ay kulay abo! Sa gilid nya ay animo may kulay puti na parang pakpak na nagkukulay dilaw! Anong nangyayare?

Bumalik ang atensyon ko sa salamin nang maramdaman ang dagdag na kirot sa akin at ganoon na lang ang gulat ko ng ang mata ko ay intense violet ang kulay! Pumikit ako at sa muling pagmulat ay naging abo iyon katulad ng sa daddy ko! Isang pikit pa ang inulit ko at bumalik iyon sa pagiging violet.

Bumalik ang tingin ko sa daddy ko at lalong naging intense ang kulay puti sa paligid nya. Ang mga kurtina ay sumasayaw kahit na walang hangin sa kwarto ko. Ang babang parte niyon ay nagliliyab.

Pakiramdam ko ay parang may humahalukay sa loob ng katawan ko at paulit ulit na hinahampas ang katawan ko sa sobrang sakit.

Isang malakas na sigaw pa ang napakawalan ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Okay ka lang ba?" ang unang tanong na bumungad sakin nang magmulat ako ng mata.

Nangunot ang noo ko. Ang mukha ni Eya ay nakatapat pa ang mukha sakin na parang sinisipat ako kaya naman itinulak ko ang mukha nya gamit ang kamay ko.

"Mukha ba kong okay?" Angil ko na tinawanan lang ni Tria.

"Oo! Mukhang okay! Natulak mo nga mukha ko ng malakas. Bwiset ka!" Duro sakin ni Eya.

Inirapan ko na lang sya bago ko napansin ang kinahihigaan ko.

"Nasa hospital ba ko?" Tanong ko. Sa sobrang OA nila pareho, sabay pa dila napa-facepalm. Napairap ako ulit.

"Ineng, nasa bahay pa rin ikaw. Katanga mo. Tatanggapin ba yang case mo sa hospital ha?" Sumbat ni Tria.

"Bat kasi puti ang kulay ng kwarto?" Inis na tanong ko.

Sabay nila akong tinalikuran at sabay din silang naglakad palabas ng kwarto. Aarte hmp!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala naman na ang sakit. Maayos na ang pakiramdam ko na animo walang nangyare. Dali dali akong nagtungo sa salamin na naroon at unti-unti kong inangat ang braso kung nasaan ang insignia ko. Nakapagpalit na pala ako ng damit. Marahil ay binihisan ako ng dalawang bruha na yon. Itinaas ko ang manggas at hindi ko alam kung matutuwa, mamamangha o kakabahan ba ko sa nakita ko.

Nagbago ang insignia ko. Pamilyar na pamilyar ito sa akin. Nagmistula itong mapa ng buong lugar sa magic world. Pamilyar ito dahil nakikita ko ito sa bawat libro na naroon maging sa mga binasa ko at maging sa librong ipinahiram sa akin ng headmistress.

Pero bakit?

Para itong buhay sa braso ko. Nagliliyab na lila ang nasa gilid ng hugis nito. Bagay na ikinatataka ko. Ang mata ko ay bumalik sa dating kulay ngunit ang buhok ko ay intense violet pa rin. Nagconcentrate ako para baguhin ang kulay nito ngunit walang nangyayare. Hindi ako makakapasok sa school ng ganito ang kulay ng buhok ko. Kelangan ko magpadye ng buhok.

Lumabas ako sa kwarto na yon at ganon ang gulat ko ng para akong may naramdaman ng dumaan ako sa pintuan. Barrier ba yon? Marahil ay spell ulit iyon.

Bumaba ako sa sala at naabutan kong pare-pareho silang kumakain. Napansin ko na ang mata at buhok ng daddy ko ay walang pagbabago. Abo pa rin ang kulay nito. Maging ang nasa gilid nya na parang pakpak ay naroon pa rin. Bakit?

Ngayon ko lang naisip na wala pala akong masyadong alam sa kanya pagdating sa bagay na ito. Hindi ako nagtatanong at hindi rin sya nagkukwento. Marahil ay magsasabi sya kung kelan sya handa. O kung kelan pwede. Marahil sa ngayon ay hindi pa muna. Hihintayin ko ang araw na iyon. Ngayon ay mageensayo pa ako bago dumating ang aking kaarawan na ilang araw na lang ang bibilangin.

Ibinaling ko ang atensyon sa dalawang bruha na kung makakain ay akala mo ay pamamamahay nila ito. Akmang iinom si tria kaya ang ginawa ko ay kinontrol ko ang baso para mabuhos sa kanya.

"WHAT THE HECK!?" Bulalas nya na ikinagisi ko. Hahalpak sa kakatawa si Eya kaya ang ginawa ko ay isinubo ko sa kanya ang kutsara na may lamang pagkain na naudlot. Ang ending ay nabilaukan sya dahil tumatawa pa rin. Ako naman ang napahagalpak sa kakatawa habang bumababa sa hagdan ng bigla akong natalisod ng walang dahilan. Gumanti ang mga baliw. Mabuti na lang at napahawak ako sa barandilya dahil kung hindi ay babagsak ako at gugulong sa hagdan. Sinamaan ko sila ng tingin at inirapan nila ako.

"Daddy?" Agaw atensyon ko sa kanya na humihingi ng tulong. Natatawa lang itong umiling bago tumayo at lumapit sa ref para kumuha ng tubig.

"Kumain ka na. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nya ng makabalik.

Tumango ako. "Yes dad. Naging hindi ako okay ng makita ko ang pagmumukha ng mga yan." Turo ko sa dalawa na tinawanan lang ng daddy ko at inirapan ng dalawa.

"Magsisimula ang training nyong tatlo mula ngayong darating na sabado. May apat na araw pa kayo bago iyon kaya ihanda nyo na ang sarili nyo." Paliwanag nya bago tumingin ng diretso sa akin. "Marami ka pang dapat malaman." Sabi nya dahilan ng pagkabog ng malakas ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa mga malalaman ko at sasabihin nya kaya tango na lang ang naibalik ko.

Malapit na ang kaarawan ko.

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now