CHAPTER 26 - THE BATTLE

971 28 0
                                    

"AND NOW LOVELY STUDENTS, WITHOUT ANY FURTHER ADO, LET THE BATTLE... BEGIN!"

Maingay.

Sobrang ingay na paligid.

Wala kang ibang maririnig kundi ang cheer ng mga students.

As i have observed them, i realized that maybe i dont really belong here.

The look powerful.

They look confident.

And.. I am not

I dont have powers.

I have nothing to brag about.

The aura inside this place is so strong that can make a normal person to tremble on their knees.

I sighed.

At naagaw ang attention ko sa biglaang sigaw ng mga students kaya naman napatingin ako sa gitna.

Kanina pa pala nag uumpisa ang laban and i was spacing out the whole time kaya di ko napanuod ang nauna.

Air and earth ang magkalaban.

Sa lagay ng aura nila, mukhang si air ang agrabyado dahil madami na agad syang nakuhang pasa.

Hindi ko napanood ang umpisa ng laban nila.

Freshman ang unang lalaro. Hindi pa nahahasa ang mga powers namin kaya matic na mahihina pa kami. Though iba yung mga anak na may malalakas na magulang at galing sa kilalang pamilya. Siguradong malakas din sila.

Since malapit na malapit ako sa stage kung saan sila naglalaban, kitang kita ko kung paano tinamaan ng ugat ng puno ng earth sa mismong dibdib yung kalaban nya.

Napangiwi ako sa nakita ko.

That hurts.

Dahil sa hindi agad nakabawi si air (i'll use their powers instead of their names kasi di ko naman sila kilala -_-) humawak sa lupa si earth at bigla na lang may lumabas na ugat na pumalibot kay air. Cage.

Air was trying to destroy the cage using his power pero walang nangyayare.

Unti unting lumiliit ang cage at naiipit si air sa loob.

Dinagdagan nya pa ang mga ugat na nakapalibot dito para hindi na ito makawala

And after a minute of trying to escape, i heard air voice shouting in pain.

I winced.

Ramdam ko yung sakit sa sigaw nya.

What if the same thing happened to me?

Pano ko lalabanan yung magiging kalaban ko?

What if di ko kayanin at ikamatay ko?

Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na inalis iyon sa isip ko.

Napadako naman ang tingin ko sa mga holy rankers at eksaktong tingin ko kay abo ay nakita ko syang nakatingin sakin.

What are you lookin' at?

WHAT THE HELL!?

Dont cuss. And dont shout on your mind! You'll damage my ears! Tsk

GULAT NA GULAT AKONG TININGNAN SYA ULIT NG DI MAKAPANIWALA

WHAT THE HELL!?

Sobrang layo nya sakin. Paano nangyare na nakakapagcommunicate sya sakin through telepathy!? Ganon ba sya kalakas!?

Yeah. Scared now?

Aba e makapal naman pala ang mukha wow

Am not. Why would i be scared? Yep you look like a monster but you still look pathetic to me.

I answered back and smirked. Take that you jerked!

For a woman, you sure have a sharp tounge huh? Let's see what you can do on the battle ground.

Sabi nya na parang naghahamon. Nakakainis. Makapang insulto kala mo gwapo-fine! Gwapo naman talaga kaso nga walang modo. Akalain mong ako pa napiling pagtripan. Raulo sya ah.

I tried my best to close my mind. Yung tipong nag-imagine ako na may daan-daang pader sa utak ko. Geez ang powerful nya but that doesn't mean na pwede na sya mangbully!

Sa sobrang pag iisip ko, hindi ko na napansin na natapos na ang laban.

Earth wins.

Another round for the freshies at ang magkalaban ay fire and water. Let's see kung gaano ba talaga kalakas ang apoy tsk

Hindi nagsasalita ang MC as a sign na magsisimula na ang laban. May iilaw na lang basta na parang nakapalibot sa kanila at saka lang uumpisahan ang laban.

At first, no one's attacking each other. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang aatake at kung ano ang unang move.

Later on, water did an immediate move na hindi inaasahan ni apoy kaya naman natumba pa sya.

Umatake ulit si water ng water blade but this time, fire easily dodge it. It was fire's time to attack since he managed to move and be on water's back. I dont know how he did it but he already have a sword on his hand that is coated with fire.

Bago pa man makalingon sa kanya ang kalaban ay sinaksak na nya ito sa tiyan. Nasa rules na hindi pwedeng pataaman ang parte kung nasaan located ang puso ng tao dahil magiging fatal ang tama nito at hindi madaling gamutin. Or worse, the person might be dead lalo na kung malala ang tama.
Sa laban na yon natapos ang laban.

Napailing na lang ako sa sarili. I was expecting more. Hindi yung ganitong sobrang dali lang ng laban nila. Inaasahan ko na matibay sila at makakayang sugatan ang isa't isa. Umaasa ako sa matagal na laban. May mga powers sila diba? Though di pa sila well trained pero dapat malakas pa rin sila since nagagamit naman na siguro yung powers nila bago pa man sila pumasok dito. Unlike me na hanggang ngayon e di pa alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron.

Bakit pa kasi napadpad ako dito? This is not the place that I've dream about. Yes sobrang ganda ng school and also yubg facilities. May mga effects pa nga. Pero di na talaga ako natutuwa. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako nasasanay kahit na ilang linggo na ako dito. Feeling ko dito mapapaaga ang buhay ko e. Alam ko naman na masama ang ugali ko pero kasi sobrang karma naman yata tong nararanasan ko tss

Dahil sa mga naiisip ko, nagsisimula na naman akong magpanic. Bwiset. Anytime e pwedeng pwede na tawagin ang pangalan ko. Hindi naman ako pwedeng umabsent dahil may mga lumilibot daw sa mga dorm at mas malala ang dadanasin mo kapag di umattend. Geez. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso lalo na ng narinig ko ang napakaganda kong pangalan na tinatawag na sa entablado.

At sa ilang daang beses kong narinig ang pangalan ko, pakiramdam ko ito na yung huling tawag sakin at katapusan ko na. Damn!

"Ria Amethyst Grey"

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now