CHAPTER 14

1.9K 57 2
                                    


Bigla na lang akong nagising ng maramdaman kong may malamig na bagay na dumadapo sa mukha ko.

Sa isang iglap at napamulat ako at hinawakan ko ang may-ari ng kamay.

Matanda. Isang matandang babae.

"Kamusta na ang pakiramdam mo hija?" Mahinahon nyang tanong sa akin kaya naman unti-unting lumuluwag ang hawak ko sa kamay nya.

"Nakita kita kanina sa loob ng aking bakuran kaya naman nagtawag pa ako ng isang tao para buhatin ka papasok rito dahil di kita kayang buhatin." Yung boses nya. Ang gaan sa pakiramdam. Para bang wala syang kaproble-problema. Ang aliwalas din ng mukha nya. Bagamat matanda na sya ay bakas pa rin ang ganda nya.

Pero napatigil ako ng maalala ko ang sinabi nya. Loob ng bakuran? Nooo! Alam ko sa sarili ko na nasa gubat ako! Nasa gitna ako ng gubat ng gabing iyon at ni isang bahay ay wala akong nakita! Kahit na madilim dahil gabi na ay naaaninag ko naman dahil maliwanag ang sikat ng buwan!

Dali dali akong bumangon at tumakbo palabas ng bahay. Maganda ang paligid. Ang aliwalas. Maraming bulaklak sa loob ng bakuran nya. Ibang iba ito sa kagabi. Lumabas ako ng bakuran at naabutan ko ang mga bata na naglalaro sa labas. Maraming bahay dito. May mga taong nag-uusap sa labas at bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Pero alam ko sa sarili ko na hindi maipinta ang mukha ko.

Bumalik ako sa loob at nakita kong andun pa rin yung matanda sa pwesto na iniwan ko kanina at bahagya syang nakangiti.

Err. Bat ba nakangiti halos lahat ng tao dito?

Naupo ako sa kama at tumabi sa kanya. Nakatingin pa rin sya sa akin na wari bang kilalang kilala nya ako.

"Ahmm.. Wala po ba kayong napansin na kakaiba kagabi?" Nag-aalangan kong tanong. Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong sa kanya ang bagay na yun o ano.

"Wala naman hija. Sa katunayan nga, nagkakasayahan kami kagabi diyan sa labas ng bahay kasama ang lahat ng tao sa lugar na ito. Lahat sila ay kilala ko kaya naman laking gulat ko ng makita kita kaninang umaga. Hindi kita nakikilala. Hindi ka pamilyar sa akin." Sabi pa nya.

Hindi ko alam kung anong nangyayare. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako. Bakit ganun? Hindi panaginip yung kagabi dahil patunay nito ang gasgas sa binti ko at ang suot ko. Ang suot kong kulay purple. Ang ganda. May mga diyamante na nakadisenyo dito at saktong sakto lang talaga sa akin kaso maikli lang. 2 inches above the knee kaya naman kitang kita ang binti ko.

Pinagmasdan ko ang suot ng babae sa aking harap. Mahaba ang suot nya. Parang natural na bagay lang. Isang bistida ang suot nya na abot hanggang binti. Tama lang ang katawan nya at medyo may katangkaran. Hindi mo mahahalata na sobrang tanda na nya maliban na lang kung titingin ka sa mukha niya.

Nawala ang nasa isip ko ng ayain na nya akong kumain. Nang dahil sa nangyare, ramdam na ramdam ko ang gutom ko at idagdag pa na masarap ang inihanda nyang pagkain kahit di ako pamilyar dito.

Normal lang ang maghapon ko doon. Hinayaan nya lang akong magpahinga sa isang kwarto at tinawag lang nya ako ng magtanghalian at magmeryenda na. Nakuwento nya sa akin na patay na ang kanyang asawa at may sarili ng pamilya ang dalawa nyang anak kaya mag-isa na lamang sya.

Nang sumapit ang alasais ng gabi, niyaya na nya akong maghapunan. Habang kumakain kami, nararamdaman ko ang pagbabago ng paligid. Pero isinantabi ko ito at nagpatuloy sa pagkain. Napatingin ako kay lola-yun na lang daw ang itawag ko sa kanya- at kapansin pansin na parang kinakabahan sya. Bigla syang tumigil sa pagkain at umakyat sa kwarto nya. Kaya naman kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyare. Pakiramdam ko kasi talaga e may kakaiba.

Pagbaba niya. May dala na syang dalawang.. BARIL!?

Nagpanic naman ako bigla. Eto na naman ang kaba na naramdaman ko kagabi.

Pakiramdam ko nanigas ako sa kinauupuan ko at di ko na matapos ang pagkain ko.

Nang makalapit na sya sa akin ay inilahad nya ang kamay nya. Nagtataka at natatakot naman akong bumaling sa kanya.

"Titingnan ko ang baril na nasayo." sabi nya. Nagbago na ang tono ng boses nya. Hindi na ito malambing katulad kanina. Ang boses nya ay parang may halong utos at alerto.

Bagamat nag-aalangan pa rin ay inabot ko sa kaniya ang aking baril. Bahagya naman syang nagulat ng makita nya ang aking baril. Bakit? Tama ba ako? Tama ba ang hinala ko na may kakaiba talaga sa baril na ito?

"B-bakit may baril kang ganyan?" Tanong nya ng makarecover na sya sa pagkabigla.

Hindi naman ako makahagilap ng sagot sa tanong nya kaya naman nanatili akong tahimik. Kahit ako ay di alam kung san nanggaling ang bagay na to at kung pano ako nagkaroon nito.

"Huwag mong iwawala ang bagay na yan. Hindi iyan pangkaraniwang baril lamang. Yan ay hindi nauubusan ng bala."

A-ano!? Tama ba ko ng rinig!? May baril bang hindi nauubusan ng bala?!!!

At tama nga ako! May kakaiba sa baril na ito.

"Ano pong kakaib---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bila na lang may narinig kaming putok mula sa labas ng bahay. Tumakbo si lola palapit sa bintana at sinilip ang nangyayare sa labas. Dahil sa curiousity, tumakbo ako palapit sa kanyana siyang pinagsisisihan ko.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ito nangyare sa akin! Ngayon lang ako nakaranas ng ganito! Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano patayin ng lalaking nakatiim na nakahood ang isang matanda! Sinaksak nya ito gamit ang kutsilyo at hiniwa ang katawa nito. Hindi ko na kaya pang mang kaya naman tumalikod ako dito at unti unting napaluhod. Nanginginig ako sa sobrang takot. Gulong gulo na ko. Nauulit na naman ang nangyare kagabi.

Naramdaman ko na tinabihan ako ni lola at hinaplos ang likod ko

"Hindi ka magtatagumpay kung magiging mahina ka." Mahinahon na ulit ang boses nya habang sinasabi sa akin ang bagay na iyon.

Napaangat ang ulo ko matapos ko iyong marinig

"A-ano pong i-ibig niy-ong s-sabihin?" Nanginginig ko pa ring tanong.

"Mahina ka. Napakahina mo sa pisikal maging sa emosyonal. Hinahayaan mong lamunin ka ng takot mo. Paano ka makakalaban kung ang iniisip mo lang ay ang takot mo? Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa at harapin mo ang iyong problema kaakibat ang paniniwalang malalagpasan mo lahat ang pagsubok mo." Nakangiti nyang sabi sa akin

Parang natauhan naman ako sa pangaral nya kaya naman unti-unti akong tumango. Inalalayan nya akong makatayo bagamat nanginginig pa rin ako.

"Kaya mo na ba?" Tanong pa nya.

At napangiti naman sya ng malaki ng marinig nya ang sagot kong...

"Kakayanin po."

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now