"AMETHYST! EYA!" Tria shouted as soon as she saw us sitting under the branch of tree inside the campus.
Tumakbo sya palapit samin pero dahil sa kapilyahan ko ay ginamit ko ang kapangyarihan ko para matisod sya.
"Damn you, bitch!" She cursed through telepathy where only the three of us could hear.
Tawa lang ang isinagot namin sa kanya ni Eya at pagkatapos ay naghigh five.
Bumunot sya ng damo sa field at nang makalapit ay ibinato iyon sa amin. Hindi na kami nakailag pa dahil busy kami tumawa.
"Aray!"
"Ouch!"
Sabay naming daing ni Eya.
Sa mga makakakita at makakarinig ay iisipin nilang maaarte kami pero ang totoo ay talagang masakit iyon. May kasamang kapangyarihan ang hagis na iyon kaya masakit.
May kapangyarihan din sya. Silang dalawa.
Natuklasan ko iyon ng aksidente lang.
Nang ipasok ako ni daddy sa academy- sa kagustuhan ko, a first year college student, doon unti unting bumabalik sa akin ang buhay na meron ako bago pumunta sa kabilang mundo.
Naaalala ko sila madalas. Naiisip ko sila palagi. I even dreamt of them sometimes. And a thought always came to my mind after. Iniisip din ba nila ako?
One time, when I was eating lunch at the corner of the cafeteria, I notice a girl- eya, who was just beside me, trying to focus on a transparent cup which contains her drink. Noong una naisip ko na para syang baliw at naniningkit pa ang mga matang nakatitig doon. Natigil ako ng mapansing bumuka ang kamay niya sa magkabilang gilid ng cup at unti-unting tumaas ang laman noon. Tumigil lang sya ng makitang puno na ang cup bago nakangiting uminom roon dahilan para mangalahati ang laman. Inulit nya ulit ang ginawa kanina at napuno ulit iyon.
Napa-facepalm ako sa nasaksihan ko. Napakatipid nya sa pera pag inumin ang pag uusapan. Napalingon ako sa paligid at doon ko napansin na madami nga palang tao roon, maaaring may makakita sa kanya.
Akmang uulitin nya iyon matapos ubusin ang laman pero ako na ang pumigil. Itinumba ko ang baso sa pamamagitan ng hangin at inis syang napatingin sa paligid hanggang sa madako ang tingin nya sakin. Inirapan nya pa ako bago nagsalita.
"What are you lookin' at?"
I just rolled my eyeballs and continue eating my foods. Mukhang ikinainis nya iyon at napansin ko ang pagpuno ng coke sa baso ko. Nilingon ko sya at napansin na roon sya nakatingin.
I concentrated on my cup as well and did my best to stop what she was doing, I succeed.
Narinig ko pa ang paghampas nya sa mesa na nakakuha ng atensyon ng ilang malapit sa amin. I smirked.
Ilang segundo ba bago nya tuluyang naproseso ang lahat at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. Itinuro nya ako gamit ang hintuturo at gulat na gulat na nakatingin sakin. Natawa ako sa inasal nya.
Nilapitan nya ako at hinila papunta sa field at nagtanong ng kung ano ano.
That's how met Eya, a water bender. Char.
Pareho kami ng course na kinuha nagpabago ng sched para maging magkaklase sa lahat. We do argue most of the time tho. At puro kalokohan na lang. Not in a way that we could harm other people's lives.
Isang subject noon nang maging kaklase namin si Tria. Nasa huling row kaming dalawa noon at nasa harap sya ni Eya.
Isang araw, nang magpapasa ang prof namin ng gagawin, narinig ko ang bulong nya.
YOU ARE READING
ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)
FantasyALISTAIR ACADEMY ------ Every beginning has an end. But the what-so-called end is just the beginning. Everything starts from the start. But their story begin from the end.