"Gising! Nakalimutan mo na ba ang ipinangako mo? Nalalapit na ang ikalabing walong kaarawan mo!"
Isang masiglang tinig ang siyang bumungad sa akin.
Siya ay kamukha ko!
Ngunit ang buhok niya ay tuwid at lagpas sa kaniyang bewang at mukha siyang kumikinang!
Langit na ba to?
"Nakita mo ba ang ina natin?" Tila excited na tanong nya. "Hindi mo ba ako nakikilala?" Malungkot na saad niya.
"S-sino ka ba?" Utal na tanong ko.
Malungkot siyang napangiti.
"Kung ganoon, ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako makapasok sa emperyo ng kaharian ng langit. Ikaw ang nag-iisang pumipigil sa akin."
Hindi ko siya naiintindihan.
"Hindi mo ako kilala pero kilala kita! Ako ang kakambal mo, nang maisilang tayo ay nagkaroon ng digmaan. Dahil ikaw ang mas malakas sa atin, ikaw ang isinama ni ama at ako naman kay ina. Malas lang na nahuli kaming pareho at pinatay nila ako."
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya.
Ngumiti siya. "Iyon ay normal. Sinaway nila ang kaisa-isang batas para sa prinsesa kaya ang kapalit ay buhay. Sayang at hindi kita nakasama---" napatigil siya ng takbuhin ko sya at yakapin. Mapait akong napangiti.
"Magkasama na tayo. Hindi ka na nag iisa." Nakangiting saad ko.
"Maging ikaw ay walang awa nilang pinatay at ginamit pa ang ating ina,"
"Kung ganoon....,"
Tumango siya, "Buhay pa ang ating ina. Ngunit dahil sa pagpatay sa kaniya at dahil sa atin na kaniyang bunga ay nawala ang kanyang pagiging immortal at humina, dahil doon, nagkaroon ng tiyansa ang underworld na kontrolin siya."
Kaya ba may luha siya kanina? Hindi nya magawang magsalita o labanan ang kumokontrol pero naroon pa rin ang kaonting emosyon?
"Ang dahilan ng pagsakit ng insignia mo ay dahil nakulong si ina at naglalaban ang kapangyarihan nito sa kapangyarihan na lumulukob sa kanya, dahil connected kay ina ang iyong insignia ay nadadamay ito. Kung ano ang sakit na nararamdaman mo ay ganoon rin ang sa kanya." Malungkot niyang paliwanag.
"Bumalik ka na sa kanila," aniya.
"Hindi na ako makakabalik. Hindi ako umabot sa ikalabing walong kaarawan,"
"Matutulungan kita." Nakangiti niyang sabi.
"Paano?"
Ngumiti ito at itinuro ang puso.
Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa kanya.
"B-buhay ka pa?"
Tumawa ito at umiling.
"Hindi, pero ang kapangyarihan na meron ako ay nasa akin pa rin at hindi nawala. Dahil hindi pa ako nakakapasok sa emperyo ay hindi pa iyon nawawala. Dahil bata pa lang ako ng nawala, hindi naalis ang sealed. Pareho tayo. Ang kaibahan. Hindi mo naramdaman pero nabuksan ang iyong nakapangyarihan kasabay ng sa akin. Dahil narito ka, nabuhay rin ang nakatago kong kapangyarihan at mas lalong tumindi. Alam mo ba ang maaaring kalabasan?"
Umiling ako bilang sagot.
"Maaari mo itong makuha sa akin,"
"Ano ang kapalit?"
Malungkot siyang ngumiti. "Ako. Ako mismo,"
"H-hindi ko kaya,"
"Okay na sa akin ang maglaho. Kaya ko iyong isakripisyo maligtas lang kayo."

YOU ARE READING
ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)
FantasyALISTAIR ACADEMY ------ Every beginning has an end. But the what-so-called end is just the beginning. Everything starts from the start. But their story begin from the end.