CHAPTER 21

1.2K 38 0
                                    

-------

"AAAAAAHHHHHHHHH"

Di ko na napigilan ang sarili ko at bigla na lang akong napasigaw. Omaygosh! Omaygosh! Omaygosh!!! nagkaron ng lapnos yung balat ko! Pakiramdam ko, literal na pulang pula akooo! Namumuo na din yung mga pawis ko sa mukha ko pati na sa mga katawan ko.

Nawala naman bigla yung kakaibang temperature na nakapaloob sa kwarto.

A-ano yun?! Anong nangyare?!!

"Now, that's what you get for making fun of me." Cold nyang sabi.

---------

Yun yung last na sinabi nya bago lumabas ng room. Andito na ako sa dorm namin. Ayoko ng bumalik pa sa room na yun. Nakakatakot!

After kong maranasan yun, hindi na ko nakapagsalita or nakapagreact man lang sa kanya pagtapos nyang gawin yun.

Nakakatakot sya. Akala ko pa naman safe yung kapangyarihan nya! Ano bang problema nya?! Gusto ko lang naman makita yung kaya nyang gawin ah!? Gusto kong MAKITA at HINDI MARANASAN.

Kanina, hindi ako makahinga halos. Nasu-suffocate ako sa sobrang init. Feeling ko kakapusin ako ng hininga at mawawalan ng malay. Yung katawan ko, parang unti-unting nasusunog. Parang di ko na kakayanin ulit kapag naulit pa yun!

Pinaliwanag na din nilang tatlo sakin ang lahat.

Si Faier.

Si Faier na isang royalty.

Si Faier na isang Prince.

Si Faier na President ng studeng council.

Si Faier na nagbibigay ng command sa lahat.

Si Faier na kinatatakutan ng mga nakapaligid sa kanya.

He is a legend -sabi nila. Siya ang naglakas-loob na tulungan ang isang nayon ng tangkaing lusubin at sakupin ito ng mga taga dark katulong ang iba pang mga officer at take note mga bes! Nanalo sila. 

Kaya naman pala napakayabang! TSK

Sabi nilang tatlo, napakaswerte ko raw kasi sya yung kasama ko nung nag-exam. Kasi kahit royal din sila, never pa nilang nakasama ng matagal si Faier maliban na lang kung may meeting ang mga royal. Ang lagi daw kasama nito ay ang mga officers at madalas silang isama sa mga misyon.

Srsly!? Anong swerte dun e nung kasama ko sya parang wala akong kasama!? Panong swerte kung parang feeling ko mas gugustuhin nyang namatay ako dun sa test!? AT PANO AKO MAGIGING SWERTE KUNG MUNTIK NA NYA KONG MAPATAY KANINA!?

Si Faier ay hinahangaan ng lahat maging ng mga teacher dito sa school na to sa angkin nyang lakas.

Dapat daw ay nasa misyon pa ngayon si Faier pero biglaan syang pinabalik ng headmaster kaya bumalik sya agad. At katatapos lang ng pinagawa sa kanya ng Hm at wala na syang gagawin kaya naman pinasama sya sa pagpapaexam.

At higit sa lahat, si Faier na crush DAW ng lahat ng babaeng estudyante rito sa school na to maging ang mga bakla at lalo pa daw nagpalakas sa appeal nya yung pagiging masungit at cold nya.

Mga nababaliw na siguro sila. Mga sira ang ulo! >///<

Nakwento din nila na kapag may nagbibigay ng regalo sa kanya, di pa inaabot sa kanya yung regalo ay bigla na lang daw itong masusunog at magiging abo.

Mygad! Napakasama ng ugali nya diba?! Nagmamagandang-loob lang yung mga tao, err ano ba sila?- o kung ano man ang tawag sa kanila chuchu yun na yun- tapos ganun gagawin nya? Aba napakabastos! No wonder! Hindi na dapat ako nagtaka na muntik na nya akong patayin kanina!

Isa pa, nakwento nila na magi-start na ang tunay na pasukan sa isang linggo matapos isa-isahin ang mga nakapasa at kung sang section sila ipapasok. Permanent section lang daw kasi yung dati at pinag-ramble lang kaya kung sino-sino na ang mga magkakasama.

Tinanong ko din kung bakit intense red yung mata ni Faier. Yun daw ay dahil naco-control na nya fully yung kapangyarihan nya kaya ganun. Kapag alam mo na daw kung pano magamit at macontrol ang powers mo, bigla na lang daw kukulay ang mata mo kapag ginagamit mo ang kapangyarihan mo. Hindi katulad ng mga normal na estudyante na light lang ang kulay ng mata kapag kaya na nilang control-in ang powers nila.

Perks of having a royal blood. TSK

Nagpakwento na rin ako sa kanila ng tungkol sa mga powers na meron sila at isa-isa nilang pinaliwanag sakin yun kaso hindi ganun kalinaw kasi hanggang ngayon ay nagte-training pa rin daw sila kasi hindi sila ganun kagaling sa paggamit ng powers nila. Hindi katulad ng mga officers na sobrang gagaling na.

Hindi lang din puro paggamit ng magic ang tinuturo dito. Pati na rin yung paggamit ng iba't-ibang weapons ay tinuturo nila. At kung pano makikipaglaban ng walang weapons. At ang pinakamatindi, they also improve the mental ability of their students para makapagplano para sa darating na mission.

Tinuturo din nila kung paanong gumawa ng weapons na magagamit kapag may dumating na kalaban.

I asked them kung bakit ako tinanggap dito e wala naman akong kapangyarihan. Pero hindi naman daw basta-basta makakapasok ang mga mortal dito kasi mamamatay sila sa loob pag nakapasok sila sa loob nito dahil ibang-iba ang ambiance dito hindi tulad ng sa mortal. Pero hindi ko daw yun napansin kasi katulad ko din daw sila. And now that i think of it, kung katulad ko sila, at kung mamamatay ang pumasok dito na mortal, ibig sabihin, alam ni daddy na may kapangyarihan ako? Tapos sya wala? Kaya ba hindi sya sumama sakin sa loob kasi alam nya na baka ikamatay nya yun?

Ano bang nangyayare?!

ALISTAIR ACADEMY (The Long Lost Princess)Where stories live. Discover now